"Crazy"
Flashfiction by: cheiix
Napahinto ako sa paglalakad ng matanawan ko ang isang malaking laruan na naka display sa mall kung nasaan ako. Humakbang ako palapit dito at dinama ang napakalambot na tela nito. Napakaganda ng pagkakayari sa isang teddy bear na ito at halata na hindi ordinaryong tela o kung ano pa man ang pagkakagawa dito. Humakbang ako paatras para sana lisanin na ang lugar na 'yon ng may mabangga ako mula sa likuran ko. Mabilis akong lumingon dito at yumuko para humingi ng pasensya.
Masyado na yata akong pre-occupied.
"Pasensya na po. H-hindi ko po sinasad-"
"Shane?"
Tila naistawa ako ng muli kong marinig ang boses na 'yon. Kilalang-kilala ko kung sino ang may-ari ng napakalambing na boses na 'yon at hindi ako pwedeng magkamali.
"Justine?" mahinang bulong ko habang nanlalaki pa rin ang mga matang nakatingin sa kanya.
Hindi ko ini-expect na makikita ko siya dito. Ang huling balita ko sa kanya ay nasa ibang bansa na ito para ipagpatuloy ang negosyong naiwan ng ama nito doon.
Kitang-kita ko na titig na titig siya sa mukha ko. Marahan akong napalunok dahil sa tensyon na nararamdaman ko. Napaatras pa ako ng makita kong umangat ang kamay niya para sana haplusin ang mukha ko ngunit mabilis akong umiwas.
Hindi pwede 'to. Kailangan ko nang makaalis sa lugar na ito.
"A-ahm. Excuse me." kanda-utal na tugon ko at mabilis ko siyang nilampasan ngunit nahila niya ang kamay ko.
Kinulong niya ako sa isang mahigpit na yakap. Yakap na tila ba nangungulila. Yakap na tila ba naghahanap ng atensyon at kalinga.
"Please. Stay." mahina niyang bulong at isiniksik niya ang mukha niya sa pagitan ng leeg ko. "Come back to me."
Hindi na ako nakapag-isip kaya naitulak ko siya. Hindi naman masyadong malakas pero sapat na 'yon para magkalayo ang katawan namin. Halos habulin ko ang aking paghinga dahil sa nerbyos? Sa takot o sa kaba? Hindi ko maintindihan pero gusto ko talagang lumayo sa kanya.
Hindi pwede ang sinasabi niya. Masasaktan ko lang siya.
Muli siyang humakbang papalapit sa akin kaya napahakbang naman ako paatras. Nanginginig ang tuhod ko pero wala akong pakialam.
"N-NO! Don't come near me!" sigaw ko. Marami na rin ang nakatingin na mga tao sa amin dahil nasa gitna kami ng mall pero wala na rin akong pakialam. Gusto kong lumayo sa lalaking nasa harapan ko ngayon.
Gusto kong tumakbo at magpakalayo-layo. Ayaw ko na siyang makitang nahihirapan dahil lamang sa akin.
"Please calm down, Shane." he whispered. Marahan pa siyang humakbang papalapit sa akin para sana abutin muli ang kamay ko pero mabilis akong humakbang paatras.
Natatakot ako. Natatakot ako na baka may magawa nanaman ako para masaktan siya.
"Shane. Look at me. Please." he whispered again. "Calm down."
Mula sa pagkakayuko ay dahan-dahan akong napatingin sa kanya. Kitang-kita ko ang pagmamaka-awa sa mukha niya. Kinalma ko ang aking sarili kahit na sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
Sa kanya lamang tumitibok ang puso ko ng ganito. Sa kanya lamang nabaliw ang puso ko ng ganito.
Muli siyang humakbang palapit sa akin. Tinatagan ko ang sarili ko.
BINABASA MO ANG
Broken Promises (one-shot) Completed
Teen FictionCheiix's Flash fiction and Short stories compilation.