Chapter 9

3 0 0
                                    

Nagsitinginan ang mga tao sa paligid habang palakad ako papunta sa opisina. Ang weird nga eh kasi nagbubulungan sila at may pinag uusapan. Magbubulangan nalang nga pinahahalata pa. Nilakihan ko nalang sila ng mata kaya napayuko naman silang lahat.

Nang makarating ako sa elevator pinindot ko na ang button. Pero papindot palang ako bumulaga na sakin ang mukhang nagparamdam ng sakit at hapdi dito sa puso ko ang lalaking nakatikim sakin pero syempre hindi niya ako nakuha, salamat nalang ky danielle.

"Tyler." Yun lang ang nabanggit ko at bigla akong niyakap nito. Bumuklas ako sa pagyayakapan namin at sinampal siya, sampal na may dalang galit at sakit.

Malakas ang pagkakasampal ko kaya napabaling ang attensyon ng lahat ng tao na andito sa kompanya ko. Pero as usual nawala din lahat, alam naman nilang natural lang sakin ang manakit ng tao, mabuti nalang nga kung ganun ang alam nila.

Hinaplos ni tyler ang kanyang pisngi at bumalik ang tingin niya sakin. Kung nakakamatay palang ang titig niya sakin eh siguro kanina pa ako namatay dito. Nakatitig siya sakin ng maitim at hinila ako. Hindi ko alam kung anong nangyari sakin at nagpahila nalang sa kanya, gusto kong kumawala sa hawak niya ngunit iba ang ginawa ng katawan ko. Ito na ba ang sinasabi nila na mayroong sariling utak ang katawan?

I can still feel his soft hand holding unto mine. His scent , ugh God i miss this man! Pero tama nga bang na miss ko siya? Tama nga bang ginusto ko ang lahat na ito? Tama nga bang magpakatanga ako? Sa naalala ko hindi nagtatanong si Cassy Alison Montenegro, matapang ako na babae, lumalaban ako. Pero kung siya ang nandyan para akong jelly ace nalang na kung san san magagalaw at walang magawa kundi manatili sa iisang tayo at sasabay sa agos ng tubig. Tyler just used me! He Doesn't love me, hindi niya ako mahal at tanggap ko yun.

Kahit ano pang gawin mo sakin tyler, hinding-hindi magbabago ang pagtingin ko sayo. Minsan lang ako magmahal ng buo, lubus lubusin ko na.

Nakarating kami sa parking lot at isinakay niya ako sa Porsche niya, marami talaga siyang sasakyan.

Tinitigan ko lang siya habang inayos niya ang seatbelt ko. Nasa tabi ako sa driver's seat kaya magkatabi kami ngayun. Nang matapos niyang maayos ang seatbelt sinarado na niya ang pinto ko at pumunta sa driver's seat.
Tinitigan ko parin siya, siguro hindi niya napansin hanggang sa umandar ang sasakyan at pamilyar ang kanta sa radio. Its "Helium - by Sia" Paborito kong kantang to kaya napasabay ako s kanta habang nakatitig sa kanya

Your love lifts me up like helium
Your love lifts me up when im down down down
When I've hit the ground
You're all i need
Your love lifts me up like helium

At ayun nakuha ko ang attensyon niya kahit hina lang yung pagkanta ko alam kong ramdam na ramdam niya na para sakanya yung kanta na yun. Tumingin siya sakin.

"Im sorry.." yan lang ang lumabas sa bibig niya. Gumaan ang loob ko ng makita ang mata niya na Hes sorry for it. Seryoso at sincere si Tyler and he's sorry for what he said noon. "I'm sorry dahil niloko kita, i'm sorry dahil pinagmukha kitang tanga, i'm sorry dahil ipinamukha ko sayo na Gaga ka kahit hindi naman pala. And i'm sorry for everything Cassy. Malalaman mo rin lahat pag nakarating na tayo sa pupuntahan natin." He intertwined our hands at hinalikan niya ang likod nito at tumingin sakin. He cried. Tyler is crying. Umiyak siya.

Tumulo yung luha niya kaya binawi niya ang kamay niyang nakahawak sakin para punasan ang mga ito.

Ngumiti lang ako ng tipid at tumingin sa labas ng bintana.

Nang makarating kami sa lugar na kung saan ang tinutukoy niya lumabas agad siya at pinagbuksan ang pinto.

"Di mo na kelangang gawin yun." Sabi ko ng pagkalabas ko sa sasakyan niya.
Nagkibit balikat lang siya at tumalikod. Sinundan ko naman siya kung san siya tumungo. Naaninag ko agad ang mga bundok na nasa paligid namin. It's a paradise. Ang ganda ng tanawin rito. Ngayon pa lang ako nakapunta dito.

Nobody's PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon