I - 1

23 6 6
                                    

JOANA

"Sa barko"
I'm Joana, 19 years old sa kasalukuyang 2022. Isang Kpop trainee at part-timer na planong mag-aral nalang ulit kapag hindi parin nagdebut sa taong ito.

"Haaaaay! Sobrang nakakaiyak ang ending... Bakit ganon?" Sabi ko sa sarili matapos panoorin ang Korean drama na pinapanood ko. Sumakit mga mata ko dun ah. Ilang oras din akong nakababad sa harap ng aking laptop.

Bumangon narin ako from my bed habang papunas punas ng mga mata. Inilapag ko ang eyeglasses ko sa table at tumingin sa orasan.

4:09pm

"OH MY!"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"OH MY!"


Nagmadali akong tumayo at 'di magkanda ugagang isinuot ang makapal na jacket. Malamig dito sa Korea at isa 'yon sa maraming dahilan kung bakit gusto ko sa bansang 'to.

Alas kwatro na ng hapon at sa araw ng Linggo ay wala parin akong pahinga sa trabaho.

"Noong estudyante palang ako, kahit buong araw ako manood ng walang sawa, magbasa ng libro, magpakasarap, wala akong inaaalala. Pero ngayon, gipit sa oras..." Monologue ko habang nagtatali ng aking kulay brown at mahabang buhok.

Saglit kong tinignan ang cellphone at nagsimula nang magtrabaho.

SCHEDULE
(Sunday)
•  5am-7am: convenient store
• 8am-3pm: PC방
• 4pm-7pm: making deliveries
• 8pm-10pm: x

Kung hindi lang nag-out of town sila Ms. Song—ang may ari ng PCbang/computershop— siguro nagbantay lang ako ng computershop at hindi nakapagpahinga this day.

Matapos ang tatlong oras kong pagpapabalik-balik sa restaurant at mga lugar na pagdedeliveran ay umupo ako sa harap ng 7/11  at duon narin kumain para sa gabing ito. Sa isang taon kong pagtatrabaho sa dito Korea ay madalas dito na lang ako kumakain dahil mas mura at ako lang din naman magisa sa maliit na kuwarto kong nirerentahan, malapit sa building ng Starship Entertainment

ang kompanya kung saan ako nagtetraining at umaasang maging Kpop-idol.

Umalis ako sa Pilipinas dala-dala ang aking pangarap. Sinakripisyo ko rin ang pag-aaral dahil dito.


Tatlo kaming magkakapatid at ako ang bunso. Hiwalay sila mama at papa pero close parin sa isa't isa. Madalas kaming mag away ni mama pero love na love ko siya. Si papa naman ay parang katropa kolang. May iba man siyang pamilya ngayon, sinusuportahan niya parin kami, ng konti. He's not rich anyway.

JOANAWhere stories live. Discover now