SABRINA'S POV
Papunta kaming Cebu ngayon dahil mamamasyal kami doon dahil summer ngayon at sumakay kami ng barko papunta doon at kasama ko sina mommy, daddy at Sophia. Nang malapit na kami sa daungan ay mukhang nagkaproblema ang makina at bigla itong tumigil. Pagkalipas ng ilang minuto, bigla itong sumabog at tumilapon kaming apat kung saan-saan.
Pagmulat ng aking mga mata, isang mid 40+ na babae at lalake ang aking nakita at may isang mid 20+ na lalake ang aking nakita sa aking paanan. Tinulungan nila akong bumangon at maraming tanong ang ibinato nila sa akin pero naging emosyonal na lamang ako sa mga oras na yun.
"Neneng, anong pangalan mo at anong nangyari sa iyo?" tanong ng babae at sinagot ko siya agad, "S-Sabrina po ang pangalan ko. H-Hindi ko na po m-malala ang nangyari mula noong s-sumabog yung barko na sinasakyan namin papuntang cebu" emosyonal na sagot ko. Napansin bigla ng lalake ang mga sugat ko sa kamay, paa at mukha ko kaya pinatayo nila ako at ini-uwi sa kanila.
SOPHIA'S POV
Nagising na lamang ako at nakahiga sa buhangin kasama ang mga taong nakasakay din sa barko. Tumayo ako at tinignan sila lahat, yung iba hindi na magising at yung iba punong puno ng sugat. Hinanap ko si mommy, daddy at Sabrina. Pumunta ako sa kanang bahagi at doon ko nakita sina mommy at daddy pero nagtaka ako nang hindi ko makita si Sabrina. Tumakbo ako papunta kina mommy at daddy. "Mommy, Daddy, okay lang po ba kayo?"
nag aalalang tanong ko sa kanila. "Okay lang kami anak, si Sabrina kasama mo ba?" sagot sa akin ni daddy ngunit nag duda na lamang ako sa tanong ni daddy. "Akala ko po kasama niyo sila kaya hinanap ko kayo" nag aalalang sagot ko, "A-anak hindi namin kasama ang k-kapatid mo" emosyonal na sagot ni mommy, "Wait lang mommy, hahanapin ko po siya doon baka andiyan lang po siya, babalik din po ako agad pag nahanap ko na siya" mahaba-habang saad ko, "cge anak, mag ingat ka ha?" emosyonal paring sagot ni mommy at hinawakan ang mukha ko kaya tumango na lanang ako bilang sagot."SABRINA! SABRINA! SABRINA!" kasalukuyan akong sumisigaw ngayon para lang mahanap si Sabrina at mahigit bente minutos na akong sumisigaw dito, paos na paos na din ako kakasigaw kaya noong nawalan na ako ng enerhiya ay napa iyak na lamang ako at bumagsak sa buhangin.
Bumalik ako kina mommy at daddy nang umiiyak. Noong nasilayan ko sila sa malapit ay kausap nila ang rescuer at police kaya tumakbo ako at nakinig na din sa usapan nila.
"Mam, ayon po sa investigation namin ay may 22 na itinakdang nawawala o patay na at ang iba ay sugatan. Ibabasa ko na po ang mga listahan ng mga itinakdang nawawala o patay na at dinggin niyo na lamang po kung nandoon po yung tinutukoy niyong nawawala" mahabang sabi ng police. "Prince Duque, Nathalia Smith, Precious Ty, Jonas Santos, Mae Rivera, Grace Buenavista, Ronnel Villa....." nawawalan na ako ng pag-asa at nagiging emosyonal na din kami sa mga oras na ito pero umaasa padin kami kahit konti na sana hindi mapabilang si Sabrina sa listahan ng mga itinakdang nawawala o patay, hanggang sa...
".... Sabrina Madrigal, Vy Quinto at Patrick Morales" ewan ko, pero parang bigla na lang tumigil ang mundo ko sa narinig ko. Humagulhol kaming tatlo at yinakap ko na lamang si mommy at daddy.~~~~~~~~~~
Hey ya' guys! Pls, support my story and I hope my story will be inspiring y'all!♥️If you want to know if what happened next, pls keep on reading!😊
I hope you enjoy and like it!💋
~quinayra❣️
BINABASA MO ANG
The Beauty and The Nerd
FantasyGenre: Fantasy, Romance, Thriller and Mystery ~~~~~~~~~~ Isang kwentong tungkol sa magkapatid na nagkawalay ng matagal. Si Sophia "Sophie" Madrigal, ang beauty queen, ang kasalukuyang nasa puder ng kanyang mga magulang. Si Sabrina "Sabi" Ramos, ang...