Chapter 1 - Crossing the dangerous line

40 2 0
                                    

Chapter 1 - Crossing the dangerous line

Nakatanaw ako sa labas ng gate ng Xenone Academy. Kinakabisa ko ang laki at lawak nito. Iniwan ko ang dati kong eskwelahan para dito. Kahit ang aking mga kaibigan, dahil sa isang hangarin.. Hangaring aking dadalhin habang ako ay nabubuhay.

Alam kong mapanganib dito. Nasa peligro ang buhay ko. Ngunit handa na akong mamatay, matapos ko lang ang dapat kong tapusin. Wala na rin namang saysay pa ang buhay ko.

While entering Xenone black gate, a wicked smile starting to form in my lips. Babawiin ko ang mga binawi nila sa akin.

Dumiretso na ako sa room ng magiging first subject ko. Mariin akong nakahawak sa magkabilang strap ng bag ko. Isa lang ang tumatakbo sa isip ko. Ang pangalan ng taong may atraso sa akin. Nanggigigil ako habang minumutawi ng paulit-ulit sa aking isip ang pangalan niya.

Nasa tapat na ako ng room at walang babalang dire-diretso akong pumasok dito. Nagsisimula na ang klase at gulat ang rumihistro sa mukha ng mga magiging kaeskwela ko at sa gurong nagtuturo sa unahan.

Huminto ako sa gitna. "Hi. I'm Ena Rey. The new student." Walang emosyong pakilala ko. Wala naman nang nagsalita bukod sa teacher na napahinto sa pagtuturo.

"Nice to meet you Ms. Rey. I'm Lavainne Sinson. Your teacher in Social Studies. You may take your seat now beside Ms. Jao and Mr. Laso."

Matipid akong ngumiti dito. Nakatuon ang mga mata ng mga bago kong kaklase, ganun din ang pares ng mata ng taong tanging nakahagip ng paningin ko. His strong aura and perfect face like no other is really noticeable.

Umupo ako sa gitna ng isang lalaking may salamin at sa isang babaeng panay ang ngiti sa akin.

"Ena, right? Ako nga pala si Nheeka." Pakilala ng katabi kong babae. Nakakunot-noong tiningnan ko lang ito, pati na rin ang kamay niyang nakalahad. Hindi ko ito pinansin at nakita ko sa gilid ng aking mata ang pagkapahiya nito.

Hangga't maaari, ayokong magkaroon ng kaibigan dito. Wala akong planong gumawa ng magagandang alaala sa eskwelahang ito.

Natapos ang unang subject na parang walang nangyari. Hindi rin naman ako nakinig dahil ang buong atensyon ko ay nasa isang tao lamang.

Napaka tahimik ng mga kaklase ko. Maliban lamang sa grupo ng mga kalalakihan na nasa kabilang row. Ginugulo nito ang mga kaklase kong nananahimik at tingin ko ay takot sila sa mga ito dahil wala silang ginagawang hakbang para magprotesta sa mga ginagawa nila. Sino ba ang mga iyon?

"Hoy Vasquez! Nasaan na yung inutos kong gawin mong project sa Filipino?!" Nakasigaw na tanong nung lalaki dun sa babae na kanina pa nagdadaldal sa unahan. Isa ito sa mga grupo ng lalaking nasa kabilang row.

"B-b-bukas k-ko d-dadalhin." Nauutal at halatang takot na sagot nung babae.

Marahas na hinila nung lalaki yung manggas ng uniporme nung babae. "Siguraduhin mo lang! Malalagot ka sakin pag wala kang dala!" Pagbabanta naman nung lalaki.

Biglang nag-init ang ulo ko sa lalaking iyon. Bukod sa naririndi na ako sa kanyang pasigaw-sigaw na para siyang isang hari na lubos kong kinaiinis, ay wala rin siyang habas kong manakit ng mga estudyante, lalo na ang mga babae.

Sinipa pa nito ng pagkalakas-lakas ang bangkong inuupuan ng babae kaya nalaglag ito sa upuan.

Hindi na ako nakapagpigil at mabilis kong naibato sa lalaking iyon ang makapal kong libro. Tumama ito sa ulo niya. Napangisi naman ako ng tagumpay.

"Tang*na! Sinong nagbato nun?!" Galit na lumingon ito. Natahimik naman ang lahat at gulat na tumingin sa akin ang mga kaklase kong nakakita sa ginawa ko.

Risking my Heart to Him (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon