Chapter 1

3.4K 38 6
                                    

First time ko magsusulat ng story so hindi ko alam kung magugustuhan nyo.. pero sana magustuhan nyo... :)

 Itong kwento na to base na din sa mga nababasa ko kaya kung may mababasa kayo na may pagkakahawig sa kwento ko pasensiya na poh pinagsama sama ko lang naman yung mga kwento na nababasa ko..

________________________________________________________________________________

CHAPTER 1

                 

Titig na titig si leslie sa monitor at parang kay lalim ng iniisip. Nitong huling araw kasi palagi na lang masama ang napapanaginipan nya.

 Hindi lang basta panaginip dahil ang panaginip nya ay magkakarugtong kaya natatakot na siya matulog dahil palala na ng palala ang nangyayari sa panaginip nya.

Tiningnan nya ang mga ka officemate nya, sa panaginip nya lahat sila isa isang nawala. Magulo, peru nakikita nya silang duguan sa panaginip.

Nakita nya si predge na pumunta sa table ni jessa.

            

"Hi Jessa! sabi sakin ni boss red my outing tayo somewhere in pampanga!", sabi ni predge mula sa pagkakatunghay nito kay Jessa

Tumingin si jessa kay predge ng masama.

"Tigilan mu nga ako predge ang aga aga ayaw kita kausap!" at humarap ito sa monitor ng computer at ipinagpatuloy ang pagtatype sa keyboard.

 "Alam mo jessa maganda ka sana eh noh? kasungit mo lang!" sabay tawa ni predge

 "Whatever!" sabay irap nito kay predge.. "Alis! kung ayaw mong mas pumangit ang pangit mo ng mukha!.

 "Wahaiii takot ako dun ah? At saka ako? pangit? eh may crush ka nga sakin diba? sabay pacute ni predge kay jessa

Tiningnan ni jessa si predge ng masama

"Okay okay aalis na ikaw pa malakas ka sakin.." sabay iiling iling na umalis si predge sa tabi ni jessa

At ipinagpatuloy na ni jessa ang ginagawa nya dahil pag di pa nya natapos ang ginagawa nya malalagot na naman siya kay boss red.

"Alam nyo nakakasawa na kayo tingnan! Para kayong mga aso't pusa! Bagay sa inyo sa palengke magtrabaho ang iingay nyo! Sabi ni gretel na pinatatamaan sina jessa at predge

Umiling si leslie kahit kasi palaging nagaaway si predge at si jessa kitang kita naman na may lihim silang pagtatangi na isa't isa.

At si gretel siya ang pinakamaarte sa department namin, anim lang naman kami dito sa department namin. Ako, si jhon, jessa, predge, gretel at si boss red.

"Hi honey! kanina pa kita tinitingnan parang ang lalim ng iniisip mo? May poblema ba? May poblema ka ba sa pinagagawa ni boss red?" sabi ni jhon na halata mong nagaalala.

Mga Taghoy Sa Hating GabiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon