Krystal's POV
Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa napadpad ako sa isang kagubatan. Sa sobrang bilis kong tumakbo,hindi ko namalayan na ang layo na ng narating ko. Huminto ako upang habulin ang aking hininga nang makitang wala na siya,ang humahabol sa akin. Bumagsak ako sa damuhan dala ng pagod at panghihina. Tulala ako nang maalala ang nangyari kanina...
Wala na ang aking lola...
Wala na ang nag-iisa kong kapamilya ng dahil sa mga demonyong iyon.
Sisiguraduhin kong magbabayad sila sa ginawa nilang pagpatay sa aking mahal na lola. Ikinuyom ko ang kamay ko sa galit.
Ilang minuto akong nanatiling nakaupo roon upang magpalakas nang biglang may narinig akong mga yapak papalapit saakin.
Mabilis akong tumayo at tatakbo na sana ako ngunit hindi ko na nagawang maigalaw ang aking mga paa dahil hinila ako ng isang lalaki paharap sa kanya.
Hindi siya pamilyar saakin. Pula ang kanyang buhok at mata. Matangkad at sobrang puti. Nakakakilabot ang aura nito. Nanlilisik ang mga mata nito at pinagkikiskis nito ang kanyang ngipin na para bang isang pitik niya lang,kaya niya akong patayin.
Dahan dahan itong lumapit sa aking leeg na animoy inaamoy pa ako. "Mukhang masarap ka," wika nito habang kinakagat ang ibabang labi. Manyak naman pala ang loko!
Mabilis ko siyang itinulak at nanlaki ang mga pulang mata nito na animoy hindi inaasahan na maitutulak ko siya ng ganoon ka dali. Nakakainsulto na itong manyakis na ito ah! Mukha ba akong weak!?
Ngumisi ito tsaka muling lumapit sa akin. Bahagya akong napaatras. "Sayang ka talaga. Maganda ka pa man din ngunit uhaw na ako kaya no choice." Gwapo ka rin sana ngunit manyakis naman!
"A-ano bang pinagsasabi mo?!" Hindi niya ako sinagot at ngumisi lang at muling lumapit sa leeg ko na parang may kinikilatis. "Mmm" binuka niya ang kanyang bibig na animoy kakagatin ang aking leeg. WTF?!
Napahinto ito nang may tumawag sa kanyang boses.Pareho kaming napalingon sa kung sino man ang tumatawag dito. Mas lalo akong kinilabutan. Isang lalaking mala-harina sa puti ang tumambad sa mga mata namin. Pareho silang may nakakatakot na aura ni Mr. Manyakis.
Itim ang buhok at mata nito. Mr. Blacky na lang ang itatawag ko sa kanya kahit na maputi siya. Hihihi.
Tinignan ako saglit ni Mr. Blacky tsaka binaling muli ang tingin kay Mr. Manyakis.
"Sinong nagsabi sayong pwede kang lumabas ng bahay ng hindi nagpapaalam?!" Sermon nito na para bang isang ama.
"S-sorry hyung," tumongo ito sa hiya. Aba! Duwag naman pala ang manyak! "Naghahanap lang naman ako ng makakai-" rason nito na agad pinutol ni Mr. Blacky.
"Taixer Kim!!!" Pagbabanta ni Blacky. Taixer pala ang pangalan ni Mr. Manyakis.
"P-po?" Lalo itong tumungo. Gusto kong matawa ng malakas ngunut nagpigil ako.
"Hinahanap ka na niya. Alam naman nating hindi mo gugustuhing mawalan siya ng pasensya" Kumunot ang noo ko. Sino ba ang tinutukoy nila? Hayyss wala na akong pakialam dun, ang gusto ko lang makaalis na dito.
Mabilis na iniangat ni Mr. Manyak ang kanyang ulo upang tignan si Mr. Blacky. Ang dating nanlilisik nitong mata ay napalitan ng takot at kaba. Ganito ba talaga sila katakot sa 'siya' na sinasabi nila?
"Tara na" Pagyaya ni Mr. Blacky kay Mr. Manyak.
Magtatanong pa sana ako kung saan sila pupunta sa kagubatang ito pero bago pa man ako nakapagsalita,mabilis na naglaho ang mga ito. What the hell just happened?!
Nanghihina uli akong napaupo. Mapait akong tumawa na animoy nawawala na sa sarili. "Ano bang mayroon dito?Nasaan na ba talaga ako? Anong klaseng lugar ito?"
Nanlabo ang aking paningin hanggang magdilim ang lahat.
~< End of Chapter 1 >~
Vote,comment,share and follow! Thankiee!
BINABASA MO ANG
Academia de Royale:School for the Enchanted
FantasyClearly for Filipino readers✔ Welcome to Academia de Royale :School for the Enchanted! A school full of mystical and powerful creatures. A school filled with supernatural beings you never knew existed. A kingdom full of Princes,Princesses, Queens an...