Danielle's P.O.V
It's been 4 months since nawala si Cassy.Tinulungan na kami ng mga Pulis para hanapin siya. Hindi pwedeng mawala si Cassy kundi damay lahat na hindi makatangap ng sweldo,dahil siya lang naman ang inaasahan ng lahat dito.
Marami na ring nagreresign pero marami pa rin kaming nananatili dito sa opisina.
Mariin akong nag aalala para kay Cassy, asan na kaya yung babaeng yun? 4 months na rin akong naghahanap sa kanya tumutulong sa mga pulis at NBI ngunit kahit sila di parin nila matuntun kung asan si Cassy.
"Danielle? Pupunta kaba ngayon sa Barrio San Antonio?" Tanong ni Ashley.
"Oo,pero sabi ng mga pulis hanggang Mabolo nalang daw ako kasi di raw nila ako papayagang masali sa kung ano mang gulong mangyari." Saad ko.
"Hindi yan pwede dan, kelangan kang sumama! Tatawagan ko ang tito ko chief siya sa PNP station dun sa mabolo, kelangan kang sumama para alam mo kung anong nangyari ky Cassy." Tugon niya. Alam kong nag aalala narin si Ashley para sa kaibigan niya. May kinuha siyang call number at ibinigay sakin.
" Tawagan mo ako kung may kailagan ka,at sana mahanap niyo na si Cassy" aniya. Yun lang sinabi niya tapos umalis bigla.******
Someone's P.O.V"Ganun ba? Mabuti naman at napakinabangan kita kapatid ko"sabi niya habang nakatawa.
Di ko sana to gagawin kung di rin niya ako pinilit. Marahil isang krimen tong ginagawa namin kako mismong gusto kong tulungan siya.
"Oo naman,mahal kong kapatid. Sa ginawa niya sayo talagang hinding-hindi ko siya mapapatawad" sabi ko. At tumaas ang dalawang kilay niya na nakangisi.
"Siguraduhin mo lang na hindi na makakatakas ang Cassy na yan sa puder mo! Kundi alam mo na ang gagawin ko sayo Mahal kong kapatid" tumawa siya ulit ang tumawa narin ako mismo.
Mariin akong nakatitig sa kapatid ko habang tumatawa siya ngunit subalit hindi parin maalis sa isipan ko na hindi maawa kay Cassy. Inosente siya! Alam ko! Ngunit gusto ko lang siyang turuan ng leksyon sa ginawa niya sa kapatid ko.
"Sige na! Umalis kana kapatid ko! Baka masira pa ang plano natin!" Sigaw niya at hinigpitan ang paghawak sa baril.
*****
Cassy P.O.VI was looking for tyler and Trexy ngunit sabi ng kasambahay nila umalis daw sila parehong magkakapatid. Pagkatapos ko kasing kumain kanina niligpit na ni Tyler ang pinagkainan ko at muling pinainom ng gamot, pagkatapos kong makainom ng gamot bigla nalang akong inaantok kaya siguro pinabayaan nalang ako ni Tyler na matulog.
Nakaupo ako ngayon sa sala nila. Sa kanang banda may mga picture frames nilang magkakapamilya.
Mariin kong tinitigan yun at tsaka may napansin akong isang pamilyar na mukha na di ko maalala kung saan ko siya nakita, ngunit dahil sa ka curiosity ko kinuha ko yung picture frame na yun at muling umupo sa kina uupuan ko.Tinitigan kong mabuti ang mukha ng babae. Nakita ko na siya noon! Subalit malabo ang alaala ko. Hindi ko alam kung saan ko siya nakita. Basta ang alam ko lang kilala ko siya! Kilalang kilala ko siya.
Nahulog yung picture frame na hinawakan ko na may tumawag saking pangalan,mabuti nalang di nabasag kaya dali-dali ko itong pinulot at muling nilagay sa kinalalagyan nito kanina.
"Oh Tyler! Trexy! Andyan na pala kayo! Saan ba kayo nanggaling?" Tanong ko.
"Ahh,may binili lang kami"sagot ni tyler habang papalapit silang dalawa sakin."ito oh? Mga damit mo! Si trexy ang namili niyan"pagpapatuloy niya.
"Wow! Salamat naman at nag abala pa kayo" pagpasalamat ko.
"Walang anuman ate,tutal para kananga naming kapatid eh." Trexy said habang ngumiti Lang ako. Speaking of kapatid sino kaya yung babaeng nakita ko sa picture frame kanina?
Di kaya auntie niya yun?
O baka naman kamag anak lang?
Gusto ko sanang magtanong pero baka ayaw mapag usapan ni Tyler ang bagay na ito dahil kung may balak siya,sana noon pa pinakilala na niya sakin.
Baka naman girlfriend niya yun?
Minsan lang ako magkamali at sigurado akong kapatid niya ito,magkamukha sila eh! Sobrang kamukha!
