Chapter 3

2 1 0
                                    

Chapter 3

Pagtapos ng practice nila Lucas ay agad na siyang nagyayang umuwi. May ilan pang mga babae ang pilit humaharang sa daan natin at binabati si Lucas pero busy lang siyang magkwento sa akin at hindi niya iyon pinapansin.

"Mga fangirls mo oh, kinakamusta ka!" Turo ko sa mga babaeng nilagpasan namin.

Ngumisi siya. "Hayaan mo sila. Nagkekwento pako sa'yo"

Gaya ng sabi niya, hinayaan ko lang siya. Paglabas ng gate, pumara kami ng tricycle pero nagulat kame ni Ara nang magreklamo si Lucas at paalisin ang tricycle driver.

"Akala ko ba uuwi na tayo?" Kunot noong tanong ni Ara.

"Lakad tayo."

Namilog ang mata ko. "Ano?! Sige, lakad ka mag-isa!" Ani ko at nagmartsa na paalis roon. Naramdaman ko namang hinila niya ang braso ko pabalik sa tabi niya.

"Dali na, gusto kong maglakad e. Tsaka marami pakong ikekwento sa'yo." Nagpacute siya. Hindi naman effective yun saken.

"So ano? Thirdwheel nanaman ako sa inyo?"

Natawa lang si Lucas. Ilang pilit pa at napapayag rin nila ako. Hindi rin naman pala masamang naglakad kami pauwi. Bukod sa hinatid kami ni Lucas sa mismong mga bahay namin, Nilibre pa niya kame ng street foods na nadaanan namin malapit sa may 7/11.

--

"Manong bayad po!" Wika ko sabay abot ng kinse pesos na pamasahe. Pag-alis ng tricycle ay agad kong inayos ang strap ng bag ko. Tinanaw ko ang gate ng school namin. Maraming mga estudyante ang kasalukuyang tinatahak ang daan papasok sa loob.

Huminga ako ng malalim saka pumikit.

Kung sino man ang bumati sakin sa oras na makapasok ako sa gate, siya na ho talaga.

Saka ko idinilat ang mata ko at napangiti. Kung may makakakita siguro sakin ay iisiping nababaliw na ako. Napangiti ako ngunit agad ring natigilan nang matanaw ko mula sa kinatatayuan ko si manong bogart, ang guard ng school namin. Kita ko mula rito ang pagbati niya sa mga estudyanteng pumapasok sa loob. Nasapo ko ang noo. Oo nga pala. Hindi pumapalya ang pagbati ni manong bogart ng goodmorning sa mga tulad kong estudyante, aniya gusto daw niyang sa kanya nagsisimula ang goodmood ng mga bata kaya kahit minsan walang bumabalik sa kanya patuloy parin siya sa pagbati.

Bakit hindi ko naisip yun? Bahala na nga.

Sinimulan ko ng lakarin ang daan papasok sa loob. Dahan dahan. Hinihintay kung isa ba ako sa mga maswerteng estudyante ni manong bogart. Pagpasok sa gate, napapikit ako. Inaasahan kong babatiin ako ni manong pero wala.

"Goodmorning Krystel" Bati niya sa babaeng nakasabay ko. Nilingon ko sila. Ngumiti ang babae sa kanya bago nagtuloy sa paglalakad. Agad rin naman akong umalis nang lingunin ako ni manong bogart at ngitian.

"Goodmorning" Muntik na akong mapatalon nang may mainit na braso ang tumama sa braso ko. Inis kong nilingon ito sa pag-aakalang si Lucas iyon ngunit ang inis ay agad na napalitan ng kaba nang makita ko kung sino ang sumabay sa akin sa paglalakad.

Ramdam ko ang bilis ng tibok ng aking puso habang tinititigan ang nakangiting mukha niya. Hindi ko alintana ang mga mata ng estudyanteng napapahinto sa paglalakad at mga tanong obvious makatingin sa amin.

"Hello, diba ikaw yung nakabangga ko kahapon?" Tanong niya sa malalim na boses. Lalaking lalaki. Amoy ko rin ang pabango niya mula rito.

"H-ha? Ah o-oo" Untag ko. Iniwas ko ang tingin ko. Hindi ko kayang tagalan ang titig niya lalo na ngayon na nakangiti siya.

My Capricorn GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon