Pagkauwi ni Deanna ay agad naman niyang kinuha yung phone niya at itetext si Jema.
To: Jema
Hi Jema, this is Deanna. Nakauwi na nga pala ako. Ikaw ba? Ingat ka kung hindi pa. :)
At ibinaba niya ang phone at nagbihis ng pambahay na damit, simpleng tshirt lang at short. Maya maya ay lumabas siya at pumunta ng kusina bitbit ang phone. Chineck niya ito ngunit wala pang reply sa kanya si Jema. Kaya napagpasya niyang kumain na lang muna. Habang kumakain ay bigla itong tumunog.
Beep...
From: Jema
Hi Deanna, nakauwi na rin ako. Sorry late reply kumain kasi ako agad pagdating e. :)
Napangiti naman ito sa nabasang reply. At agad nagtype ng irereply niya habang kumakain.
To: Jema
I see. Ngayon pa lang ako kumakain. Kain ka pa para di ka agad magutom.
At nagpatuloy siya sa pagkain. Maya maya ay tumunog ulit ang kanyang phone. Nakita niyang galing ito kay Jema. Hindi niya na muna ito nireplyan at tinapos ang kinakain. Matapos kumain ay binuksan na niya ang message nito.
From: Jema
Mamaya haha kakakain ko lang. Kain na lang ulit ako mamaya pag nagutom. Haha
Ang cute niya haha. Mukha siyang masungit kanina pero mabait naman pala. May pagkajolly din pero hindi sa personal. Sabi niya sa isip.
To: Jema
Haha cute mo. Sige sige. Wag lang masyadong madami kainin at gabi na.
Jema's POV
Hay salamat nakauwi na rin. Sabay lapag ng gamit sa may upuan. Nakakapagod talaga bumyahe nakakagutom pati. Makakain na nga lang at nagugutom na talaga ako. Nalipasan na nga ata ako ng gutom e.
Pagkatapos kumain ay kinuha niya ang phone sa bag nito. At nakita niyang may 1 message from unknown number.
From: 0916XXXXXX
Hi Jema, this is Deanna. Nakauwi na nga pala ako. Ikaw ba? Ingat ka kung hindi pa. :)
Oo nga pala may kasabay ako umuwi kanina. Naalala ko itsura niya parang laging galit yung kilay dahil sa kapal nito. Pero mabait naman pala.
Flashback...
Nakaupo ako ngayon sa may gilid at naglalaro ng games habang hinihintay ko mga kaibigan ko. Habang naglalaro ako I felt that there's someone staring at me. At tumingin tingin ako sa paligid and there sa bandang gitna although malayo sila I saw two women looking at me. Lakas talaga ng sense ko. Bigla naman silang nagiwas tingin at umalis nung mapansin nilang napatingin ako sa kanila. Ano kaya tinitignan nila may dumi kaya sa mukha ko saka pano naman nila makikita e ang layo ko sa kanila. I checked my face sa phone ko may pag kamirror kasi yung screen ko kay nakikita ko yung sarili ko kahit papano. Wala naman. Tinignan ko yung katabi ko medyo malayo naman sila sakin kaya sigurado akong ako tinitignan ng mga yun.
Uwian na. At yung mga kasama ko e nagkayayaan pang kumain hindi na ako sumama kasi gusto ko na umuwi. Dun na lang ako sa bahay kakain. Nagpaalam ako sa kanila na mauuna na akong umuwi. At sabay babay sa kanila. Habang naglalakad ako nakita ko yung cab huminto medyo lagpas sa akin. Kaya binilisan ko lakad ko at baka biglang umalis. Pasakay na sana ako ng may narinig akong sumigaw ng "Nicole" napatingin ako sa kanya pero di ko pinansin. Tumawag ulit "Nicole" nung tinignan ko siya napansin kong sakin ito nakatingin. Kaya tinuro ko yung sarili ko at tinanong sa kanya kung ako ba yung tinatawag niya. Medyo malayo kasi siya sakin. Tumango naman ito.
Hindi naman Nicole pangalan ko e. siguro napagkamalan niya lang ako na kamukha ng kakilala niya. Sabi niya sa isip niya. Sumagot ako at sinabing "Jema po". Agad naman siyang humingi ng pasensya. Ganun na ba ako kaganda at ang daming namamaling akala na kamukha ako ng mga kaibigan nila. Charoot. Anyways ngumiti na lang ako sa kanya at sumakay na ng cab. Pagkasakay ko tinignan ko saglit yung mga kasama niya kasi may pamilyar na mukha akong nakita at napansin ko yung dalawang babaeng tumitingin sakin kanina. Nakatingin sila sakin habang kausap ko yung kasama nila kanina. Ano bang meron sakin? At masyado yata akong napagpapantasyahan. Charooot. Haha
Hello guys :) This is my first time writing. Sa kahiligan kong magbasa ng Wattpad at puro Gawong stories yung binabasa ko. Nainspire akong magsulat. Kadalasan kasing nababasa ko na author mga baguhan din kaya nagtry ako. :) Tell me about the story kung nagustuhan niyo ba at kung ipagpapatuloy ko pa? :) Anyways, thank you sa mga iilang nagbasa. hihi May kadugtong na yan pero di ko na muna sinaman kasi masyado ng mahaba. Sa Chapter 4 ko na lang isasama. Hope you like it guys. :) :) :)
YOU ARE READING
I will always love you 💕
FanfictionUltimate Gawong fan ako kaya gumawa ako ng fan fiction nila. First timer po ako kaya don't judge me. hahaha Hope na magustuhan niyo kwento ko. :)