Syd P.O.V.
Kinabukasan ay maaga pa lang ay nagiisip na ako ng isusuot ko. For sure nandoon din sa house party si Avery kaya kailangan ko magpaimpress sa kanya.
Navy blue holister crop top at cut off denim shorts ang napili kong isuot. Medyo bitin yun top kaya exposed ang flat stomach ko at yun part ng tattoo ko. Actually sa likod yun malaking flame tattoo ko na nakapalibot hanggang sa small part ng stomach ko. Hindi alam ni Dad na nagpalagay ako nito.
At siguradong papagalitan ako nun kapag nalaman nya, kaya never ako nagsusuot ng anything na maeexpose ang tattoo ko kapag nasa bahay.
Kaya magsuot muna ako ng hoodie para hindi nya makita o kahit nina Kayah or yun step mom ko. Baka mamaya isumbong pa ako kay Dad. Magsuot din ako ng beanie at gray vans slip on para sa shoes ko.
Naligo muna ako, after ay nagpatuyo ako ng hair at saka sinuot ko na yun damit.
Around 6pm ay nasa kotse na ako, dadaanan ko si Ice sa bahay nila.
Pagdating kina ice ay nagbusina ako, ilang sandali pa ay lumabas na ito. Nakasuot sya ng adidas hoodie na kulay white, black soccer shorts at white adidas nmd.
"Really Ice?" Sabi ko ng makapasok sya loob. Kulang na lang ay kuhanin na syang model ng brand na yun.
"What? I love adidas" nakasmile na sabi nito. May dala syang adidas cap saka nya isinuot.
Naiiling na lang ako. in fairness she looks good pa din tignan sa suot nya. Bagay sa kanya ang ganung outfit na ang sporty lang ng dating.
Pagdating sa bahay nina Blake ay naghanap muna kami ng mapaparadahan. Pagbaba ay napansin namin na madami ng tao sa loob.
"Syd san nga pala si Lizzie break na kayo?" she asked.
"Nasa Singapore ngayon si Lizzie, sa Monday pa babalik...and she is not gf, we're just dating." I said.
Bago kami bumaba ay inalis ko na yung hoodie na suot ko.
Pagdating sa loob ay napansin kong pinagtitinginan kami ng ibang tao na nandoon, nakarinig pa kami may sumigaw ng 'P4', seriously minsan para na kaming celebrity kung ituring ng iba.
Napansin kami ni Blake at lumapit sa amin, katabi nya ang gf nya na si Reese.
"Syd!" Bati nito saka ako niyakap.
"Blake." tinapik ko sya sa likod. Sumulyap ako kay Reese saka nagsmile. Ang cute ni Reese sa suot nya na dress.
Bumaling si Blake kay ice "Hi Ice, wala sina Gabrielle at Victoria?"
"Wala eh may lakad yun dalawa." sagot ni Ice.
"Tara kain lang." turo nya sa sangkatutak na pagkain nakahain sa mesa.
"Doon yun drinks." turo nya sa bar counter.
Ang laki din ng bahay ni Blake, hanggang 4th floor, may rooftop at may malaking garden at pool.
"Thanks Blake."
"Have fun ha, punta lang kami doon." paalam nya kasunod si Reese.
"Kain muna tayo." sabi ni Ice. Lumapit kami sa table na puno ng food. Ang daming klase ng pagkain. Parang daig pa ang fiesta. Kumuha ako ng pasta at salad.
Pagkatapos kumain ay pumunta na kami sa bar counter ay humingi ng vodka at zombie.
Straight naming ininom ni Ice. Pagkakababa ng baso ay natanaw ko sa may pintuan sina Addy at Avery. Napangiti ako ng malaki at nilapitan sila.