"So? Okay ka na ba?" Tanong ni Tyler. Napatango ako at tsaka kinuha yung tatlong paper bag sa kamay ni trexy.
"Ang dami naman nito? Nakakahiya na." Sabi ko. Ngumiti lang si Tyler.
"No problem cassy. Sagot ko lahat ang kailangan mo. By the way can i call you Allison?" He said. Nagbublush na ang lola niya ayiieeuut, charot lang. Pang mmk na tong labstory namin hahaha...
"Okay anything you want to call me!" I said. Nagsmirk lang si Tyler. Ayun! Lumabas na naman dimples niya!
God! Bakit ang gwapo niya??
"Opps..Parang ang init dito ahh,makaalis na nga!" Pagtigil ni trexy sa pagtitigan namin ni Tyler.
"Edi umalis ka!" Sigaw ni tyler ky trexy,diniwalan lamang siya sa bata...
Danielle's P.O.V
3:40pm na ng makarating kami sa Barrio San Antonio,at 4 na oras din ang biyahe namin tapos huminto pa kami dun sa isang restaurant para magtanghalian kaya nakunan ng ilang minuto ang aming byahe.
Pagkarating namin sa San Antonio,maliliit lang ang mga bahay na makikita mo!
Tumikhim yung isa na NBI kaya napabaling ang tingin ko sa kanya.
"Sir,Sabi ni ma'am Ashley na kelangan daw po na sumama kayo." Sabi niya at tumango lang ako tsaka sumunod na ako sa kanila.
May mga malalaking bahay kaso parang walang katao tao ang naninirahan dito,tahimik naman ang lugar at may iilang bata ang naglalaro sa kalsada.
Walang taong naglalakad sa kung saang kalye tanging mga batang naglalaro lang ang makikita mo. They respected the pulis kaya nung napadaan kami natawa naman ako sa ginawa nila nag salute sila sa mga pulis at sinabing 'Sir Yes Sir' kaya maskin ang mga pulis napatawa narin.
Sana andito na si Cassy,gustong gusto ko na siyang makita,namiss ko ang mga ngiti niya,mga nagbabagang mata kapag nagagalit sa mga sekretarya niya,Hayy! Gusto ko ang mga yakap niya mga kapit niya sakin.
Pero,kasalanan ko to lahat kun bakit nawala si Cassy,sinaktan ko kasi siya last 4 months ago.
Kasalanan ko to lahat,i want to see cassy para humingi ng tawad at ng malaman niya ang tunay na nararamdaman ko para sakanya.
Hindi ko na rin mapigilang matawa sa sarili ko. Kaya kinagat ko nalang ang ibabang bahagi ng lips ko at napayuko tsaka pinasok ang dalawang kamay ko sa mga bulsa ko.
*****
"Saan ho ba ang mansyon ng Natividad?" Tanong ni SPO1 Luzano sa isang babaeng na naglalakbay na may dalang tatlong kambing.
"Dun ho sa may dulo,tsaka liko lang kayo sa kanan at tapos straight lang kayo sa isang kalye tapos dun sa kaliwa liko po kayo at dun niyo makikita ang mansyon ng mga Natividad." Pagpapaliwanag sa nakakatandang babae na tinanungan ni SPO1 Luzano.
"Mukhang malayo chief!" Reklamo ni SPO3 Vergara isang gwapong playboy na pulis sa Manila.
"Kelangan nating maglakad! Para hindi nila mahalata ang pagdating natin" sabi ni chief.
"Ngunit mas mabuti kung magvavan tayo chief,wag nalang tayong mag patrol car,sasabay nalang kaya tayo sa NBI's car?" Suggest ni SPO2 Cantadues
Isang nerdy na gwapong pulis."Mabuti na nga siguro pero pagdating natin doon kelangan nating mag ingat, baka nasa panganib ang buhay ni Ma'am Cassy" Sabi ni chief na napatango silang lahat.
Hindi parin ako umimik dahil natuon padin ang attensyon ko sa pagsisi sa sarili ko.
Ng makarating kami dun sa Mansyon ng Natividad,hindi mo talaga mapigilang di mamangha sa sobrang laki nito. Kulay Creamy White and Brown woods ang labas nito,I wonder kung ano ang nasa loob.
"Tara pasukin na natin" sabi ni chief.
Pagkarating namin sa pintuan biglang kinatok ni SPO2 Cantadues. Pagbukas ng pinto isa lang na mukha ang nakilala ko niyakap ko siya ng mahigpit at di ko namalayang tumulo na ang luha ko.
BINABASA MO ANG
Nobody's Perfect
ActionShe was lost. And nowhere could be found. She did found the guy that could help her remember her lost life. But just what they say "Don't trust people am i right?" Makakaya ba ni Cassy Alison Montenegro ang mga pangyayari sa buhay niya? Na ang mism...