"Saab san ba tayo pupunta?" Tanong ko kay Saab kanina pa kasi lakad ng lakad, mukhang napapalayo na kami sa mga tent namin.
"Don't worry Alleah, malapit na tayo."
Patuloy lang kami sa paglalakad, sinusundan lang namin kung saan pumupunta sila Saab.
"Ging, balik na kaya tayo?" Bulong ko kay Ging.
"Wait lang, malapit narin naman ata tayo sa pupuntahan natin."
"Natatakot na ko eh."
"Ano ka ba kasama mo naman ako."
Huminga ako ng malalim saka nagpatuloy na sa paglalakad.
Palinga linga ako sa mga dinadaanan namin, wala akong makita puro puno lang saka mga baging.
Kinakabahan na talaga ako.
Mga ilang minuto pakaming nagtagal ng paglalakad nung huminto si Saab.
"We're here!" Ngiting ngiting sabi ni Saab.
Tinignan ko yung paligid.
Wala naman akong makitang kakaiba, mas maganda pa nga yugn tanawin kanina sa tabi ng tent namin.
"Asan asan yung pinagmamalaki mo?" Tanong ni Ging.
Badtrip narin kasi siya, ang layo layo ng nilakad namin.
Ayaw pa naman ng mahabang lakaran nitong babae na to.
"Come here."
Lumapit naman kaming dalawa kay Saab saka sa dalawa niyang buntot.
"Oh asan na?"
"There,"
"AAAAHHHHHH!!"
"Alleah!!" Sigaw ni Ging.
BINABASA MO ANG
His BROTHER or HIM?
Novela JuvenilPano kung kailangan mong pumili sa dalawang magkapatid? Pero ayaw mo silang masaktan? Pababayaan mo nalang ba ang nararamdaman mo na mawala? O susudin mo kung ano ang nasa puso mo? His BROTHER or HIM? -mimikmanalastas! :*