II - 1

13 5 8
                                    

JOANA
"Still Adjusting"
IKALAWANG araw ng paglalakbay ng barkong 'Evelyn' mula Korea pabalik sa Pilipinas.

Hindi pa ganon kabilis ang transportation sa panahong ito dahil 1887 palang. Sabi ni Alyana. Ilang araw ang inaabot bago makapunta sa ibang bansa.

Kung makikita lang nila ang future. Sasakay kalang ng airplane, 16hrs? 19? 20? Sobrang bilis. Sobrang convenient ng buhay.

Maaga akong nagising ngayon dahil may kailangan akong matuklasan sa lugar na ito. There's a lot of things that I am curious about.

Hindi ako nakakain ng maayos kahapon kaya dumiretso agad ako sa kusina ngayon. Actually wala naman nagbago sa sharehouse kung ikukumpara mo itong past sa future. Ang pagkakaiba lang ay sa barko ito nakapwesto.

Medyo madalim pa at di pa gising ang mga tao. Lumalamon ako habang nakaearphone at tinatry ang mobile data kaso wala talagang signal!

Tanga ko talaga, nageexpect pako ng signal e wala pang kahit anong kompanya ng telecommumunication ang nageexist ngayon. Hays! Kung may equipment lang sana e, kayang kaya kong gumawa ng paraan para sa signal. E kaso ako lang ang may cellphone sa panahong ito. So useless. Hays kainis.

"Bini-bini.." Si Josiah.

Nahagis ko ang cellphone ko at napabalikwas sa pagkakaupo ko.
"Ay itlog na basag!"

"Itlog na basag?" Natawa siya sa expression ko.

Tumutunog ang cellphone ko sa lapag, nahila kasi ang earphone ko kanina. Pareho kaming napatingin sa cellphone ko. Pinulot kona agad at pinatay ang music, baka magising pa ang iba.

"Ngayon palamang ako nakakita ng ganyang bagay, bini bini. Ang galing, kahapon ay nakita din kita na gamit iyan. Kung alam ko lang ay bumili rin sana ako nung nagpunta kami sa Korea.." aniya.

"Hm.. oo. Hehe,"

"Sabagay, mukhang mamahalin ang mga ganyang bagay at ang mga anak lang ng mayayaman ang makakabili.. Siguro'y magtatrabaho muna ako ng sampung taon bago mabilhan si Alyana."

"Hm, mura lang 'to.. Nagtrabaho ako ng dalawang linggo para makabili nito." Pagaadvertise ko.

"Ikaw? Magtatrabaho?" Pag ngiti niya. "Kung papayagan ni Don Rolando."

"Sa pagkakarinig ko'y magkakilala na tayo simula bata pa. Totoo ba yun? Paano ba tayo nagka-kilala?" Pang uusisa ko, dagdag information din aba. Ang isang matalinong tulad ni Josiah ay ayos bilang source.

"Simula nang mamatay sila ina ay kinupkop na kami nina Kapitan Sandiego. Sina Kapitan Sandiego at ang iyong ama ay magkaibigan, kaya sa tuwing nagpupunta kayo sa bahay nila ay nakakapag-laro tayo ni Alyana." Pagtothrowback niya.

"Nice, at nagkaroon karin ng lihim na pagtingin sakin diba?" Pageechos kopa.

Natawa siya sakin, "Bilang lamang sa daliri ang pagkikita natin bini-bini.."

"Eh? Diba playmates tayo? Kung palagi tayong naglalaro tapos.. eh? Pakiexplain."

"Tatlong beses lamang tayo nagkita noong labing dalawang taon ako, at isinama ako ni Kapitan Sandiego sa Maynila upang mag-aral." Pagpapaliwanag niya.

JOANAWhere stories live. Discover now