KDTYL . . . Chapter 1

71 2 1
                                    

Sorry sa mga typo errors tinatamad po kasi akong mag-edit eh.

Dedicated ito kay shirlengtearjerky dahil sa TDG. ^_^ . Ang ganda nun, super. Yun nga ang pinaka una kong nabasa sa wattpad eh.

Ang kaso wala na yung account nya ngayon. Dinelete na nya. :((

Mag-enjoy po sana kayo sa pagbabasa.

-------------------------- <3 <3 <3 :* :* :* ---------------------------------------------------

Mula sa loob, naririnig ko ang mga sasakyang dumadating.

Tumingin ako sa labas at huminga ng malalim. Tinignan ko ang malaking bahay na nasa harapan ko.

Kahit nasa labas ka, agad mong malalaman na mayayamang tao ang nakatira dito.

Nakakainis. Bakit ko ba kailangang pumunta sa party na to?

Oo, tama ang nabasa nyo nasa party ako ngayon at magkakalahating oras na mula nung dumating ako pero di pa rin ako lumalabas ng sasakyan.

Nandito ako ngayon dahil birthday ni tita marina. Si Mrs. Marina dela Cruz ay kasosyo at kababata ng mama ko. Actually kababata ko ang anak ni Tita Marina, si Raven.

Close na close kami ni Raven, DATI. Pero ngayon hindi na kami masyadong close though kababata ko sya.

Nung 7 pa lang kasi kami pinadala ni Tito Rome sa Amerika si Raven para doon na lang mag-aral. Tapos 4 years later. Nag-summer sya dito sa pinas.

Nagkaroon kami ng bonding ni Raven pero di na kami ka-close tulad ng dati. Marami naman daw syang kaibigan ngayon don kaya masaya naman daw sya dun. Hanggang sa bumalik na ulit sya sa Amerika.

Mula nun wala na akong narinig na balita tungkol sa kanya.

Alam ko naman na tita ko naman ang pupuntahan ko sa party nato eh.

Pero gosh naiinis talaga ako sa mga parties. Ang mas nakakainis sinabi ko na sa parents ko na ayaw kong pumunta kahit na si Tita Marina pa iyon. Pero pinilit nila ako at talagang rineady na nila ang lahat para hindi na ako makatanggi pa. At hindi lang yun talagang tinakot nila akong aalisin daw nila yung mga credit cards ko. HSSH

Tindi nilang magparusa nho? Para party lang. Tsk

Ang boring kaya sa mga party na ganito, makikipag plastikan kalang naman sa mga taong nandito eh. Nalaman ko kasing halos negosyante ang mga taong pumunta dito sa party ni tita marina kaya pala mas lalong pinapunta ako dito ng parents ko.

Hindi na talaga sila nagbago.

Ang nakakalungkot pa di sumama sa akin si Eds. Sabi ni mama huwag ko raw syang isama para naman daw masanay ako sa mga party na ganito pero kahit siguro hindi sya pasamahin ng parents ko talaga ng di sasama yun di dahil pareho kaming ayaw ang mga parties, gustong-gusto nga nun eh. May makilala daw na papabol ang gaga.

May date daw kasi sya. Ang bait nya no?! Mas pinili nya ang date nya kaysa sakin.

" Miss, hindi pa po ba kayo bababa? Baka po hinahanap na kayo ng tita marina nyo." sabi sa akin ni Mang Jun habang nakatingin sa akin sa side mirror. Parang tinataboy na ako ni Mang Jun ah. Hayy

Si Mang Jun ay matagal ng nagtatrabaho sa amin mula nung bata pa ako nasa amin na sya nagtatrabaho. At sya ang driver ko dahil di ako marunong mag-drive pero minsan ko lang sya tinatawag para pagmaneho ako kasi halos palagi kong kasama sa mga pupuntahan ko si Eds. May kotse na kasi ang babaeng yun at students license.

Sumilip na lang ulit ako sa labas sandali at sinabi kay Mang Jun na bababa na ako.

Agad naman syang bumaba ng sasakyan at pinagbuksan ako ng pinto.

Keep Drowning To Your Love [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon