Krystal's POV
Masaya akong dumating ng bahay dahil sa balitang siguradong magpapasaya sa aking lola ngunit pagdating ko roon,wala siya. Tinignan ko ang lahat ng kwarto ngunit wala talaga siya. Napabuntong hininga ako. Si lola talaga oh,lumabas nanaman ng walang paalam.
Pumasok na lang ako sa loob ng aking kwarto at humiga na lamang sa aking kama. Pinagmasdan ko ang aking puno ng medalya at iba ibang tropeyo. Napangiti ako at nanood ng 'Oh My Girl' at nang matapos iyon,natulog ako.
Nagising ako ng marinig ang isang malakas na kalabog na sa tingin ko ay nagmula sa baba. Dali dali akong bumaba.
Hindi ako makapaniwala sa nakita ko ng pababa ako. Limang naka maskara na lalaki at si lola,nakahiga sa sahig at duguan!
Sumilip muna ako dahil natatakot din ako sa maaaring gawin sa akin ng mga walang hiyang lalaking iyon.
"Boss,tutuluyan na ba natin ang matandang iyan?" tanong nang isang lalaki sa isa pa.
"Oo. Masyado na siyang maraming alam" wika ng lalaki na mukhang lider nila. Ikinuyom ko ang kamay ko sa galit nang tutukan nila ng baril si lola.
"Boss naman,wala sa mga plano natin iyan ah. Ang sabi mo ang kailangan lang natin ay ang apo niya" Tutol ng isang lalaki.
"Kinekuwestyon mo ba ako?" Kunot noo at nanlilisik ang matang tinignan ng lider ang lalaking pula ang buhok.
Napaatras ng bahagya ang lalaking tumutol sa lider. "H-hindi boss"
Itinutok muli niya ang baril sa aking lola.
"Masyado ka ng maraming alam,tanda. Kailangan mo ng mamaalam" Wika nito at akmang babarilin na si lola. Mariin kong ipinikit ang aking mata. Bahala na kung ako'y mamatay sa aking gagawin,pag namatay naman si lola para na rin lang akong namatay. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata bago tumakbo papalapit sa kanila.
"Wag!" sigaw ko kaya napatingin silang lahat saakin.
Agad namang hinawakan ng dalawang lalaking nakamaskara ang magkabilang braso ko. "Ako lang ang kailangan niyo,hindi ba? Wag niyo naman sanang idamay ang aking lola" Pagmamakaawa ko "A-ako na lang ang patayin niyo" lakas loob kong sabi.
BINABASA MO ANG
Academia de Royale:School for the Enchanted
FantasiaClearly for Filipino readers✔ Welcome to Academia de Royale :School for the Enchanted! A school full of mystical and powerful creatures. A school filled with supernatural beings you never knew existed. A kingdom full of Princes,Princesses, Queens an...