Chapter 1: Normal Life

11 1 0
                                    

Sabado nanaman, araw ng aking tanging kaligayahan. Ang pagkanta. Sombrang gaan ng pakiramdam ko tuwing nakakarinig ako ng music okaya naman ay tuwing umaawit ako. Tanging re-charge ko sa mga problema at stress sa school.

Tinawag na ako ng manager ng bar dahil ako na ang susunod na kakanta. Kasama ko ang pinsan ko tuwing pumupunta kami dito sa bar para kumanta kasama narin si Kuya na nagsisilbing drummer, ang pinsan ko naman ay gitarista at syempre ako ang natatanging bokalista.

Naisipan ko lang sumali kanila kuya dahil nagquit yung dati nilang vocalist. Wala din naman kasi ako ginagawa tuwing sabado kaya okay na yung may napaglilibangan ako.

Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Kinakabahan nanaman ako. Kahit na magiisang buwan na akong kumakanta dito, palagi parin akong kinakabahan.
Medyo takot kasi ako sa tao, Center of attraction ika nga.

"Magandang gabi po sainyong lahat" Bati ni Kuya Vin yung pinsan ko. "Ang itutugtog po namin ay You and I by One direction, sana po magenjoy kayo"

Hindi ako ang nagiintroduction saamin kahit na ako yung bokalista. Alam kasi nila na mahiyain ako at hindi ko kayang magsalita sa harap ng maraming tao.

Hinawakan ko ng mahigpit ang mikropono. Pinkit ko ang aking mga mata at huminga ng malalim para mawala ang aking kaba.

I figure it out
I figure it out from black and white
Seconds and Hours
Maybe they had to take some time

Ng marinig ko ang mga palakpakan ay iminulat ko na ang aking mata. Medyo nawala konti ang kaba ko tuwing naririnig ko ang palakpakan ng mga tao.

Matagal ko ng gusto ang pagkanta. Bata palang ako sumasali na ako sa mga mini contest ng school. Pero palagi akong talo, nauuna kasi palagi yung kaba bago ako kumanta. Minsan nagkakamali ako sa tono, minsan naman ay nakakalimutan ko yung lyrics.Mabuti nga at ngayon ay na kokontrol ko na yung kaba ko. Nakakakanta nako tulad dito sa bar.

You and I
We don't wanna be like them
We can make it till' the end
Nothing can come between
You and I
Not even the Gods above
Can seperate the two of us
No nothing can come between
You and i
Ooh you and i

Pagkatapos namin kantahin ang You and I, sumunod naman ang Nothing like us at huli ang Two ghost. Hindi ako masyado nakanta ng mga matataas kasi baka hindi ko kayanin at mapahiya pa kami.

"Viv!" Napalingon ako sa tumawag saakin.

So ayan ang nickname ko, Viv. Short term for Vivien.

"Dianne? Anong ginagawa mo dito?" Ang bestfriend ko lang pala at ang ultimate crush ni kuya.

Si Dianne Stephanie Ramos. Sobrang sikat siya sa school, dahil sa sobrang ganda at sobrang mabait pa niya. Ang swerte ko nga daw kasi ako ang bestfriend niya.

"Sinama lang ako dito ni Kuya, nung narinig ko yung name nung bar na sinabi ni kuya naisip ko parang pamilyar kaya sumama ako. Yun pala eto yung sinabi mong bar na kumakanta ka." Natawa naman ako sa pageexplain niya.

"Hindi kita napansin kanina nung nakanta ako. Kinakabahan kasi ako" sabi ko naman.

"Okay lang, ang galing mo nga pati yung mga kasama mo ang galing rin nila" pagpuri niya saamin.

Napatingin naman ako sa dalawa na nasa likod ko lang at pasimpleng nakikinig sa usapan namin ni Dianne.

"Uhm Dianne, Kuya ko nga pala at pinsan ko." Pagpapakilala ko sakanila.

Hindi pa kilala ni Dianne si Kuya. Pero alam niya na may kuya ako. Hindi kasi kami nagsama ni kuya ng matagal. Hiwalay kasi ang parents namin kaya ngayon ko lang napakilala kay Dianne. Si Dianne ang uang una kong naging kaibigan simula ng mapapunta ako kanila papa. Kaya masasabi kong bestfriend na ang turing ko sakanya.

"Really? Hello po! Bestfriend po ako ni Viv. Dianne po" Magalang na bati ni Dianne

Natawa naman ako sa reaksiyon ni kuya. Sobrang galang naman kasi nitong si Dianne. Hindi naman nagkakalayo ang edad namin kanila kuya.

"H-hi...A-ashton" Utal utal na sabi ni Kuya.

"I'm Alvin. Drop the po hindi naman nagkakalayo ang edad namin sainyo." Masigla namang pagpapakilala ni Kuya vin.

Nginitian lang sila ni Dianne. Nagpaalam nadin siya at baka hinahanap na daw siya ng kuya niya. Hindi parin makapaniwala etong si kuya na binati siya ng crush niya hanggang makarating kami sa kotse.

"What the hell Vivien!" Nagulat naman ako sa sigaw ni kuya.

"Hoy Ashton, wag mo ngang sigawan yung kapatid mo" suway ni Kuya Vin. Mas parang kuya ko pa ata itong pinsan ko kaysa sa totoo kong kuya.

"Eh kasi naman nakakahiya. Hindi mo naman kasi sinabing bestfriend mo pala siya" Inis na sabi ni Kuya.

"Hindi ka naman kasi nagtatanong, pasalamat ka nga at ipinakilala pa kita" Pangasar kong sabi.

Nagsimula ng mag-drive si Kuya Vin. At eto namang si kuya deretso parin sa paguusap. Hindi ko nalang siya sinasagot. Kaya mas lalo siyang naiinis. Hindi pa kami magkasunod masyado nitong ni kuya. 12 years din kaming nagkahiwalay kaya palagi kaming nagtatalo.

"Huwag na huwag mo siyang papapuntahin sa bahay ng hindi ka nagpapaalam saakin." Ani ni kuya.

Kung saan saan na napunta ang mga sinasabi niya. Ang OA niya masyado dahil lang nautal siya sa crush niya, ganyan na siya magreact. Wala manlang Thank you dahil ipinakilala ko siya.

Hanggang sa pagdating namin sa bahay ay yun parin ang bukang bibig ni kuya. Sobrang crush na crush niya talaga ang bestfriend ko. Papasok nalang ako sa kwarto ko ay may pahabol pa si kuya.

"At Huwag na huwag mong sasabihin na crush ko siya. Kundi malalagot kasaakin." Sabi niya na may pagduro duro pa.

Natawa lang ako at binelatan siya. Agad ko namang nilock yung pinto. Rinig na rinig ko ang sigaw ni kuya sa kabilang kwarto. Inis na inis siguro yun sa ginawa ko.

Napahinga ako ng malalim ng makahiga ako sa kama ko. Para kaming normal na mag kuya. Yun ang nasa isip ko. Hindi ko akalain na makakasama ko pa siya. Sa loob ng labing dalawang taon nawala sa isip ko na may kuya nga pala ako. Si Mama lang ang kasama ko sa 12 years na wala si Papa at Kuya. Nang naghiwalay sila ni papa ay limang taon gulang palang ako kaya wala pakong alam kung bakit ba sila naghiwalay. Kaya sobrang natakot ako ng bigla nalang nawala si Mama sa buhay ko. Akala ko mag-isa nalang ako. Hindi ko akalaing babalik pa sila. Matapos nila kaming iwan ni Mama ng ganun ganun lang. Inaamin ko na may galit parin sa loob ko. Pero hindi naman pwede na panay galit nalang ako. Pati narin kasi sa taong akala ko ay hindi ako iiwan ay may nakatanim narin galit sa puso ko.

Sana...bumalik din siya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 10, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

All i wantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon