Chapter 4

67.1K 1.1K 31
                                    

Chapter 4

"Sorry pero marami akong gagawin!" Sabi ni kath habang naglalakad at nakabuntot sa kanya si Daniel. Dahil di sya tantanan ni Daniel ay napilitan syang umalis ng Library, pero hinabol naman sya nito.

"Tutor lang naman, you're smart, it wouldn't be hard for you. I know di mahirap yun." wala parin imik si Kath na patuloy paring naglalakad. "Maybe it was the reason why I have to save you. Pinagtagpo tayo so I can save you, and now it's your turn to save me." paliwanag ni Daniel. Pinagtitinginan na sila nang mga kapwa studyante nila.

"Hey, hindi mo ba talaga ko papansinin?!" frustrated na sabi ni Dj habang hinahabol parin it

Nasa may gate na sila. Di na pala ito nagpark sa parking lot, marahil natakot na sya. Alam nya na mas lalo syang iiwasan ni Kath once nakawala pa ito sa kanya ngayon. It would be hard for him to convinced her.

"Please, kahit ngayon lang just learn how to return favor naman!!" Sigaw ni Daniel. Di na nakapag pigil si Daniel na agad namang napahinto si Kath. Nakatalikod padin si Kath kay Daniel pareho silang walang imik. Si Daniel nagkakalma ng sarili at si Kath nagiisip.

"Just this time,.. Kathryn ikaw nalang malalapitan ko. I hate doing this, but I have no choice.... I badly need your help right now" bakas sa boses ni Dj ang frustration, at pagmamakaawa. Na para bang si Kath nalang ang sagot sa problema nya.

Makalipas ang ilang segundo nang katahimikan ay hinarap ni Kath si Dj. Huminga muna ito nang malalim bago nagsalita. "I have my ways on how to return favor at yun ang ginawa ko last night. But if you want me to be your tutor? Then I'll do it.....basta everything will be under my rules."

Sa sobrang saya ni Daniel ay di nya napigilan na yakapin ito. At nang narealize nya ang ginawa nya napahiwalay sya kay Kath na halatang nagulat din. "Sorry, natuwa lang talaga ako" nakayukong sabi ni Daniel

"Meet me up at 3pm sa library tomorrow. Bye" at naglakad na ito palayo. Halos magtatalon si Daniel na parang nanalo sa Lotto.

Next Day

"Im sorry I'm late, nawala sa isip ko ang oras eh." Daniel.

Hindi sumagot si Kath pero ang totoo kanina pa sya naiinis dito. Halos isang oras sya nitong pinag-antay. Aalis na nga sana sya, pero naisip nya na Library time nya naman talaga.

"Hoy, galit ka ba...?" tunog nanlalambing pero di parin pinansin ni Kath.

Nanahimik nalang si Daniel. Ayaw nya kasi ng napapahiya, at durog na durog na ang ego nya dahil di sya pinapansin nito hinihintay na matapos ang ginagawa ni Kath. Napatitig sya dito, iba talaga ito sa mga babae na nakilala nya.

"Here, answer these. Do everything you can, parang pre-test lang para alam ko yung mga strength and weaknesses mo sa accounting. Here's the calculator." Kath

"Grabe, ang seryoso mo naman." Daniel

"Kung naglolokohan lang tayo dito, nagsasayang lang pareho ang oras natin. If you want to perfect your exams, then be serious about these things"

"What I mean is, nakakapressure kasi daig mo pa si Sir Fernando sa sobrang tapang." Daniel

"Ok, Mr. Miranda, kindly answer these 5 problems?" In sarcastic way. "Ok na ba yun?" Tanong ni Kath

"Yes boss!" Daniel, at may pa saludo-saludo pa.

Nang masagutan ni Daniel, halos lahat mali. Isa lang ata yung malapit sa tamang sagot. In short zero ang score.

Huminga nang malalim si Kath, mukhang matinding tutor ang kailangan nyang gawin dito. Mukhang

"Ang hirap naman.." reklamo ni Daniel.

"Mr. Padi--" hindi na sya nito pinatapos. "Daniel nalang, ang pormal mo grabe" dagdag pa ni Daniel. SInusubukan nyang daanin si Kath sa Charm nya. Bihira lang sya magpatawag nang Daniel, mas tinatawag kasi syang Dj nang mga kaibigan, pero gusto nyang marinig sa bibig ni Kath ang pangalang nyang Daniel.

"...walang mahirap kapag determinado ka.." sabi ni Kath. Mukhang hindi tumalab ang charm nya ah. Pero tama din naman, kailangan nyang tyagain ito para maka graduate.

"Nasa library tayo diba? You're making me feel na nasa Guidance Office ako." Pang aasar ni Daniel

"Alam mo sagutan mo nalang yan, kesa iniinit mo pa ang ulo ko." pagsusungit ni Kath.

They spent three hours sa pagtutor, di nila napansin ang oras dahil para silang aso't pusa na nagbabangayan. May isang beses pa na nasita sila ng Librarian. Pero kahit gaanon, mukhang may magandang product naman ang unang araw nila. Masyadong organize si Kath, kaya gusto nya na-i-evaluate din nya si Daniel, kaya binigyan nya ito ng post test. He got a perfect score, parang di makapaniwala si Dj. Maging si Kath ay di rin makapaniwala Kath. Pero masaya din sy at may natutunan ito. Mukha naman matalino, tamad lang.

"Bukas ibang topic naman. Basic palang yan. And try na mag-advance reading. And pahingi ng number mo. Di ako sure sa sched ko bukas eh."

Ibinigay naman ito ni Daniel. Habang kinukuha ito ni Kath ay nagsalita si Daniel.

"Baka gusto mo kumain muna? First time ko makaperfect sa accounting eh." Daniel

"May gagawin ako eh, pasensya na." agad na sagot ni Kath bago tumayo. "Tinatangihan mo ba ang isang Daniel Miranda? Naku, swerte ka na nga eh." pangungulit pa ni Daniel.

"If being with you is what other girls' meaning of luck, then magkaiba kami ng dictionary na ginagamit." Sarkastikong sabi ni Kath habang binabalik ang phone nito. Napailing nalang si Dj.

Matapos na kunin ni Kath ang number ni Daniel agad naman itong umalis. Ayaw ni Kath ibigay ang number nya, baka daw kulitin pa sya. Hintayin nalang daw sya magtext dito.

"Iba ng dictionary? Grabe talaga tong babaeng to... mahuhulog ka din sa charm ko." Daniel

Mini Forest

"Dre, si Kath lang pala ang magpapakuha sayo ng perfect score." komento ni Niel. "Aba eh himala to bro, anghel mo ata tong si Kath brad eh." sinundan naman ni Ej. Mukhang lahat nang kaibigan nya di makapaniwala na naka perfect score sya.

"Kayo, wag nyo ngang inaasar si Daniel, baka nakatyamba lang yan" pang aasar pa ni Daniel.

"Grabe naman bro, masaya na eh, ayos na oh nakaperfect score sa unang meeting. Magaling talaga si Kath pero..." Daniel

"Pero??!!!" Sigaw nilang tatlo

"Excited lang?" Natatawang sagot bi Daniel.

"OO!!" Silang tatlo ulit

"Pero kasi...." huminto si Dj at kinakabahan naman ang tatlo.

"...baka kasi sa susunod mahirapan na ako, you know basic lang to." Pagtutuloy ni Daniel.

Napasimangot naman ang tatlo, hindi kasi yun ang inaasahan nilang sagot.

Heartbreaker's Tears [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon