[Chapter 1] Manic Monday

208 13 15
                                    

Chapter 1 (Manic Monday)

August 17, 5:03 A.M.

Steinfield Academy

Kaka-alis ko pa lang ng sinasakyan kong jeep, ay agad na akong tumakbo papunta sa room namin. Malayo-layo rin yung tatakbuhin ko dahil sa laki ng school namin. You have to pass through obstacles first.

Una, si manong guard sa Gate 1 na palaging nakasimangot at naka-cross yung arms. Ang tigas at laki ng katawan niya, with matching shades pa. At, hindi siya nagpapadaan kung wala kang I.D. Strictly NO I.D. NO ENTRY talaga. Additional information, 6-footer si kuya manong >< kuya manong? Manong kuya? Whatever. And, he is also tan. Para siyang bouncer sa club -_- Seryoso kuya, ano yung inapplyan mo?

Guard?

Bouncer?

Or Gate?

Kasi kahit ano pwede eh :3

Obstacle #1: Passed

Ikalawa, ang school grounds na napakalawak. Madadaanan mo yung plant boxes, mga kahoy na napaka-creepy na parang ilang daang taon nang nakatirik diyan. Usap-usapan na for generations na may student na nagsuicide sa isa sa mga kahoy dito. Di ko alam kung gaano ka totoo, kasi parang lahat naman ata ng eskwelahan na may kahoy, may ganung usap-usapan.

Tumakbo ako nang tumakbo hanggang sa nadaanan ko na yung school fountain at school cafeteria.

Obstacle #2: Passed

Nakarating na ako sa building kung saan naroroon ang room namin. 4th Year Archimedes Room- Room 4G, 4th Floor, J. Hyun Building.

Yes, nasa 4th floor pa yung room namin and yes, walang elevator. Ganito araw-araw, every weekdays, 4 weeks a month, for 10 months, maliban na lang kung holidays and sembreak (of course). So tumakbo ako at umakyat sa hagdan.

"And.. ugghhhhhh.."

Nagbuntong-hininga ako nang maabot ko yung last step. Humihingal ako habang hinwakan ko yung pader. Finally, nasa fourth floor na ako.

Obstacle #3: Passed

At ang pinakahuli at pinaka-importanteng obstacle, ang pinto ng room namin. Nakalapit na ako sa pinto at hinawakan yung knob. Inikot ko yung knob.

*twist twist*

"Ayaw eh"

*twist twist*

"Bakit ayaw?"

I pushed the door hard. *boogsh boogsh* "Nakalock pala. Ano ba 'to! May tatapusin pa akong assignment. Sh-"

Napalingon ako nung may narinig ako na tunog ng helicopter na parang nasa labas lang ng bintana ng hallway. Biglang may nagsilabasan na mga lalaki na parang mga ARMY na naka camouflage attire at napaka armado pa.

"What the-"

Hindi ako nakatapos dahil pinosasan na ako nung isang lalaki, habang patuloy na nagsilabasan yung iba. May isang linya ng army na nanggaling pa sa 3rd floor. May nagsilabasan sa ibang room at may iba na nagmula sa lubid na hagdan na nakabitay sa may bintana.

"Roger that" sabi nung isang lalaki sa kaniyang walkie talkie.

"The subject is stable" sabi ng lalaking gumapos sa akin.

Nagwala ako at sinubukang tumakas. Iginalaw ko ang aking mga kamay at tinadyak tadyak ko pa ang aking mga paa. Ngunit hinawakan rin nila ang mga ito. Waaahhhh! Para akong lechon na iniihaw ><

"Mommyyyyyy!! I will sue you all! This is preposter-"

Tinakpan nila ang bibig ko nga duct tape at nakapaligid sila sa akin at tinutok ang kanilang mga baril sa mukha ko.

"hmnhhjmnhhhhhh!!!" Iginalaw ko na talaga ang buong katawan ko at ang isang lalaki naman ay sumigaw sa walkie talkie, "The subject is unstable! We need back up! Now! We need back up! I repeat, we need back up!" Silang lahat ay nagpapanic na at nagsisigawan.

Tumingin ako sa nearest possible exit, ang bintana. Ngunit mas nanlaki ang mata ko nang may nakita akong babeng nakaputi at napakahaba ang buhok. Lumabas siya mula sa bintana na parang bali-bali ang katawan. Nag-iwan siya ng dugo sa dinaanan niya. Napakaitim ng kaniyang mga mata at puno ng dugo ang kaniyang mukha.

"Mommyyyyyyy!!!! Si Sadako ba'to?" Napasabi ako sa aking sarili habang papaiyak na at patuloy paring gumagalaw para makawala.

"Akooo.." napabulong yung babae habang papalapit sa akin. "Aakooo.." patuloy siyang bumbulong hanggang inilapit niya ang sira-sira niyang mukha na puno ng dugo at sumigaw ng napakalakas sa harapan, "AAAKKKKKOOOOOO!"

Napapaiyak ako at wala akong ibang magawa kungdi gumalaw ng gumalaw para makawala. Biglang lumaki ang kaniyang mga bibig at sumigaw siya nga mas malakas pa, "AAAAAKKKKOOOOOO!!!!!"

(A/N: Hey guys! Nagustuhan niyo ba? I know na hindi pa talaga nailagay sa Chapter 1 yung story na "story" talaga. Gusto ko lang malaman kung ipagpapatuloy ko pa ba 'to. I'll just wait for this to reach a certain number of reads para icontinue. Please do vote/comment/add to your reading list. Thank you)

One Million ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon