Prologue

12 3 0
                                    

Prologue

Bawat isa sa atin ay may kanya kanyang tao na nilaan para sa'tin. Yung taong hindi na natin kailangan pang hanapin dahil tadhana na mismo ang gagawa ng paraan para magtagpo kayong dalawa sa tamang oras. Yung taong kapag nakita mo na mapapasabi ka nalang sa sarili mo na "Siya na nga"

At kapag nahanap mo na siya, hindi kana makakaramdam pa ng kulang kasi pakiramdam mo buong buo kana. Perfect timing with the right guy ika nga nila. Pero parang ang hirap maniwala sa ganyan. Sa palagay ko kasi swertehan nalang kung mahanap mo yung taong para sayo. Tignan mo naman, May mga taong tumatandang dalaga, mga taong namumuhay lang nang mag isa kasi wala silang asawa.

Kaya kung gusto mong mahanap yung taong para sa'yo? Aba, wag kang tumunganga at umasa kay tadhana, gumalaw ka.

Ako? Pucha. Lahat na ata ng maisip kong paraan para mahanap ang right guy ko ginawa kona pero waley mga besh. Luhaan lang lagi ang peg ko.

Sinubukan ko na ngang harutin lahat ng crushes ko, gawan sila ng sulat, isurprise sa harap ng maraming tao, haranahin at kung ano ano pang pwedeng gawin pero wala parin. Sa huli ang lagi lang nilang sinasabi..

"Sorry Summer pero hindi kita type"

Kaya sa huli, pahiya ako lagi. Kalat na nga sa school na desperada daw ako at malandi dahil kung sino sino nalang ang inaalok kong jowain. Putakte naman kasi, Mukha ba akong keyboard para maging type nila?! Hindi naman sa pagyayabang pero may hitsura naman ako at mautak rin. Kung pwede ko nga lang idate sarili ko ginawa ko na e. Aba, Girlfriend material kaya ako. Marunong akong magluto (Ng hotdog at itlog), Marunong akong magwalis, maghugas ng plato, maglaba at kahit magpalit ng gasolina kaya ko. Ewan ko lang talaga kung bakit hanggang ngayon wala paring nanliligaw sa akin. Hindi naman ako masungit. Ang bait bait ko kaya tsaka mukha pang inosente. Hmp.

"Hoy babae, ano tulala at its finest nalang ba trabaho mo diyan?" Kainis naman to. Kitang busy ako sa pagkatulala tapos iistorbohin ako.

Inis kong nilingon si Ara na ngayon ay nakatitig sa akin na parang may nakita siyang nakakatuwa sa mukha ko. Babaeng to talaga kahit kailan ang epal sa buhay ko.

"Oh ano bang problema mo ha?" Bulyaw ko sa kanya. "Wag mo nga akong titigan, iisipin ko talagang crush mo ako sige"

Ngumiwi siya. "Walang wala ka na talagang majowa kaya ako naman pinagnanasahan mo Summer no? Hoy mandiri ka nga. Sa ganda kong to di ako papatol sayo no! Kahit maubos pa ang lalaking yummy rito sa mundo-"

"Oo na, daming sinabi" Pagputol ko sa mahabang litanya niya. Panigurado kasing kung saan saan nanaman aabot yang sasabihin niya.

Pasalampak siyang naupo sa tabi ko at pasimpleng umirap sa akin. Natawa nalang ako sa isip ko. Kahit kailan talaga ang babaaeng to, ayaw na ayaw niyang nababara.

Kaklase ko si Ara simula nang tumuntong akong High School. Umay na umay na nga ako sa pagmumukha niya dahil mula First year high school hanggang ngayon na Fourth year na kami ay kaklase at kaseatmate ko na siya, tinitiis ko nalang talaga siya dahil siya lang naman ang kaibigan ko sa Campus na'to.

"Iistorbohin mo'ko sa pagmumuni muni ko tapos susungitan mo lang din pala ako? Bigwasan kaya kita?" Inambahan ko siya ng siko saka umirap.

"Nagugutom nako Summer. Kain na kasi tayo" Kumapit siya sa braso ko na parang unggoy. "Dali na Summeeer!" Pangungulit niya pa. Oo nga't maganda itong si Ara pero ang isip bata naman. Ang sarap iligaw sa malayong lugar.

"Oo na bitawan mo lang ako" Sambit ko na agad naman niyang ginawa.

Niligpit ko muna ang mga gamit kong nagkalat sa mesa bago tumayo at pumanhik palabas. May natitira pa kaming 30 minutes para magbreak kaya hindi kami male-late sa next subject.

Kapag may nakasalubong akong lalaking naka red maniniwala na ako sa sign

Bumuntong hininga ako. Alam kong ang lame nitong bagay na gagawin ko pero wala namang masamang sumubok hindi ba? Kung hindi man totoo, ayos lang.

Wednesday ngayon. Araw kung saan libre ang mga estudyanteng magsuot ng kung anong damit ang gustuhin nila. It's either mag-uniform sila o hindi. Bahala sila inshort.

Iwinasiwas ko ang braso ko nang muli nanamang kumapit sa akin si Ara. Etong babaeng unggoy na'to. Wala ng ginawa kundi kumapit ng kumapit!

Ingay mula sa mga estudyante at paggalaw ng upuan ang siyang sumalubong sa pagpasok namin sa cafeteria. Nilibot ko ang tingin ko sa paligid sa pag asang baka may mga nakapula ngayon. Mayroon naman kaso ang usapan ay makakasalubong at hindi ko lang basta makikita.

"Anong bibilhin natin?" Si Ara. Kumapit nanaman siya sa braso ko. Hinayaan ko nalang. Nakakapagod kasi alisin ng alisin.

Pinagkunutan ko siya ng noo. "Ano ba masarap?"

Nakakalokong ngisi ang ginanti niya. "Tsk. Alam mo namang lahat ng pagkain masarap para sa'kin"

"Tara sa counter"

Bahagyang lumiwanag ang mukha niya. "Wow. Ngayon ka lang nagyaya sa counter ha? sipag mo ata ngayon? Dati ako lang pinabibili mo e" Tugon niya. Totoo naman. Ayokong nagpupunta sa counter dahil nakakatamad tumayo. Kung hindi lang sana ako naniwala diyan sa sign na yan hindi naman ako tatayo roon at maghihintay.

Hindi ko inaasahan ang ginawa niyang paghila sa akin. Pero mas hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari.

Agad na bumaba ang tingin ko sa pagkaing nahulog. Mabuti at biscuit lang iyon dahil baka paglinisin pa kami kung sakaling kanin iyon. Si Ara naman ay patuloy na humihingi ng dispensa sa nakabangga namin. Nang mapulot ang biscuit ay agad ko na sana itong iaabot sa may ari ngunit natigil ang kamay ko sa ere nang mapagmasdan ko ang kabuuan niya.

Nakapulang tshirt siya! Pula..

Yung sign..

xxx

My Capricorn GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon