Chapter 18 - Ice

27.2K 508 42
                                    


Ice P.O.V.

Pagdating ng sabado ay maaga akong nagising, pagbaba ko ay naabutan ko sina Kuya Andrew at Kuya Bullet na nag aagahan.

"Hi baby girl, may lakad ka ngayon?" tanong ni Kuya Bullet pagkaupo ko sa tabi nya.

"Yeah later, sa house party ni Blake." sagot ko habang kumukuha ng pancakes. Mga apat na layers ok na siguro yun.

"Ahh, pupunta din kami ni Millicent dun." 

Natigilan ako sa pagsubo ng marinig ito, nawalan ako bigla ng gana kumain at parang ayaw ko na tuloy pumunta sa party mamaya. Kung hindi lang ako naka oo kay Syd, I'm sure magagalit ito kapag hindi ako tumuloy.

Tumayo na si Kuya Bullet  "Una na muna ako sa inyo, pupunta muna kami sa mall ni gf." paalam nya.

Pilit akong ngumiti kahit deep inside parang tinutusok ng karayom ang puso ko. 

"Ingat kayo Kuya, hello mo na lang ako sa kanya." sinabi ko ito pero alam ko na hindi ito totoo sa sarili ko. 

Sa totoo ay gustong gusto ko na mawala yung attraction ko kay Millicent, sobra nasasaktan ako kapag ganito na alam ko na lagi sila magkasama at madalas pa ay nagkikita kami kapag isinasama sya dito sa bahay ni Kuya o anumang okasyon...kagaya nga mamaya.

Pag alis ni Kuya Bullet ay si Kuya Andrew at ako na lang ang naiwan sa may dining area.

Pinilit kong kumain kasi for sure magtataka si Kuya Andrew kapag bigla akong nawalan ng gana.

"Sino na bagong chick mo baby girl?"

Saglit akong tumigil sa pagsubo at sumulyap sa kanya "Wala Kuya, masaya na akong single."

"Ows bago ata yan.." biro nya, halatang hindi naniniwala.

"Mamaya sa party, baka makakita ako.." pinilit kong ngumiti. Parang kahapon lang ay excited pa ako sa party na yun, bakit naman kasi kailangan pumunta pa sila?

"Bumalik na pala sina Andy."  balita nya, nakatingin siya sa pinapanood nya sa TV habang sumusubo.

Andy? Yung dating kababata namin? Alam ko lumipat sila ng Bulacan ng 10 years old pa lang kami.

"Talaga kuya? Kailan pa?" parang naexcite ako, kaclose ko siya noong mga bata pa kami lagi kami naglalaro.

"Kahapon lang, nakita kong may mga tao na ulit sa kabila." sagot nya. Ang kabilang tinutukoy nya ang mala mansion na katabing bahay namin. Ilang taon din na walang tumira dito kung hindi mga katiwala lang.

Tumayo na din si Kuya Andrew "Sige maiwan na kita baby girl." sabi nya saka umalis na.

Pagkatapos kumain ay umakyat muna ako sa room ko, umupo sa kama at parang tubig na biglang dumaloy ang alaala ng nakaraan namin ni Andy.

**************

"Aalis na pala kayo?" sabi ko habang naglalaro  kami ng army action figures sa bahay namin, pareho kaming 10 taon noon.

Tumingin sya sa akin, yung malungkot na tingin, saka sya sunod sunod na tumango.

"Malulungkot ka ba kapag umalis na kami?" nakasuot sya ng maong na shorts, rubber shoes, at camouflage na t-shirt. Maikli ang buhok nya na parang panlalake at nakasuot sya ng makapal na salamin. Malabo na kasi ang mga mata nya at her young age.

"Oo naman, wala na akong kasamang maglaro." sagot ko saka sumulyap sa kanya.

Nakita kong tumayo sya saka lumapit sa akin, naupo sa tabi ko.

Party girls (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon