Chapter 9

769 18 1
                                    

Chapter 9

        Ang lahat ay nagkanya kanyang takbo. Ang iba ay binitbit ng mga bangkay. Hindi

na nila alam kung nasan na ang iba. Hindi din nila alam kung nakaligtas ba ang iba.

       Nakasabayan nila sa pagtakbo sina ma'am vivian at ang mga kaibigan nito.

Ngunit wala na sila.

        Hindi nila alam kung saang direksiyon sila pumunta. Hindi  na nila napansin dahil

ang iniisip nila ay makatakbo at makalabas na dito.

      "Pagod na ko!" hinihingal na sabi ni leslie

      "Tiisin mo mahahanap din natin ang labasan sa sementeryo na to'!" hinihingal din na

sagot ni jhon

        "Ayoko na!"

        "Please kayanin mo"

        Ngunit tuluyan nang bumigay ang mga tuhod ni leslie kaya nadapa ito.

       "Leslie kaya mo pa ba? Aabutan na nila tayo!"

      Pinilit na tumayo ni leslie. Sa muli nilang pagtakbo ay naramdaman ni leslie ang

pagkirot ng sugat nya sa tuhod gawa ng pagkakadapa nya. Kaya iika ika siyang tumatakbo.

Dahil don bumagal ang kanilang pagtakbo.

     "Iwan mo na lang ako hindi ko na kaya!" sabi ni leslie na habang hirap sa pagtakbo

     "Hindi! Hindi kita iiwan, kahit anong mangyari!"

     Umiiyak na huminto si leslie. Ngunit pilit siyang hinahatak ni jhon.

   "Please kaya natin toh!" naiiyak na din na sabi ni jhon

    Ngunit bago pa sila makatakbong uli ay nahabol na sila ng mga bangkay. Parehas

silang hinawakan ng mga bangkay. Si jhon ay pilit na lumalaban sa mga ito pero

nanghihina lang siya dahil walang nangyayari sa mga ito.

   "Jhhhhoooonnn!!!!" sigaw ni leslie habang bitbit na din siya ng mga bangkay na ito

      "lllllleesssliiiee!!!" sigaw nya.

       Ngunit wala siyang magawa dahil sinusugod din siya ng mga bangkay na ito.

Walang magagawa kung lalabanan nya ng lalabanan ang mga ito kaya ng makakuha

ng tiyempo ay muli nyang tinakasan ito at tumakbo ng tumakbo. Kung saan direksyon

binitbit ng mga bangkay si leslie ay dun ding direksiyon siya pumunta. Naririnig

pa nya ang pagtawag sa pangalan nya. Pero habang patagal ng patagal ay unti unti

ng humihina ang boses nito.

      "Leslie saan ka dinala ng mga lecheng bangkay na yon!" bulong ni jhon sa kanyang

sarili

       Tuluyan ng nawala ang boses na kanikanina lang ay nariririnig pa nya.

****

        Habang bit bit si leslie ng mga bangkay na ito. Napaisip siya kung saan siya

dadalhin ng mga ito. Sa gano'ng kalagayan naisip nyang wala na talaga siyang ligtas.

Hindi nito  alam kung ano'ng gagawin sa kanya. Kakainin ba siya ng mga ito

tulad ng mga aswang? O di kaya'y ilalagay siya sa isa sa mga nitso at doon ay tatakpan?

Mga Taghoy Sa Hating GabiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon