PARA SA TAONG INIWAN AKO!

33 1 0
                                    

"Para sa Taong Iniwan Ako"
Isinulat ni: R.B

Paano ko ba nga ba sisimulan?
Ang tulang nais ko sa iyo'y ilaan
Dahil noong ako'y iyong iniwan
Namayani sa puso ko ang sakit na aking nararamdaman.

Naaalala ko pa noong mga panahong puso mo ay ako pa Ang laman
At nangako pa sa bawat isa na habang buhay tayong magmamahalan
Pagmamahalan na walang kasiguraduhan
Pagmamahalan na sa isang iglap ay iyong binitawan.

Nasan na nga ba Ang pagmamahalan Kung ang tayo ay lumisan at napalitan Ng kayo?
At kahit anong gawin ko ay wala ng magbabago
Dahil ang ikaw at ako ay mananatili na lamang sa dating Tayo.

Dating tayo na nagiwan ng hiwa sa puso ko
Pero may masakit ka pa palang ipapadama sa puso ko
Sakit na halos isaksak mo sa aking pagkatao
Dahil sa tuwing nakikita ko kayo
Natutulala na lamang ako at maiisip na Hindi na talaga ako ang Mahal mo.

Ipinagdarasal ko pa nga na sana ako na lang sya
Sya na ngayon ay kinakalinga at inaalagaan mo
Siya na ngayon ay mahal na mahal mo.

Mahal ano nga bang mga pagkukulang ko
At sa ere ako'y iniwan mo
At kahit pagtingin sa akin ay Hindi mo gusto
Mahal bakit mo ba ako ginaganito?
Mahal siguro nga ay masaya ka na,
masaya ka na dahil kapiling mo na sya.

Sige Mahal papatawarin na Kita
Pero nais ko lamang itanong sayo Kung naging masaya ka ba noong mga panahong nasa piling pa Kita?
Siguro nga ay Hindi ka naging masaya
Dahil hindi ka Naman maghahanap Ng iba Kung sa akin ay kuntento ka na.

Mahal sana ay Mahalin mo siya ng totoo,
Sana'y wag ka na ulit magloko
Sana'y baguhin mo na ang sarili mo
Dahil tandaan mo ang karma ay nakasunod Lang sa iyo.

DITO NALANG TAYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon