Chapter 11
Sa paglalakad ni jhon at leslie at nakita nila ang service nilang bus sa di kalayuan.
"Hon yung bus ayun" sabi ni leslie habang itinuturo ang bus
"Oo nga"
"Halika tingnan natin kung ayos siya!"
Sumakay sila ng bus at sinubukan kung aandar ang bus. Iniistart ni jhon at
gumana ang makina nito.
Tuwang tuwa sila dahil sa wakas ay makakauwi na sila. Pinaandar na ni
jhon ang bus at tuluyan ng umalis sa lugar na iyon.
Pagdating sa maynila ay agad silang pumunta sa opisina. Pero laking gulat
nila ng hindi nila makita ang building kung saan sila nagtatrabaho.
Isang abandonadong lote iyon. Bumaba sila upang magtanong tanong
sa mga taong dumadaan
"Ah manong pwede po ba magtanong? Asan na po yung building na nakatayo
dito sa may bakanteng lupa?" tanong ni leslie sa lalaking napadaan
"Ahhh matagal ng wala yun simula ng mawala yung may ari non. Nagouting lang
daw pero di na nakabalik. May nagsabing naaksidente pero walang patunay dahil
hanggang ngayon di pa nakikita yung katawan. Bakit mo ba naitanong ha iha?
"Ah wala po nagse-survey lang po. Kilala nyo po ba kung sino ang may ari?"
"Ahm... vivian! vivian rosales tama vivian rosales nga yon"
"Ah ganun po ba? Sige po manong salamat po sa inpormasyon"
"Walang ano man sige aalis na ko" Paalam ng lalaki
Pagtalikod ng lalaking napagtanungan nila bigla na lang kami nagkatitigan ni jhon.
"Bumabalik siguro dito si ma'am vivian dahil hindi nya matanggap ang nangyari sa
kanya" sabi ni leslie
"Oo nga gusto nya hindi lang sa kanya mangyari. Kaya bumabalik siya para
mangyari din sa iba" sagot ni jhon
"Pumunta tayo sa simbahan, ipagdasal natin ang mga kaluluwa nila. Para
matahimik na sila kung saan man sila nandoon." aya ni leslie kay jhon
"Sige. Sa lahat talaga ng bagay ang Panginoon lang ang makakapitan natin"
"Oo nga. May mga bagay talagang hindi kayang ipaliwanag at siya lang ang
makapagpapaliwanag sayo. Tawagin mo lang siya at ika'y kanyang gagabayan"
Tumalikod na sila at sumakay ng bus para pumunta ng simbahan. Doon
nila ipagdadasal ang mga taong kinuha ni vivian. Sana nga'y matahimik na sila
kung saan man sila naroroon ngayon.
****
Isang nilalang ang nakatunghay sa papalayong bus.
"Hindi nyo ko mapipigilan! Hindi nyo ko mapipigilannnnn!!!!!!!!!!" sigaw nito
At bigla na lamang naagnas ang balat nito at humihiwalay ang mga
laman laman nito sa kanyang buto. Bigla na lang ito umusok at nalusaw.
At tuluyang naglaho.
***End***
____________________________________________________________________
Pasensiya na hindi ko alam kung paano tapusin ang isang story pero sana
nagustuhan nyo. Salamat po sa mga nagbasa ng story na to!
Godbless thanks
Dun sa mga hindi nagustuhan at hindi nakaintindi ng story ko sorry, naiintindihan ko kasi di naman talaga ko marunong gumawa ng story eh
Guys pa open naman nito makakatulong ito ng sobra sa akin.. salamat
http://www.dataentryjobs.us/131350.html