Sa Round Two, syempre, pahirapan na. Mahihirapan talaga kayo, ahe.
- -
MECHANICS
Free round itong round na 'to, at pwedeng isa o dalawang entry nalang ang isa-sumbit niyo. At dahil free round, syempre kayo pipili ng title, characters, theme, genre at.... plot. Ang plot ay 15% sa round na 'to, kaya malaking kawalan kung hindi maayos, at wala kang plot.
Tapos, dahil nga sinabi kong mahihirapan talaga kayo kanina, gagamit kasi kayo ng resources mula sa account ni imbluee/-dayumn. Yung House of Freebies at Sky Resources. Diba mahirap? Kasi naman, ang pangit pangit ng mga resources nyan XD This is also a must, 85% ito---joke. Pero kailangang kailangan ito.
Nasa right side ang watermark kuno na sobrang pangit at sobrang simple, external link to download. Minus 5 points ang taong hindi gumamit ng watermark okay? Pwede din siyang palitan ng kulay, o lagyan ng kung anu-ano. Pero, itong watermark lang ang pwedeng gamitin okay? Pwede din kayong maglagay ng watermark niyo.
The deadline is on October 2, 2014. Mahaba naman na siguro yan para makapagisip ng title, plot, characters, genre at gagamiting resources diba?
Isa pa pala, please pass the entry thru private message. Para maiwasan ang pangunguha ng ideas, okay?
CRITERIA
30% Creativity
20% Uniqueness
15% Cleanliness
15% Plot
10% Artwork's relevance to the plot
10% Typography
= A total of 100%
FORM
Title:
Username:
Plot:
Genre:
Message/Explanation:
Resources Used: (Resources Name + Resources Link)
Link:
- - -
Kung may tanong, comment nalang po. :)) Good luck and have fun!