I have this very very crazy best friend. Actually she's a SHE. Her name is Crytselle Joy Matinik. Hindi ko nga alam kung bakit ko siya naging best friend. Ang daldal niyang tao, ang hilig matulog sa library, nagkacutting class din siya noong high school kami, iniiyakan niya lahat ng lovestories na pinapanood namin sa apartment or sa bahay nila at ang hilig kumain pero hindi naman tumataba.
She said her favorite color is blue pero halos lahat ng gamit niya sa bahay pink. Paborito siya ng nanay at tatay ko, kung umasta naman siya parang tunay na anak. Wala siyang pakialam sa ibang tao. Hindi siya nakikialam sa iba ng tao pwera lang sa akin. She combed her hair while we are on our way to school. Minsan nawawala sa sarili at hindi niya alam na baliktad pala ang pagkakasuot niya ng jacket niya. Binubwisit niya ako palagi pag nagbabasa ako ng libro. She's annoying but in an adorable way.
Ako naman si best friend na todo ang suporta sa baliw na kaibigan. I always need to remind her with her schedule. Ako rin ang nag-gogrocery sa kanya kasi puro delata ang kinakain. Ako rin ang taga bitbit niya ng shopping bags niya. In short ako ang boyguard slash alalay.
One time noong nasa high school kami, iniyakan niya 'yong role play na Romeo and Juliet. At memorize niya ang linya ni Juliet na:
O Romeo, Romeo! wherefore art thou Romeo?
Deny thy father and refuse thy name;
Or, if thou wilt not, be but sworn my love,
And I'll no longer be a Capulet.
At ang linya ni Romeo na:
Shall I hear more, or shall I speak at this?
She's so weird too. very very weird. Hindi ko nga rin alam kung bakit naiisipan niyang mag-nursing. Pero bagay naman siya sa nursing. Doon nga lang sa Psychiatric ward hindi bilang nurse kundi bilang patient. *insert devil laugh*
Pero...
It's too late na para sabihin ko ang lahat sa best friend ko.
Iniwan na niya ako.
Wala na akong best friend.
Wala na yong REYNA NG KADILIMAN NG BUHAY ko.
I mean it, LITERALLY.
Magsesenti muna ako ah.
Magkukwento lang ng konti.
Ako kasi ang nagligpit ng gamit niya sa apartment niya. Kaya nakita ko yong ginawa niyang sulat sa akin. Di ko nga napigilan ang luha ko noong mabasa ko.
Ito ang sulat niya sa akin.
Lorenzo Martinez,
Hi! Nareremember mo pa kaya ako?
Ang REYNA ng KADILIMAN ng buhay mo?
Ang mahilig mang batok at mangurot sayo?
Ang pinaggo-grocecy mo pa dati?
Ang Best Friend mo?
Narerember mo pa ba ako? Kung hindi, magpapakilala ako, ako pala si Crystelle Joy Matinik. Krii for short lagi mong pahabol pag nagpapakilala ako sa mga colleagues mo. Ako ang tinatawag mong REYNA ng KADILIMAN ng buhay mo.
Alam mo miss na miss na miss na miss na miss na miss na kita. Namiss ko na ang pang aasar mo sa akin. Ang paghila mo sa akin palabas ng FOREVER 21 kasi kailangan kong matututong magtipid. Ang paggo-grocery mo-kahit na puro ready-to-cook na beef and chicken toccino at ang mga veggies na hindi ko naman kinakain. Ang mga pagsisisigaw mo sa labas ng apartment ko kasi malelate na ako sa 8am class ko. Ang pag iwan at pagsabit ng pagkain sa gate ko. Mga simpleng bagay sayo pero mahalagang bagay sa akin yon. Di mo ba na mimiss? Kasi ako miss na miss na miss ko.
BINABASA MO ANG
Mission: Moving On (One shot story)
General FictionI'm Lorenzo Martinez and Crystelle Joy Matinik is my best friend. I Love her so much to the point na hindi ko na ako nakamove one sa kanya. Alam niyo yong feeling na sobrang lungkot dahil ang mahal mo eh wala na tapos mas masaklap pag hindi mo nasa...