Paula♡

22 3 0
                                    

Paula? Naaalala mo ba?
Naaalala mo pa ba yung mga panahon na tayo'y malapit pa sa isa't isa
Nung tayo'y lagi pang nag aasaran
Nung tayo'y lagi pang nagbabangayan at nagkukulitan
Yung mga panahon na walang pa akong nararamdaman
Sorry
Sorry kung nahulog ako
Sorry kung nahulog ako sayo
Sorry kung marupok ako
Ikaw kasi e
Lagi mo ko linilibre
Si Paula na lagi akong pinapasaya
Si paula na lagi ako pinapatawa
Si paula na lagi kong kasama
Si paula na kaibigan kong bigla akong nagkagusto
Minahal kita ng palihim
Ng walang ibang nakakapansin
Mga selos ay kinikayang tiisin
Para lang huwag mo akong baliwalain
Mga kilos ko'y nag iba
Sapagkat ako'y naiilang na
Sorry sapagkat dahil sakin di ka gusto ng taong gusto mo
Sorry dahil nagkagusto ako sayo
Kahit na alam ko na best friend ko ang gusto mo.

Poems/ PoetryWhere stories live. Discover now