Chapter 10

740 18 1
                                    

Chapter 10

           SA katatakbo ay nakita nya ang kubong pinanggalingan nila. Baka may

natira pang mga kasama nya sa loob.

           Ngunit bago pa ito makalapit sa kubo ay may biglang yumakap sa

kanya mula sa likod. Pilit nyang inalis ang kamay na naaagnas mula sa

kanyang baywang. Nagawa naman nya. Ngunit may naiwan na mga naaagnas

na laman sa mga kamay nya. Diring diri siya.

            Bago pa man siya makawala ay nilundagan naman siya ng isa pang

bangkay. Napaluhod siya. Pero pilit pa din siyang tumayo at pinagsusuntok ang mga ito

           Konti na lang mawawalan na talaga siya ng lakas. Paano nya ba matatalo ang

ang mga ito? Ano ba ang panlaban sa mga tulad nito?

           Nang bigla siyang may maalala. Tama! Ang krus at ang holy water na bigay ni

father jonas kay leslie

           Bago sila umalis noon ni leslie sa opisina ng simbahan ni father jonas,

nakita niyang inilagay ni leslie ito sa bag nya. Bigla siyang nabuhayan ng loob.

           Tama! Kailangan kong makuha ang bag ni leslie sa loob ng kubo.  Ngunit

bago pa siya makarating sa kubo ay hindi naman siya tinatantanan ng mga

bangkay na ito.

           Halos nagkauntog untog na siya sa mga nitso.

           Isang matinding sipa ang ginawa nya sa isang papalapit na namang

bangkay. Kaya napaatras at nakasama sa pagbagsak ang iba pang mga bangkay na

nasa likod nito.

           Sinamantala nya ang pagkakataon kaya nagtuloy na siya sa kubo.

Pagdating nya sa kwarto kung saan nakalagay ang mga gamit nila ay hindi

nya makita ang bag ni leslie

           Habang hinahanap nya ang bag ni leslie ay nararamdaman naman nya

ang papalapit na bangkay

           Asan na ba yon?

           Bigla na lamang may sumunggab sa kanya at patuloy na naman

siyang nakikipagbuno.         

           Habang nakikipaglaban siya sa mga bangkay na ito, ang mga mata nya ay

iniikot nya baka sakaling makita niya ang bag ni leslie.

           Hinawakan siya ng dalawang bangkay sa magkabilang braso niya at ang

dalawang paa nya nama'y hawak na din na dalawa pang bangkay.

           Nang bibitbitin na siya ng mga bangkay ay biglang pumasok si ma'am vivian

at sa likod nito ay si manang issa.

           Nabuhayan siya ng loob dahil may nakaligtas pa sa mga kasama nya.

           "Ma'am, manang issa tulong" wika ni jhon na pilit na nagpupumiglas

          Laking pagtataka nya ng bigla siyang bitawan ng mga bangkay at yumukod ito kay

Mga Taghoy Sa Hating GabiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon