KDTYL . . . Chapter 5

69 2 2
                                    

Okay matagal na rin nung huli akong nag-update. Nakakatamad kasi eyyy haha.

Dedic to sa kanya kasi sya ang kauna-unahang nag demand ng Update.

Mag-enjoy sana kayo. (^▼^)

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

TUESDAY

Alesea's POV

" mnnn"

 Naalimpungatan ako dahil sa sikat ng araw. Binuksan ko ng bahagya ang mga mata ko para di ako masilaw at makita ko kung sino yung naghawi ng kurtina sa kwarto.

" Tayo na dyan. Baka malate pa tayo." rinig ko.

" Ano na bang oras?" tanong ko.

" 5:30 na."

Aaggghh aga pa eh. Kahit kailan talaga morning person tong babaeng to. Tsk.

" Hindi na maaga ang oras na yun. Sa byahe palang at pag-aayos mo kulang na kulang pa yang oras na yan kaya bangon kana dyan."

Paano nyang nalaman yung iniisip ko? Kailan pa siya naging manghuhula? Pahula ko kaya lovelife ko?

" Hindi ako mangahuhula. Sadyang yun ang lagi mong sinasabi kapag ginigising kita."

" Wala naman akong sinasabi ah."

" E ano yang sinasabi mo kung wala kang sinasabi?" sabi nya at tinaasan ako ng isang kilay.

" Pilosopo. Labas ka na sa kwarto ko. Bago masira umaga ko dahil sa'yo." sabi ko at tumayo na sa kama.

" Ayy pasensya ka na ha. Ang akala ko kasi nasa loob ako ng bahay KO eh." sabi nya nginitian ako. " Bilisan mo dyan." sabi pa niya at lumabas na ng kwarto ko, I mean, ng kwarto NYA na binigay sa akin. Nagroll eyes na lang ako.

" MANGGI-GISING KA NA LANG DAMI MO PANG SINABI." sigaw ko para marinig nya.

" BILISAN MO NA LANG DYAN." balik nyang sigaw.

Pumunta na ako sa walk in closet ko. Yup. It's mine at may mga gamit ako dito sa bahay nya pero syempre meron din sya sa Bahay ko.

Sinasabi ko lang kasi limot ko na kung nasabi ko na ba kasi ang tamad kong author ayaw mag-backread. Kakatamad daw. Tanong ko lang. Kailan ba siya sinipag? Wala pa atang oras na sinipag sya eh kaya antagal na nung huli nyang inupdate tong story ko. Tsk.

Anyway back to reality. Pumunta na ako sa CR para maligo. Pagkatapos kong maligo. Ginawa ko na ang dapat kong gawin.

Bago ako lumabas tinignan ko kung ano ng oras. 6:30 na. Haha lagot ako neto. Tsk tsk.

 (>_<)

Pagkababa ko alam ko na ang mangyayari, so ihanda ang tenga para sa shotgun na magpapaputok.

" Wow, naman buti naisipan mo pang lumabas sa kwarto mo. Ang akala ko pa naman nakain ka na ng shower." sarcastic nyang sabi sakin. Kailan ba sya hindi naging sarcastic? Wala di ba? Ang bipolar kasi ng babaeng to e. Minsan may pagkachildish, minsan naman parang mature tapos minsan ang hilig bumanat, tapos minsan ang sungiiitt!.

Ewan ko ba kung pano ko naging bestfriend yan.!

Grabe pagkapasok na pagkapasok ko sa dining room yan ang bungad. Ganda a.

" Oo nga e. Buti nakalabas pa ko. At akala ko ba kwarto mo yun? Bakit bigla mong sinasabing akin yun?" tanong ko sa kanya at nag-smirk. Umupo na din ako sa upuan sa harap nya.

" Gusto mong mag-commute mag-isa?"

". Commute? E yung sasakyan mo?" tanong ko.

" Ay hindi ata binangga kahapon ng isang hudas ang kotse ko eh."

Keep Drowning To Your Love [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon