MAMAHALIN PARIN KITA

27 0 0
                                    


MAMAHALIN PARIN KITA.
Ni: R.B

Panibagong araw para sayo.
Panibagong tula na isusulat ko.
Gusto ko kasing ilahad ang nararamdaman ko. Sa paraang alam at kaya ko.
Pwede pa ba tayong bumalik sa simula?
Sa simula kung saan tayo ay magkasama pa. Kaso mukhang malabong maulit kaya di nalang aasa para dina masaktan ulit.
Hindi ko alam kung tama paba ang ginagawa ko patuloy na nagmamahal at naghihintay sayo. Pero alam ko naman sa sarili ko ang totoo.
Na ako lang ang nag iisip na mahalaga ako sayo. Kamusta kana kaya? Nakalimutan mo na ba ako? Kasi hindi ako hindi ko kaya,Hindi ko kayang kalimutan ka.
Sa aking pagtulog mensahe mo ang hinihintay ko. Pero aasa nanaman ba ako? Ayoko na ng "PARANG TAYO" pero Hindi naman. Tama na.
Huwag na tayong maglokohan naiinis ako sa sarili ko. Nangangarap nanaman kasi ako. Hindi ko alam kung pano ko sisimulan. Hiling ko na sana balang araw.
Magustuhan mo'y ako naman.
Nagsimula sa mahalkita hanggang dumating sa puntong AYOKO NA.
At bakit pa nasimulan?
Kung may hangganan din naman. Pano ako mananalo? Kung sa una alam ko na suya na ang panalo sa puso mo. Pikit mata, buntong hininga, bahala na.
Basta Mahalkita. Nahihirapan akong magsimula dahil may binitawan kang salita. Nakakapit parin ako hanggang sa dulo.
Pinaniwalaan parin ang iyong mga pangako. Hanggang kailan? Di na sasagot na katanungan. Hanggang kailan mo ako paghihintayin?
Sa imahinasyong ako'y iyo at ika'y akin Mahal kita kahit alam kong may mahal ka ng iba. Nandito lang ako handang maglaan ng oras sayo para ika'y mapasaya

DITO NALANG TAYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon