Kabanata 3

2 0 0
                                    

Cassy P.O.V

"So siya pala ang tinutukoy mo kuya" pagbasag ni Trexy sa katahimikan namin habang kumakain.

"Have manners trexy!" Saway ni Tyler sa nakababatang kapatid

"Im sorry!" Pagpaumanhin ni trexy.

"Its okay darling,talaga bang pinag usapan niyo ako dito habang nasa hospital ako?" At napatigil si trexy ng pagkain at humarap sakin

"Opo ate,sabi nga ni kuya na ang swerte niya raw kasi ang ganda raw ng nabundol niya!" Paliwanag niya

Talaga bang totoo ang sinasabi ng batang to!

"TREXY!!" Di na napigilan

"Tyler! Wag ka na ngang magsinungaling aminin mo na kasi" pangungulit ko sa kanya

Rinig na rinig ko ang pagbuntong hininga  niya..

"Okay! Yes! Palagi kitang kinukuwento sakanya kasi ang GANDA mo!" Talaga pang ipinispecific niya ang word na GANDA..

Haha kilig todamax!

"Ayuun!" Tsaka nakipag apir ako kay trexy.

"Alam mo kasi tyler,hindi ka magaling magsinungaling!" Pang aasar ko sa kanya pero di parin tinablan ang  kumag"Di ka rin marunong magsungit" at kitang kita ko naman ang pagdilim ng kanyang mga mata. Tumigil naman ako sa pang aasar sa kanya,baka mapatay ako nito.

"Uhm excuse me." At tumungo na si trexy sa kusina para iligpit ang kanyang pinagkainan. Kahit may katulong sila ay bilib parin ako sa pagiging responsable niya

Tatayo narin sana ako kaso biglang pinigilan ako ni Tyler
"Cassy,mag-usap muna tayo" nabigla nalang ako sa pagiging seryoso niya.

"S-sorry sa ginawa ko kanina. Gino goodvibe lang kita at di ko inaasahan na umabot sa ganito" napayuko ako sinabi ko dahil alam kong guilty ako sa ginawa ko.

"Don't be sorry,Sa totoo lang pinagaan mo talaga ang loob ko" Pinagaan? Eh muntikan na nga lang na patayin na niya ako sa itim na namumuo sa mga mata niya kanina.

"Okay. So ano bang pag uusapan natin?" Tumayo siya at tiningnan niya ako as if na nagsasabi siya na 'sundan moko'. Kaya sumunod naman ako sa kanya.

*****

Narito kami ngayon sa veranda nila. Hindi ko talaga maiwasang hindi mapahanga sa ganda ng veranda nila kaya habang naglakakad kami bigla akong natapilok sa katangahan ko.

"Araay!" Napasunod naman ang tingin ni Tyler sakin at lumapit siya na may pag alala ang mukha

"Ikaw naman kasi hindi ka nag iingat!" Bulyaw niya sakin at tinulungan akong makatayo

"Talaga tyler? Susungitan mo parin ako habang hirap na hirap na ako rito! Ang veranda niyo naman kasi ang ganda ganda!" Napangiwi nalang siya at muli akong tinalikuran.

"At veranda pa namin ang sinisi mo?" Tatawa sana ako kaso may point siya. Bakit ko nga ba sinisisi ang veranda nila?

"Oo naman sa sobrang ganda, napatingala nalang ako sa kung saan saan, dahilan sa pagkatapilok ko" Paliwanag ko sa kanya.

"Tss." Yan nalang ang naibanggit niya.

"Ano nga pala ang gusto mong sabihin?" Tanong ko na walang halong pag aalinlangan.

"Ahh..Tungkol sa alaala mo." Simpleng sagot niya.

"Bakit?" Tanong ko. Makikita mo ang pangangamba sa kanyang mga mata at pinagpawisan din siya.

"Wag mo nalang isipin yun. Baka sumakit pa ang ulo mo!"

"Okay." Hindi narin ako nagpumiglas sa kung ano ang sasabihin niya ang importante komportable ako sa kanya. At hindi naman niya siguro ako papabayaan."Teka? Ano nga bang ginagawa natin dito?" Tinitigan ko siya ng mabuti sa seryosong mukha.

"I just want to say Im sorry kasi nabunggo kita." Makikita mo ang pag alala sa kanyang mukha.

Minsan talaga mapapaisip ako kung seryoso ba siya sa mga pinagsasabi niya kasi mukha palang niya parang manloloko na. But as what they said dont judge the book by its cover,kaya tama na siguro ang panghuhusga ko sakanya. Malaki din naman ang naitulong niya sa akin bukod na sa pagpapahospital ay pinatira at tinanggap niya ako rito sa bahay nila na manirahan dito.

"Okay lang. At least hindi mo ako iniwan" napailing at natatawa nalang ang naging sagot niya tsaka siya umupo sa swing. Sumunod naman ako sa kanya at tumabi narin sa kinauupuan niya.

"Alam mo Cassy,matulungin naman talaga akong tao pero may panahon talagang di ako matulungin" humagalhak siya ng tawa habang ako nakasmirk lang.

"Haha,Pero ba nung nabunggo mo ako  tinopak ka ba nung panahon" Mariin kong tinitigan ang kanyang maamong mukha.

Hindi siya nakasagot agad at parang naghahanap pa nang isasagot.
Hindi nalang ako umimik at tutungo na sana ako sa silid ngunit hinila niya yung kamay ko at pinaupo ulit.
Di narin ako nagpumiglas.

"May sasabihin pa ako cass" he said.
I just stare at his eyes at siya na ang unang lumihis sa aming pagtitigan.

"Ano yun"

"Pwede bang pag maalala mo na lahat ang nangyari sayo,Pwedeng wag kang magalit sakin?" Nakayuko siya habang pinagsasabi ang mga yun. Di ko narin mapigilang isipin kung anong tinutukoy niya.

Bigla nalang akong nahilo. Sumakit yung ulo ko at natumba.

Sa mga oras na yun hindi ko alam ang gagawin ko. Gusto kong tumayo pero nahihirapan ako tsaka ko nalang namasdan na natumba na pala ako at sinalo ako ni tyler.

******

Namulat nalang ako sa isang magandang kwarto at naalala ko na bahay pala to ni tyler. Dali-dali naman akong tumayo sa kinahihigaan ko ngunit sumakit na naman ang ulo ko.

"Wag kang tumayo magpahinga ka muna" He said. Hindi ko namalayan na andito pala siya sa tabi ko mukhang binabantayan niya ako pero wag tayong assuming beh!

"Anong nangyari" tanong ko. Sakit parin ng ulo ko ngunit dahil sa curiosity ko gusto ko talagang malaman kung ano ang totoong nangyari.

"Bigla ka nalang natumba kagabi kaya kita dinala dito sa kwarto mo. At binantayan rin kita kaya may utang ka sakin" he said. Nakataas ang isang kilay niya na para bang seryoso siya na pagbayaran ko yung utang ko. Pero nung kinunot ko ang noo ko tumawa naman siya agad"Joke lang naman yun! Sige na magpahinga ka muna kukunin ko lang yung pagkain mo" aniya. Talaga bang mabait tong si Tyler? May pagkastrikto nga siya pero nangingibaw parin ang kabaitan niya.

"Okay." Tsaka siya tumayo at lumabas sa kwarto.

Swerte nga siya sakin,ngunit mas swerte parin ako sakanya bukod na sa kagwapuhan niya ay sobrang bait naman niya.

Kahit na siya ang nakabunggo sakin ay higit na itong ginagawa niya para pagbayaran ang kasalanan niya. Tama nga ang sinabi niya sakin kanina na kelangan ko pagbayaran ang mga utang ko sa kanya kasi malaki laki narin ang naitulong niya sakin.

Swerte ko dahil siya ang nakabunggo sakin,kung iba siguro yun baka iniwan na ako na nakahandusay sa daan. Papasalamat parin ako sa Diyos dahil hindi niya ako pinabayaan at kahit na amnesia lang ang natanggap ko at least buhay naman ako,at hindi ko yun pinagsisihan.

Malaki na ang utang ko kay Tyler ngunit kahit kailan ay di parin siya nagrereklamo,siya pa nga ang bumibili sa mga gamot ko e,nakakahiya na kaya. Kelangan ko ng maalala ang memorya ko para makaalis na ako sa bahay nila, mukhang pabigat lang naman ako dito.

May kumatok sa pintuan at bumungad sakin ang mukha ni Tyler.
Ngumiti lang siya at lumapit sakin.

May dala siyang tray na may lamang mga pagkain at mga gamot.

"Sige,kumain kana babantayan lang kita dito" aniya. Umupo siya sa gilid ko kung saan siya nakaupo kanina.

"Salamat" tanging sagot ko lang. He just smile genuinely at tumango. Nagsimula narin akong kumain dahil kanina pa ako gutom.

Nobody's PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon