Chapter 3: "Her" POV

232 14 8
  • Dedicated kay Mamey
                                    

To Mamey,

I know mababasa mo to so hi to you... hahaha Oha!! Special mention ka, gusto mo ba, i-dedicate ko pa sayo to using your fb account? hahaha Peace :) THANK YOU nga pala sa "alam mo na". :)

Guys,

Made some revisions sa Chapter 1 & 2, dahil na rin sa request ni Mamey. Pero slight lang naman. THANKS...:)

-emptysweethanger

Chapter 3

Anya's POV

At last. Natuloy din ang summer outing/team building na rin. Excited ang lahat. Syempre ako din. First time kong makakasama ang mga boss at katrabaho sa ganitong outing. Of course, pati ang mga nasa transport na madalang kong makausap.

Kami ang pinakahuling dumating. Isa lang naman ang request ko kay Kaye: clean comfort room. Hehe. Kaya yun agad ang tiningnan ko. Ayos, malinis naman.

Nakapag swimming na sila. Samantalang ako, famished na. Changed clothes then ate, at swimming na din!

Kilala ko naman lahat ng kasama namen. Although not on a personal level, lalo na ung mga nasa transport. May interaction lang unless work related. I guess now's the time para makilala ko sila at bonding na rin.

Kung ano anong mga games ang pinrepare nila Kaye and Fhaye. Hangang sa truth or dare na sa swimming pool.

Aware naman ako na tinutukso si Fhaye sa akin. Sa planta pa lang, sa twing pumupunta ako sa office nila eh katakot takot na panunukso na.

The dare: nose to nose na may kasamang hawak sa leeg. Haha! Wala namang problema sa akin. Game ako anytime. Kaso ang ka dare ko, nahihiya pa ata. Lalong lumakas ang panunukso. Ang pinakamalakas, yung galing kay Jenifer at Madie.

Dare lang naman, naisip ko. Kaya ako na ang unang lumapit. Nahihiya pa tong si Fhaye.

"Okay lang ba?" nahihiya tanong sa akin ni Fhaye.

Ngumiti ako at bigla ko naman hinatak si Fhaye palapit. Hawak ko na ang leeg nya. Hinawakan na rin naman nya ang leeg ko. Ramdam kong nanginginig ang mga kamay nya.

"Oh nose to nose na Fhaye! Tagal naman.... Bibilang kami up to 15 ha?" Sigaw ni Plant Manager.

Tumingin sa akin si Fhaye. Ngumiti naman ako. Nakapikit syang unti unting inilapit ang ilong sa ilong ko. Napangiti ako nung makita kong super awkward ang pakiramdam nya. Pumikit na lang din ako habang dinig na dinig ko ang pag bilang nila.

"10......"

"9........"

"8........"

"7........"

"6......."

"5......."

"Okay na!!!!!!" nagulat ako nang biglang sumigaw si Fhaye sabay layo sa akin.

"Madaya!!! Di pa tapos!!!!!!!!!" nadinig kong sigaw ni Kaye, Madie at Jenifer.

Lumayo na sa akin si Fhaye papunta sa kabilang side ng pool. Nahuli ko syang sumulyap sa akin. Nginitian ko sya ngunit binawi nya agad ang kanyang tingin. Gusto kong matawa sa kalokohan ko. Alam ko namang nahihiya sya, ako naman eh sumasabay pa sa manunukso nila kay Fhaye. Hahaha Cute nya kasi kapag nahihiya.

Madaling araw na nung unti unti kaming naiwan sa may swimming pool. Karamihan sa mga boss ay pumasok na sa kanilang room para magpahinga. Umahon na kami ni Kaye sa swimming pool. Naabutan naming si Fhaye at Madie na naglalaro ng tequila pong. Grabe din tong dalawa na to, mukhang nakakarami na.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 27, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Just a FeelingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon