II - 3

3 5 0
                                    

Hindi pako nakakagawa ng solar charger dahil bukas pa darating ang mga materials na pinabili ko kaya hindi ko muna magagamit ang cellphone ko.

I tried opening my laptop at palowbat narin ito.

Walang signal kaya nanood nood nalang ako, yung mga predebut performance namin sa loob ng studio.

Hays, sayang ang talent ko. Sinara kona ang bago pa malowbat. Hindi ko rin namalayang nakatulog ako.









GABI

Madilim na ang paligid at nakakatakot. May puno pa naman sa tabi ng bintana ng kwarto ko. Itong kwarto ko mansion, ibang iba sa kwartong nirerentahan ko nun sa Korea. Kasi itong kwarto ni Kristina, malaki at baduy. Chos😂 Malaki at cozy.

Nagutom ako kaya bumaba ako sa living room. Nakita kong duon sa upuan na matigas natutulog si Lucia, ang personal kong tagapagsilbi.

Tinapik ko siya para magising. "B-bini bini! Patawad po kung nakatulog ako sa paghihintay sa inyo." Aniya at dali daling tumayo kahit antok na antok siya. Pagod siguro 'to sa trabaho.

Tumingin ako sa orasan at 8 palang. Maaga lang talaga kumain at matulog ang mga tao sa panahong ito kasi wala namang ilaw sa gabi kundi lampara. Wala naman silang ibang magagawa sa dilim kundi ang matulog o mamahinga.

Don't worry gagawan ko kayo ng fluorescent lamp, tapos solar din ang energy source natin. Hintay lang ha?

"Hindi pa po kasi kayo kumakain at ayaw po naming istorbohin ang inyong pamamahinga, halika bini bini, ihahanda ko po ang inyong pagkain..."

"Aaay, no no no. Kaya ko naman kumain mag isa. Umakyat kanalang dun sa kwarto ko at dun ka matulog. Masyadong matigas at masikip 'tong upuan nato para tulugan. Sasakit ang likuran mo at mahuhulog kapa. Lalamukin karin dito at lalamigin kaya wag kana ulit matutulog dito ha?" Utos ko sakanya.

"Pero binibini.."

"Shoo!" iniharap ko siya sa hagdanan at pinush ng konti.

"Ipaghahanda pa po kita ng makaka-"

"Shh. Wag tayong maingay, natutulog na ang mga tao.." Paggagawa ko ng dahilan.

Nakayuko siyang umakyat papuntang kwarto ko.

Dumiretso naman ako sa kusina at pasayaw sayaw ng gangnamstyle. Sarap ng buhay ko ngayon. Dati sa ganitong oras nagtatrabaho padin ako, ngayon ang tagapagsilbi kona mismo ang naghihintay para saakin.

Ibang iba sa feeling.

Inuna kona munang lantakan ang inihaw na manok. "Hmmm! Saraaap" Next mga prutas! Gusto kong mag ice cream at ramyeon kaso wala pang ganun sa panahong ito.

Di ko talaga mapigilan lumamon lalo na kapag hindi ako ang gumastos. "Gosh baka mamaya tumaba ako nito ha!" Sabi ko sa sarili.

Nahulog yung kasirola sa likod ko, "My gahd!" Paglingon ko wala namang tao.
Syempre alam niyo na ibig sabihin nito guys. May umaaaligid na elemento. Huhu.

Binilisan ko nalang kumain kaso may sumisitsit at mahinang sumisigaw sigaw akong narininig sa may exit ng kusina kaya hindi nako uminom pa at dahan dahan akong naglakad palabas ng kitchen.

JOANAWhere stories live. Discover now