Chapter 1

3 2 0
                                    

Chapter 1

Bumalik ako sa realidad nang biglang hugutin ni Ara ang pagkaing hindi ko namalayang nasa kamay ko pa pala.

"Ito na pagkain mo kuya. Pasensya na masyado atang gutom ang kaibigan ko at nagdadalawang isip pa kung ibabalik sa'yo. Sorry ulit kanina ha? Nagugutom na kasi 'tong kaibigan ko kaya nagmamadali na kaming pumila. Malay ko bang nandiyan ka kaya nabangga ka namin" Siniko ko si Ara. Hindi ko balak na kunin ang biscuit na pagmamay ari niya. Kaya kong bumili ng sampung piraso no'n at isa pa hindi ko gusto ang pagkain iyon. Hindi healthy!

"Ayos lang" Sagot nito. Tinitigan ako ni kuyang nakapula dahilan para lalong magwala ang tibok ng puso ko.

Gwapo siya. Matangos ang ilong. May tamang hugis ang mukha. Matangkad rin siya, mga nasa 5'6 siguro ang taas. Payat pero hindi mo mahahalata dahil sa porma niya.

Siya naba ang destiny ko Lord?

Kung siya nga. Anong magandang bagay ang nagawa ko sa past life ko at biniyayaan ako ng isang gwapong nilalang na gaya niya?

"Sige una na kami." Sambit ni Ara at agad na akong hinila paalis. Nakita ko pa ang pasimpleng pagngiti niya sa amin bago naglakad paalis. Shet! Ang gwapo niya talaga!

"Sino iyon?" Pasimpleng bulong ko kay Ara habang nakapila kami sa counter. Sinigurado kong mahina ang boses ko para hindi marinig ng ibang nasa pila. Mahirap na! Baka maunahan nila ako sa pagdiskarte sa future boylet ko at mabulilyaso ako sa plano ko.

"Malay ko. Ngayon ko lang nakita. Interesado kaba do'n? Nako Summer ha. yang mga tanungan mo alam ko na iyan kaya wag mo ng balaking umangal pa" Saad niya na nagpangiwi sa akin.

"Hindi ko naman dineny! Tsaka hinaan mo nga boses mo baka marinig ka ng mga chismosa diyan" Hinampas ko nang mahina ang braso niya saka pasimpleng nilibot ang tingin sa paligid. Mabuti naman at walang nakarinig.

Agad kaming naghanap ng mauupuan at hindi naman kami nabigo dahil may isang bakanteng upuan sa bandang dulo ng cafeteria. Marami nga lang tao doon pero ayos na kesa sa walang maupuan.

"Bago lang siya sa paningin ko. Teh! bata pa ata yun e tas papatusin mo? so kadiri ha" Saad niya nang makaupo na kami.

Inirapan ko siya. Kinuha ko ang kubyertos na nakabalot sa tissue at inalis ito bago paghiwalayin ang kutsara't tinidor sa kamay ko. "Gaga! Masamang mapogian ha? Aminin mo pogi niya 'no?"

Parang gusto ko siyang sabunutan nang abot tenga ang ngiti niya. Akala ko ba bata ha? tapos ngingiti ngiti siya ngayon. "Pwede na." Maarteng saad niya.

"Kotongan kaya kita!" Dinuro ko sa kanya ang tinidor na hawak ko. "Kumain na nga lang tayo."

"Oo nga gutom na gutom na rin ako"

Hindi na kami nag-usap pa at nagsimula ng kumain. Maya maya lang ay naramdaman ko ang tunog ng upuan na biglang huminto sa tabi ko.

"Uy Lucas, nandiyan ka pala" Hindi ko na kailangan lingunin dahil kilala ko na agad. Nagpatuloy nalang ako pagkain at binalewala ang presensya ni Lucas sa tabi ko.

"Ang snob mo ha?" Biglang bulong ni Lucas sa akin. Inirapan ko siya at nilapag ang kutsara sa mesa. Kinuha ko ang tubig sa tabi ng plato at inisang lagok lang ito. Tapos no'n ay kinuha ko ang table napkin na nakapulupot kanina sa kutsara at pinunas ito sa labi ko.

"Ano nanamang ginagawa mo dito?" Asar kong tanong sa kanya. Ngumisi lang siya sa akin at humarap kay Ara na tahimik lang na nakatingin sa amin. Pansin ko ang pawis na tumutulo sa noo niya. Mukhang kagagaling lang niya sa practice ngayon. Nakasukbit pa ang malaking bag niya at ang uniporme niya ay nakayakap sa katawan niya kaya hindi ko makita ang suot niya.

My Capricorn GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon