Sa pag amin ko sayo ng aking nararamdaman alam ko nakaramdam ka na ng ilang
Walang umimik, tahimik ang silid, ibinuka ko ang aking bibig ngunit walang lumalalabas na tinigTila nagdadalawang isip ka sa iyong sasabihin, laking gulat ko ng biglang sinabi mong "walang magbabago satin"
Bakit di mo pinaningidan?
Bakit bigla kang di nagparamdam?Lumipas ang isang linggo,tinupad mo ang iyong pangako
Wala satin nagbago, magkasama pa rin tayo, pareho parin tarantado
Ngunit ako itong nagkaproblema. Napansin mo ata na ako'y naiilang na
Inasar mo pa nga ko sabay sabing "para kang tanga, wag kang mailang" tinanguan naman kita at tayo'y nag asaranpagsapit ng ikalawang linggo, di mo na ako kinibo
Tila sa isang ihip ng hangin di ka na sakin natingin, sa iba ka na sumusulyap ng palihim
Nasasaktan ako sa mga inaasal mo. Lahat ginawa mo di mo ko makatagpo
Bakit tayo umabot sa puntong ito?Nangako ako sa sarili ko, na hinding hindi na ako mag hahabol sa isang tao
Di na rin kita pinansin. Naging mailap tayo sa ating mga paningin.
Madalas nagkakatitigan ngunit di naman nagkikibuan.
Namimiss ko na mga asaran natin,away natin, tawanan natin. Lalo na yung pinagsasamahan natin.Bakit ka nagkaganito? Sabi mo walang magbabago? Sabi mo strong tayo?
Sabi mo walang iwasan? Bakit? Bakit biglang mo akong iniwan?
Bakit di mo tinupad ang iyong pangako?
Napakagago mo talaga kahit kelan no?Lumipas ang mga buwan, tuluyan na tayong di nagpansinan
Sana pala di na nagkaaminan
Kasi nawala ng parang bula
Ang ating pagsasamaHanggang ngayon di ko pa rin alam
Kung balik bigla mo na lang ako iniwasan
Heto pa rin ako
Nalilito
YOU ARE READING
Poems/ Poetry
PoesíaHi! I just want to share my poems with you. Sorry kung panget siya. Di pa kasi ako masyadong magaling HAHAHA. Please don't expect too high from me. nag prapractice pa lang po ako HAHAHA