"Uy! Kanina ka pa diyan tulala ah." Ging,
Andito kami sa garden ng bahay nila.
"May iniisip kasi ako."
"Ano naman yun? Chika?"
"Chika ka diyan! Hindi! Yung kanina."
"Ah, yung kay Saab saka kay Chrles? Eh ano namang kaisip isip dun?" Sabya inom ng juice niya.
"Hindi ka ba nagtataka?"
"Saan?"
"Wala, kasi parang ambilis naman. Basta. Parang nakakagulat lang."
"Asuuuss! Nagseselos ka lang niyan eh."
"Loka! Bakit naman ako magseselos?"
"Eh diba crush mo siya? Saka First kiss mo siya diba?"
"Uy! Namula ka oh! Hahaha!" Dag dag pa ni Ging.
Kinuha ko naman yung juice ko saka uminom.
Naloloka na ko dito sa kausap ko na to.
"Manahimik ka nga diyan. May Mikhael na ko noh."
"Mikhael daw. Hahaha"
"Kumain na nga lang tayo."
"Ang dami namang hinanda ng mama mo Ging, masiyado ata akong namiss."
"Nakuuu! Ewan ko ba kay mama. Masiyado ka nga atang miss. Hayaan mo minsan lang yan. Kainin na naitn lahat ng niluto ni mama."
Saka kami nagpatuloy sa pagkain na dalawa.
"Alleah, iha. Dito ka na kumain ng hapunan ah. Nagluto ako ng sinigang alam kong paborito mo yun eh."
Si tita, dumungaw sa bintana.
BINABASA MO ANG
His BROTHER or HIM?
Novela JuvenilPano kung kailangan mong pumili sa dalawang magkapatid? Pero ayaw mo silang masaktan? Pababayaan mo nalang ba ang nararamdaman mo na mawala? O susudin mo kung ano ang nasa puso mo? His BROTHER or HIM? -mimikmanalastas! :*