KDTYL . . . Chapter 2

44 2 1
                                    

-----------------------------------------

Alesea's POV

"Pumayag ka na kasi." pilit sakin ni Eds.

"Ayaw ko nga eh"

"Bat ba ayaw mo ha?" tanong nya sakin na naiirita na.

Nandito kami ngayon sa bahay ko.

Kanina pa kasi nya ako niyayayang mag-mall.

Ang kaso tinatamad akong mag-mall.

Atsaka natatakot ako baka makasalubungan ko si SG (Scary Guy).

Mahirap na at maganda na ang nag-iingat no.

At kung hinahanap nyo parents ko sigurado nasa ibang bansa na yung mga yon.

Well, hindi ako close sa kanila dahil na rin siguro sa lagi na lang business ang inaatupag nila.

Magpapakita nga lang sila sa akin kapag may kailangan sila sakin.

Ni birthday ko hindi nila ako magawang bisitahin dito sa mansyon na'to.

Pinapadala na lang nila sakin o kaya tatawagan nila ako kung ano at kung nasaan yung gift nila.

Hindi ko naman sila masisisi na marami silang inaasikaso sa business namin.

Marami kami kasing company sa! ibang bansa. As in, marami.

Pero yung pag may kaylangan lang sila sakin dun nila ako kakausapin?

Sa telepono ah.

Hindi sa personal.

Once a year nga lang ata sila magpakita sakin eh.

At ang pinakamatagal siguro na nagstay sila dito sa mansyon namin 3 weeks lang.

At hindi ako ang dahilan kundi yung business namin.

Pero kahit ganon mahal na mahal ko pa rin sila.

Never akong sumagot sa kanila.

Katunayan ako ang pinakamatalino sa A.U. (Alliora University) eh at hindi iyon dahil sa kanila. Sadyang matalino kasi ako eh. Haha.

"Ano? Di ka sasagot? Talagang kakausapin ko na lang ang sarili ko dito? O kaya mo ayaw sumama dahil dun sa SG na sinabi mo sakin 4 days ago?" tanong nya ulit sakin na dahilan ng paggising ng diwa ko.

"Maganda na yung nag-iingat no." sabi ko naman sa kanya. At umiwas ng tingin, hindi na kasi ako takot ngayon sadyang tinatamad lang. Hihihi

4 na araw na ang lumipas mula nung birthday ni Tita marina pero hindi ko pa rin sya nakikita ulit.

Buti na lang hindi tinuro ni Raven ang bahay namin kundi lagot ako.

Lumalabas labas lang ako ng bahay kapag lang bibili ako ng cassava cake o kung ano mang pagkain ang maisip ko.

Hindi ko na sasabihin kung ano man iyon baka abutan tayo ng bukas dito.

"So iyon nga ang dahilan? Kaya pala hindi ka sumasama sakin kapag yinayaya kitang lumabas?" - Eds.

"Sige na naman. Ngayon lang naman ako nagpumilit ng ganito sayo eh. Atsaka hindi na yun galit sayo no. At kung galit parin yun sayo bat di ka niya pinupuntahan dito sa mansyon nyo? Pwede naman nyang itanong kay Raven yun dahil alam ni Raven kung saan itong mansyon nyo. Atsaka O.A mo ha! Para yun langt tinataguan mo na."mahabang litanya sakin ni Eds habang nakikiusap.

Keep Drowning To Your Love [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon