Chapter 2
Matapos kumain ay hinatid kami ni Lucas sa classroom. Nagtilian pa ang ibang babae nang makita nilang kasama namin si Lucas. Ang iba pa ay nagbubulungan pero nilagpasan lang namin sila. Masyado na akong maraming problema sa buhay at ayoko ng dagdagan pa. Matapos ihatid ay nagpaalam na siya sa akin na magpapractice. Tango lang ang isinagot ko sa kanya. Hindi man lang nawala ang impit na tili nila kahit wala na si Lucas. Tahimik lang si Ara sa tabi ko samantalang ako naman ay nagmamasid lang sa kanila.
"Ang swerte mo talaga at naging kaibigan mo siya"
"Oo nga, grabe nakakainggit ka"
Ilan sa mga katagang parati kong naririnig sa mga estudyanteng may gusto kay Lucas. Palangiti naman si Lucas pero hindi friendly. Ironic no? Ngingitian ka lang niya pero hanggang doon lang iyon. Hindi ko naman inaakalang magiging magkaibigan kami matapos niya akong away awayin noong bata pa kame.
Nang makalipat kasi ako ng school noong elementary ay hindi ko na naisip pa si Lucas. Akala ko ay makakalusot na ako sa kanya noon pero nagulat ako dahil nang tumuntong ako ng high school ay muli na namang nagkrus ang landas namin. Hindi rin naman nakakapagtaka. Isa lang ang eskwelahan rito sa bayan namin kaya't hindi malabong hindi nga kami maging magka-schoolmate.. pero ang hindi ko lang talaga inasahan ay yung ginawa niya.
"A-ano 'yan?" Tanong ko sa kanya noon nang muli kaming magkita. Ngumiti siya sakin at may inabot na nagpabilis sa tibok ng puso ko.
"Tinago ko 'yan. Gusto ko sanang humingi ng sorry sa ginawa ko nung bata pa tayo kaya ayan binabalik ko na sa'yo." Ang illustration board na tinago niya noon.
Mula noon, naging magkaibigan na kaming dalawa. Natuto rin ako sa kanya ng mga kalokohan. Mahilig kasi siya mang asar noon kaya pati ako napapasali na. Hindi ko nga maintindihan kung bakit ang daming nagkakagusto sa kanya kahit napakabully niya.
Natahimik ang lahat ng pumasok ang prof. namen. Nagsimula na ang klase pero ang isip ko ay lutang parin. Bigla kasing pumasok sa isip ko ang lalaking nakasalubong namin kanina lang.
Nacucurious talaga ako kung sino siya. Ano kayang grade level niya? Imposible kasing Grade 12 rin siya dahil halos lahat ng mukha ng mga kabatch mate ko natatandaan ko.
"Uy san ka pupunta?" Nasa pinto na ako nang marinig ko si Ara. Kakatapos lang ng klase namin. Wala man lang pumasok sa isip ko maski isa. Hindi naman kasi ako nakinig. "Diba sabi ni Lucas sabay daw tayo uuwi?"
Natigilan ako roon. Oo nga pala. Habang naglalakad kami papuntang room kanina ay hinabilin ni Lucas na sabay sabay kaming uuwi ngayon. Sa kagustuhan kong mahanap si kuyang nakared kanina ay nakalimutan ko iyon. Napabuntong hininga ako. Siguro ay bukas ko nalang siya hahanapin.
"Madaling madaling umuwi te?" Asar ni Ara habang naglalagay ng pulbo sa mukha. Umirap nalang ako.
"Hahanapin ko sana yung lalaking nakasalubong natin kanina."
Nahinto sa ere ang paglalagay sana niya ng pulbo sa noo. Kinunutan niya ako ng tono at maya maya lang ay pagak na natawa. "Seryoso ka hahanapin mo talaga yun? Hahaha. Bakit?"
"W-wala lang." Nag-iwas ako ng tingin dahilan para makita kong wala ng ibang tao sa room kundi kaming dalawa nalang.
"Nakuu Summer hindi mo na kailangan ilihim yan. Alam ko na kung bakit. Sus."
Inirapan ko siya. Ngumisi lang siya sa akin. Nilapit ko ang sarili ko sa kanya at bumulong.. "Nagkatotoo kasi yung sign na hiniling ko kanina."
Kumunot ang noo niya. Hindi parin nagagalaw ang pulbong nilagay niya sa mukha dahil mas tinuon ang pansin saken kesa sa ginagawa. "Anong kalokohan nanaman yan?"
Hinampas ko siya sa braso dahil sa pagtawa niya. "Sabi ko kasi kung sinong tao ang makasalubong natin na nakapula siya na ang destiny ko. At ayun nga, kanina sa canteen nakasalubong natin siya." Hininaan ko ang boses ko para walang makarinig sa amin kahit na wala rin namang tao rito sa classroom bukod samin.
Napailing siya. Sinimulan na niyang ayusin ang pulbo sa mukha, tapos ay humarap siyang muli sa akin, kunot ang noo saka kinuha ang bag sa upuan bago iiling iling na nilagpasan ako.
"Tara na nga, nababaliw ka nanaman."
Dumiretso kami sa gym kung saan nagpapractice si Lucas. Alas kwatro na ng hapon at uwian na pero marami paring nagkalat na estudyante sa loob at nanunuod sa practice nila. Aakalain mong may game na nagaganap sa dami ng taong nakaupo sa left wing ng bleachers. Malaki ang gymnasium ng school namin. Iba ang entrance at iba rin ang exit. Pagpasok sa loob ay hindi agad gymnasium ang sasalubong sa'yo. Sa kaliwa ay makikita mo ang comfort room. Kailangan mo pang lumakad ng kaunti hanggang sa maaninag mo na ang kulay dilaw na sahig ng gym. May malaking stage sa gitna na may naglalakihang kurtina na gaya ng sa mga theater. May harang ang bleachers namin kaya kahit magkamali ng bato ang bola ay hindi iyon aabot sa mga manunuod.
Hinila ako ni Ara sa pwesto ng mga basketball players. Sa labas ng bleachers ang pwesto ng mga players. Exclusive iyon para sa mga teams. Isa sa left wing at isa sa right wing. Hassle kasi kung sa loob ng bleachers sila tatambay. Kapag may nagsub ay mahihirapang lumabas ang player lalo na't kapag may game ay may mga nakatayo pang tao malapit sa bakod.
Binati kami ng ilan sa mga ka-team ni Lucas na nakaupo roon. Ngiti lang ang sinukli ko sa kanila. Umupo ako sa tabi ni Ara at agad na nilibot ang tingin sa gitna ng gym kung saan kasalukuyang naglalaro ang ilan sa kanila, kabilang na si Lucas. Ganun parin ang suot niyang jersey. Hawak niya ang bola at diretso lang ang tingin niya sa kalaban habang may nakaplaster na ngisi sa labi. Ang ngising iyon. Ang ngising lubos kong kinaiinisan sa kanya. Yun madalas ang gawin niya sa tuwing nang aasar siya.
Tutok na tutok lang ang tingin ko sa kanya. Tumutulo na ang pawis sa katawan niya, basang basa na rin ang muscle niyang gumagalaw sa twing magdidribble siya.
"GO LUCAS!" Napatingin ako kay Ara nang tumayo siya at buong lakas na isinigaw iyon. Kakashoot lang ni Lucas sa bola at agad na tumama ang paningin niya sa akin, sunod kay Ara bago ngumiti ng nakakaloko at nagsimula ng maglakad palapit sa amin.
"Ayos ba?" Tanong niya pagkalapit. Nag-thumbs naman ang ngiting ngiting si Ara sa kanya dahilan para matawa siya. Napailing nalang ako. Nanlaki ang mata ko nang sumandal siya sa balikat ko. Tinulak ko agad siya.
"Ano ba! Kadiri ka pawis na pawis kapa oh!" Singhal ko na tinawanan lang niya.
"Arte naman nito. Edi punasan mo!"
"Oo nga, arte arte. Hahaha" Dagdag ni Ara. Sinamaan ko silang dalawa ng tingin. Hindi man lang natinag at tatawa tawang nag-iwas lang sila ng tingin. Kinuha ko ang bimpong nakalapag sa tabi niya at sinimulang punasan ang braso niyang basang basa. Napatingin siya sa akin. Nag-iwas lang ako ng tingin at pinagpatuloy ang ginagawa.
xxx
BINABASA MO ANG
My Capricorn Guy
RomanceSummer Castillo is a hopeless romantic girl na kung ano anong kalokohan nalang ang naiisip sa pagbabakasakaling doon niya mahanap ang love of her life. One time, naisip niyang iasa sa Zodiac Sign ang kapalaran ng buhay pag ibig niya at sa kabutiha...