GODDESS OF BITTERNESS

116 13 0
                                    

Cyrstal's Pov
(February 12, 2020)
"Love 2 days nalang Valentine's na"
-
"Baby may gift kaba sa akin?"
-
"Iloveyou more babe, 2 days nalang!"
-
"Alam mona ha hubby sa Valentine's!"
-
"Magdedate tayo ha babyloves!"
-
"PWEDE BA!? TIGIL-TIGILAN NIYO NGA KASWEETAN NIYO! WALANG FOREVER! OKAY WALANG FOREVER!" sigaw ko bago umalis sa likod ng MOA na pinagtatambayan ko para mag-aral.
"Ms. Crystal Ann Dizon, bakit ang bitter mo?" napatingin naman ako sa lalaking matangkad, maputi at kulay ang dilaw ang kulot na buhok. sino naman to?
"At ano namang pake mo? sino ka ba?" mataray na tugon ko sa kakaibang lalaking ito.
"Ako si Cupid, God of Love" pft? nagpapatawa ba ito!? amp HAHAHAHA.
"potek alam kong Valentine's day ngayon, kailan naging April fools ang Valentine's eh February ngayon? HAHAHAHA" potek ihit talaga ako ng tawa, taena lt talaga. Anong nahithit nito? jusko.
"Ayaw mo maniwala ha" pumikit siya at bigla akong nawalan ng malay. Paggising ako narito ako sa may damo. huh? Nasa Moa lang ako kanina diba? Tumayo ako at tinignan ang paligid. May kaharian at ang ganda ng tanawin! Muling lumitaw ang lalaking nagsasabi na siya si Cupid.
"Naniniwala kana Ms Crystal?" halos hindi ako makapaniwala sa aking nakikita.
"A-athena!? Goddess of Wisdom!?" the heck hindi ko maimagine na totoong nakikita ko si Athena. Gusto kong mawalan ng malay ngayon na!
"Oo, Welcome Ms Crystal, The Goddess of Bitterness" huh? Bitterness? ako? Duh im just being honest, wala naman talagang forever.
"Nahihibang naba kayo? anong bitterness?" hindi ko alam kung matatawa ba ako or kung kakabahan sa mga nangyayari.
"Oo, ikaw ang Goddess of Bitterness" ang malambing na tinig na iyon, humarap ako sa pinagmulan at nakita ko si Psyché, the goddess of beauty and love. Unti-unti ko nang natatanggap ang nangyayari. Meron daw akong mission.
"Ang iyong mission ay ang.." Pabitin din tong si Cupid eh, may ba drum beats pa.
"Paghihiwalayin mo ang mga taong pinagtagpo pero hindi itinadhana" parang ang dali naman nun!
"Okay sige, pumapayag na ako" pagkasabi ko nun ay muli akong nawalan ng malay.
-
Kinabukasan, nagising ako sa isang torotot, sino paba? Edi si Cupid, May sapak din pala sa utak ang mga Goddess no?
"Hoy Crystal, bumangon kana jan. This is your first day for your mission" tamad man ay bumangon ako at kinuha ang pangalan ng couple na paghihiwalayin ko.
*FIRST TARGET GAIL ANG AARON*
Dinala naman ako ni Cupid kung nasaan ang dalawa, anuba? bakit kailangan naghahalikan? nakakasuka as in.
"Ate, kuya? alam niyo yung privacy? kadiri kasi kayo kitang kita naghahalikan" tinignan naman nila ako, well bukod sa mukha akong tangang may hawak na Magic wand wala naman nang iba.
"Teka baby pahiram ngang phone" ay potek? deadma ako? bwiset ha feeling naman ng couple na ito.
"Ay teka baby.. Lowbat ata.." wew kuya mukha kang timang magpalusot ha. Biglang may kumulbit sa akin, Si Cupid.
"Pagkakataon mona" na gets ko naman agad ang simabi niya at agad lumapit sa tenga nung babae. Ngayon kolang narealize, hindi pala nila ako nakikita at naririnig. Unless sa mismong tenga nila ako magsasalita.
"Papayag ka nun ate? ayaw kang pahiramin ng cellphone, hindi kaya may babae yan?" bulong ko dun kay Gail, halos namula naman ito sa galit.
"Bakit ayaw mong ipahiram cellphone mo!? may babae ka siguro no!?" tumayo din yung Aaron nung sumigaw si Gail.
"Puro ka hinala! Nakakasawa kana! maghiwalay na lang tayo!" at agad umalis palayo si Aaron.
"Taena Cupid bakit ka naiyak!?" nakakaurat tong si Cupid, hindi nakakakaiyak eh.
"Boba ka talagang Bitter ka! Nakakaiyak kasi, tara na nga next target!" lumakad kami bago niya pinakita ang Next target.
"SECOND TARGET RAEVEN AND LAURA"
Muli ulit akong dinala sa kanilang pinaroroonan.
"Bakit kasi palaging ML nalang inaatupag mo!?" ay bongga to madali nang mapaghihiwalay, bumulong ako sa tenga nung lalaki.
"Pake niya ba kung nag M-ML ka? nakakasakal din yung ganyan pre" ngumiti ako at inabangan ang susunod na mangyayari.
"Mag break na tayo. Nakakasakal na yang pagpapatigil mo sa akin sa pag m-ml! Leave!" lumuluhang tumingin pa si Laura kay Raeven bago umalis. Muli namang umiyak itong si Cupid.
*THIRD TARGET KLEIN AND SHAIRA*
Nasaan sila? ang dilim naman dito.
"hmm sht Ma-Shaira" fck dito talaga sa magubat nagmimilagro? bumulong agad ako kay Shaira para matapos agad ito.
"Hindi moba narinig? Ma- daw? sino kaya yun Shaira? babae niya?" bigla namang nagpupumiglas si Shaira.
"Sinong Ma!? Sabihin mo sakin babae mo!?" halata naman ang pagkakagulat ni Klein.
Tumango siya at iniwan si Shaira sa pinaggawan nila ng milagro.
"Tinapos mo agad, sayang yung scene" potek ang manyak ni Cupid!
"Pagkatapos ng Pang-limang target, Magpapahinga ka muna. Nagdidilim na rin eh" tumango naman ako at tinignan ang next target.
*FOURTH TARGET ALLAN AND AIRAH*
"B-bisexual ako Airah, p-pero mahal kita" si Dave, teka bubulong na ako.
"No, Airah. Kasalanan yun. Palayain mo na siya" bumalik ako sa pagkakatabi kay Cupid na ngayon ay tumutulo na naman ang luha.
"S-sorry Allan, hindi kita mahal" patakbong umalis si Airah habang si Allan naman ay naglakad narin palayo.
*FIFTH TARGET ACE AND EAVON*
"I lied Ace, Mahal ko pa yung ex ko pero please. Hayaan mong mahalin kita" agad ko namang binulungan si Ace.
"Ano yun Ace? panakip butas kalang?" mukhang natauhan naman si Ace.
"Hindi ko kayang manatili sa taong mahal ko tapos may mahal pang iba, Sorry Eavon pero malaya kana" Humagulgol naman ng iyak si Cupid bago kami bumalik sa Kaharian ng mga Goddess. Nakakabagot pala kapag ang dali ng trabaho mo.
"Ang galing mo Crystal, ang easy lang sayo.," napangiti naman ako sa sinabi ni Psychè. Hindi naman talaga mahirap sa akin, Hindi pa naman kasi ako nakakaranas magmahal at ayoko ding magmahal duh.
"Anong mangyayari sa mga couple na pinaghiwalay ko?" tanong kay Cupid.
"Ako bahala sa kanila, Papanain ko agad yung kapareha nila para maging masaya na sila sa lalong madaling panahon" ngiting-ngiting sabi niya.
-
(February 13, 2020)
Panibagong araw, panibagong mission. 5 pares na lamang at matatapos kona ang nakakabagot na mission na ito.
--
Madali kong natapos ang Anim hanggang Siyam, Last na ito at sana ganoon din kadali ko itong magagawa.
*NEXT TARGET MAC AND ISSEY*
"No please Issey, huwag mo akong iwan please! gagawin ko lahat" yakap-yakap ngayon ni Mac si Issey. Mukhang maghihiwalay na naman sila eh, Ano pang gagawin ko dito?
"Hoy Cupid? ano pang gagawin ko dito eh maghihiwalay naman na sila?" Inirapa niya lang ako at sinabihan na manood na lamang.
"Sorry Mac, pero kailangan kong gawin to. Mas mahala parin sakin ang career ko." ay shala hindi naman masyadong maganda to. ano ba siya? model? artista? feeling! sng gwapo pa naman nitong si Mac.
"Hoy gaga wag kang ano jan, nababasa ko isip mo" psh bakit totoo naman ah? gwa-- at shit bakit ko sinabi yun? ERASE! ERASE!
Kinulbit ako ni Cupid at meron daw siyang mahalagang sasabihin sa akin.
"Huwag kang mabibigla" bigla akong kibahan nang sumeryoso ang mukha niya.
"Si Mac, Siya ang." pota pabitin talaga to.
"Siya ang soulmate mo. Sorry ngayon ko lamang sinabi." napatawa naman ako sinabi niya.
"Vova kana Cupid? HAHAHAHAHA ako soulmate yung Mac nayun? wag ka nga! lt ka HAHAHAHAHA" natigil naman ako nang hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Inilabas niya ang listahan ng mga papanain niya at duon ko nasigurado na ako at si Mac nga ang nakatadhana.
"Ah miss? nakita mo ba yung kanina?" halos manigas ako sa ganda ng boses niya. pucha nakikita na niya ako?
"Ah- oo ano kasi oo kasi ano ahm" bahagya naman siyang napatawa sa inasta ko, sht anong nangyayari sa akin? Nasaan ang bitterness sa katawan ko!?
--
Cupid's Pov
Nakakatuwang pagmasdan ang mukha niya diba? HAHAHAHA parang natatae, hindi niya ba naisip na pinana ko na siya kaya nawala ang bitterness sa katawan niya.
Paparanas ko muna sa kaniyang masaktan bago ko panain si Mac. HAHAHAHA cute niya eh.
"Nababasa ko ang iniisip mo Mahal!" patay nababasa nga pala ni Psyché ang utak ko, pero hindi namslan yan aangal sa akin.
Ako ang batas. joke. Siya ang boss eh.
--
Crystal's Pov
"Mahal na mahal ko siya eh, okay lang naman sa akin na nag-aartista siya b-basta hindi kami maghihiwalay" bakit parang dinudurog ang puso ko? bakit ang sakit sakit ng mga salitang binibitawan niya?
Karma ko ba ito sa pagiging bitter ko? Mahal ko ba itong sinasabi ni Cupid na soulmate ko?
"W-wala akong masabi" tngna konti nalang tutulo na ang luha ko. Hinamas ko ang likuran niya para kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya.
"S-salamat miss" at pinatong niya ang ulo niya sa balikat ko. Kakaibang kaba at saya ang nararamdaman ko, pero may konting sakit din dahil kung iisipin hindi naman ako gusto. Akala ko ba soulmate ko siya!? Bakit hindi pa siya pinapana ni Cupid? hays.
--
Mac Pov's
Im Mac Villanueva, The God of Sadness, ako ang taong mahilig manakit, ngunit napamahal ako kay Issey kung kaya't tinanggal ni Zeus ang kapangyarihan ko. Ako naman ngayon ang nasasaktan. Ako naman ngayon ang nagdurusa.
"Mac? panain na ba kita?" nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Cupid. bwiset talaga ang isang ito eh.
"Panain? bakit sino ba soulmate ko?" ngumiti siya at dinala ako sa bahay ng kung sino.
"Mahal ko na siya Psyché, Mahal kona si Mac at hindi ko alam kung ganoon rin siya sa akin." s-si Crystal? yung babae kahapon? B-bakit siya? Pinaliwanag sa akin lahat ni Cupid pati ang pagiging Goddess Of Bitterness ni Crystal.
--
(February 14, 2002)
Crystal's Pov
Nanlalambot akong bumangon dahil paga ang aking mata, Nagulat naman ako ng makita si Pryché na nakatingin sa akin.
"May kailangan kang malaman" tumango naman ako at nakinig sa kaniya, Napagalaman kong God Of Sadness pala si Mac, isa ba ako sa target niya? Kaya napalungkot niya ako ng ganito? Valentine's na Valentine's. Sana bitter nalang ulit ako.
Biglang may kumatok sa aking pinutan, S-si Mac. May hawak na teddy bear at Flowers.
"P-pasok ka.." hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Nang biglang bumulong sa akin ni si Cupid.
"Siya mismo ang nagsabi na panain kona siya, dahil gusto ka na niyang mapasaya" ngumiti ako sa akin nalaman.
"Happy Valentine's Crystal."
"Happy Valentine's Mac"
"No More Bitterness"
"No More Sadness"
At nung araw narin na iyon, Pinagtibay ni Zeus kasama nang ibang mga Goddess ang pagmamahalan naming dalawa.

**

Misssomnolence

ONE-SHOTS STORYWhere stories live. Discover now