Chapter 2: Team Building

352 11 0
                                    

Chapter 2

Fhey's POV

Panay pa din ang viber sa akin ni Eve pero di ko na nirereplyan. Minsan kapag napipikon ako, narereplyan ko at nakakapag bitiw ng di magandang salita. Kung bakit kasi ayaw akong tigilan. Ako na nga itong nasaktan, ako pa yung ayaw tigilan.

Habang lumilipas ang mga araw, unti unti naman na kong nagiging okay. Buti na lang din at nandito si Jenifer at Madie. Madalas man akong gaguhin eh lagi akong sinasamahan kapag feel kong mag emote. Gaya ngayon, Valentine's Day at silang dalawa ang ka dinner date ko.

"Grabe Ma'am Fhey! Ang haba ng pila, gutom na gutom na ko...!!!!" reklamo ni Jenifer habang nakapila kami sa pag order.

Nandito kami sa Ningnangan, isang restaurant na kilala sa mga inihaw na liempo, isda, seafoods, atbp. Self-service dito kaya nakapila kami. Hindi namin in-expect na ganito kadami ang tao ngayon dito. Nawala sa isip namin na Friday ngayon at natapat pa na Valentine's Day.

Mukha ngang gutom na gutom mga kasama ko. Tatlo lang kami pero ang order, inihaw na liempo, pusit, hotdog at lumpia. Di naman nagtagal at kumakain na kami.

"Tahimik natin ah...." Sabi ko sa pagitan ng aking pag subo.

"Gutom eh..." natatawa namang sabi ni Madie.

"San lakad mo bukas Ma'am?" tanong ko kay Madie. Alam ko kasing may gimik sya bukas eh.

"Ah! Mag didinner lang kami nung friend ko, long overdue na yung dinner nay un eh, baka mag movie na din kami." Sagot naman nya.

"Friend ba talaga?" mapang asar namang tanong ni Jenifer kay Madie. Gago talaga to, sa aming tatlo kasi, sya ang pinaka bully, pinaka malakas mang asar.

"Friend...." Diin namang ulit ni Madie habang panay ang kain ng hotdog. Favorite nya kasi ang hotdog kaya naman kahit yata ilang stick ibigay mo eh kakainin nya. Hindi naman halata sa katawan. Hahahahaha

"Sasama ba tayo sa Team Building?" tanong ko sa dalawa. May team building kasing pinaplano ang planta at kasama pati kami.

"Saan nga ba yun? Zambales?" balik tanong naman ni Madie.

"Nakita ko na yung resort sa internet, mukha namang maganda. Sama ba kayo?" sabi ko.

"Tuesday to Wednesday kasi yun eh, tatamaan yung Mancom Meeting namin every Wednesday morning... kaya di ako sure. Mukhang malabo." Mahabang paliwanag ni Madie habang kumakain pa din ng hotdog.

"Ikaw Jen?" baling ko naman kay Jen.

"No choice naman ako, kahit ayoko, pipilitin pa rin ako ng mga boss ko." Nakasimangot na sagot ni Jen.

"Sama na kasi tayo... mag babarista ako dun..." excited ko naman aya sa kanila.

"Di talaga ako sure..." kibit balikat na sabi naman ni Madie.

"So ikaw lang talaga di makakasama?" sabi ko.

"Malamang...." Pag confirm naman ni Madie.

"Alam ko na kung bakit ka excited!!!" hyper na sabat ni Jen na para bang naka isip ng bright idea.

"At bakit?" taas kilay kong tanong kay Jen.

"Eh kasi nandun si Ma'am Anya. Hahahaha Ayyyiiieee!!!!" panunukso sa akin ni Jen.

Natawa na lang ako at nag appear pa talaga si Jen at Madie sa idea nilang yun. Mga loko talaga tong mga to. Alam kasi nilang crush ko si Ma'am Anya. Nung nag Christmas Party kasi kami at nagka inumang tatlo, nagkaaminan kami kung sino-sinong mga crush naming na taga planta. At inamin kong crush ko si Ma'am Anya.

Just a FeelingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon