Heryel's Pov
Sa kisame, pader, sa may pintuan, at malapit sa bintana, puro imahe mo ang nakadikit. bakit kasi napaka gwapo mo Sebastian! Nababaliw na ako sayo! Sobrang nababaliw na!
"Heryel! malelate kana sa school!" si mama ang numero unong tutol sa pagkakagusto ko kay Seb, kilala siyang badboy sa campus. Pero pake niya ba? eh gusto ko si Seb eh! HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA ano!
"Uminom kana ba ng gamot mo?" tumango ako, kahit hindi. bakit pa!? hindi naman ako baliw! HAHAHAHAHAHA! Hindi ko kailangan ng gamot no! Magaling ako! Normal ako! HAHAHAHAHAHAHAHA!
Dumating ako sa school at agad na sumama sa mga babaeng nag-aabang sa aking Sebastian! Mga mang-aagaw!
Naghiyawan na ang mga babae hudyat na andiyan na ang asawa ko! May nakasagi sa aking babae kaya natumba ako! Aba!
"HOY BABAE! ANG KAPAL DIN NAMAN NG MUKHA MO ANO!?" hinarap ko siya at sinampal! HAHAHAHAHA ano iyak ka ngayon? bwiset kapa kasi tulak tulak ka diyan.
"Ang bad mong babae ka!" isang babaeng naka salamin ang nagsabi. Tinignan ko siya mula ulo mukha siyang paa! HAHAHAHA!
"Oo naman, bagay nga kami ng Sebastian ko eh! SA LAHAT NG MANG-AAGAW SA KANYA. LAHAT KAYO MALALAGOT SA AKIN!" nagsitakbuhan palayo ang mga babae, takot pala sila eh. Psh.
"HI BABE SEB!" sigaw ko habang papalapit kay Sebastian. Tinignan niya ako na para bang sinusuri ako.
"ANG INGAY MO! PWEDE BA? TUMAHIMIK KA AT HUWAG KANG HAHARANG SA DINARAANAN KO!?" nagulat ako sa sigaw at pagkakatulak niya sa akin, Ibinato ko sa kanya ang bag ko at agad na sumibat! Lintek na lalakeng to ako pa talaga kakalabanin, Baliw ako Seb! Baliw Sayo!
HAHAHAHAHAHAHAHAHHAHA.
Narito ako ngayon sa may parko, malamang hindi ako nakapasok bukod sa wala akong bag dahil binato ko kay Babe Seb, nakalimutan ko yun ID ko kaya hindi ako nakapasok sa main gate ng campus. BOSET.
"HOY BABAE? TANGA KA BA O TANGA KA?"
Aba sinong tanga? Tumingin ako sa paligid at nakita ko si Babe Seb na naka payong. Bakit umuulan ba? Ay potangina Umuulan nga! lintek lutang na naman ako!
"MAS TANGA KA, MAY HAWAK KANG PAYONG PERO HINDI MO AKO PINAPAYUNGAN" namamalikmata lang ba ako o talagang ngumiti siya? Baliw din siya? Baliw na nga ako. Baliw na baliw.
Pinayungan niya ako at sinauli ang aking bag, walang imikan, sobrang saya ko dahil kasama ko ang babe Seb ko!
"HOY BABAE, HINDI KA BA NILALAMIG?" tumayo siya at hinubad ang jacket niya at pinasuot sa akin, SWEET TALAGA NG BABE SEB KO! Ngumiti ako at tumabi muli sa kanya.
"Babe Seb? pwede ba kitang ipakilala kay mama? please?" ngumiti siya at ginulo ang buhok ko. Sinuntok ko siya!
"HOY BABAE! BAT MO AKO SINUNTOK!" sigaw niya!
"ABA BOSET KA BAGO KO PA MA SHAMPOO YAN TAS GUGULUHIN MO!" nakita ko ang asar sa mukha niya!
"HINDI MO ALAM ANG SWEET NO!? BOBO BOSET" sabi niya at naunang maglakad sa akin. Aba siya pa ang may ganang magalit!
"MAMA! MAMA! MAMA! PAPAKILALA KO PO SA INYO SI BABE SEB!" nagtataka naman ang mukha ni mama.
"S-Seb?" nauutal niyang sabi, baka naman si mama ang baliw at hindi ako?
"OO MAMA! SI SEB! ITO OH! KATABI KO! ANO BA MA!" naiiyak na lumapit sa akin si mama at niyakap ako.
"Take your medicine please Heryel!" kumalas ako sa pagkakayakap at tumingin kay Sebastian na puta? puro dugo siya!
Anong nangyayari!? Bakit ganun!?
"MAMA! BAKIT ANONG NANGYARI KAY SEB! ITO SIYA OH PURO DUGO MAMA! MAMA!!" pinaupo ako ni mama at sapilitang pinainom ng aking gamot, kumalma ako at nawala na sa paningin ko si Seb.
"Si Sebastian ay dati mong nobyo, nang malaman mong may babaeng lumalandi sa kanya ay pinatay mo siya, Pinatay mo Si Sebastian, Heryel pinatay mo ang mahal mo na siyang dahilan kung bakit nagkakaganyan ka ngayon" Hindi ko kinaya ang aking mga nalaaman at tumakbo palayo!
"BEEEEEEEEEEEEPPPP" busina ng truck na lamang ang aking narinig bago ako mawalan ng buhay, Magkakasama na tayo Babe Sebastian, Magkakasama na tayo.**
Misssomnolence.
YOU ARE READING
ONE-SHOTS STORY
RandomSamo't saring kwento sa iisang akda, Mga kwentong may patungkol sa pag-ibig, buhay at iba pa. Saan nga ba nabibilang ang kwento ng buhay mo? Sa palaging masaya? O sa buhay na may misteryo? Ano nga bang mas mahalaga? Ang pag-ibig sa kapwa? O Pag-ibig...