Nadischarge na ako sa ospital at nakabalik na rin sa school. hanggang ngayon, wala pa ring kahit anino man lang ni Dayne ang sumulpot ;'(
Asan na kaya yung mokong na yun? Miss ko na sya (+-.-) Hindi ba nya ako namimiss? Kaya nya pala akong tiisin? Langya naman Dayne oh!! Tsk ~_~ Rawr!!
Pupunta nalang ako sa...
"BULAGAAA!"
"AAAAYYY Anak ng anak ng apo ng tatay ng nanay mo naman Prestoooooon!!! Kailangan ba talaga ng gulatan?" tss..
" Eh kasi naman! Para kang baliw jan eh! Tumayo ka nga dyan!"
Awww.. Nakaupo pala ako sa basurahan.. -_-
" Nanggugulat talaga?" tanong ko ulit
" Eh pano naman kasi, kanina pa ako tawag ng tawag, hindi ka naman nakikinig"
" Ganun ba? Ang hina siguro ng tawag mo! "
" Reyna ng alibi ka talaga bubwit!!!!"
" Hindi naman. Prinsesa lang. Hahahahaha!"
Natigilan sya at tinitigan lang ako..
" Hoy! Mr. Preston Parker!! Anyare?"
" Ah.. Haha! Wala.. Namiss ko lang tawa mo! Tagal ko nang hinihintay marinig yun ulit" seryosong sabi nya
Katahimikan...
" Swimming tayo? " suggest ko
"Oh ba! Game! San mo gusto?"
" Kahit saan " sabi ko
" Sa bahay tayo? Miss ka na ni Juno!"
" Talaga? O cge game! "
Si Juno ang pet dog ni Preston na binigay ko sa kanya noong graduation day at yung kapatid ni Juno binigay ko kay Dayne, pinangalanan nya itong Jino, yung sa akin naman ay si Jana. Tambayan namin noon ang bahay ni Preston at bumibisita rin kami ng family ko sa kanila at ganun rin sila sa amin kaya close ako kay Juno, napakalambing nyang aso at kilalang kilala nya ang amoy ko.. Mag-iisang taon na rin akong hindi nakapunta sa kanila, kaya parang na.excite ako nang minention ni Pres si Juno..
" Uuwi muna ako, magpapaalam lang ako kay mommy at daddy, baka kasi magtaka sila..kukuha rin ako ng pamalit" sabi ko
"Diretso na tayo, may mga damit ka naman sa bahay, atsaka ako na bahala kina Tito at Tita" sabi nya tas nagwink
Nakooo! Si Mommy -_- Humahalakhak na naman yun. Tsss.. Bakit ba mas gusto nya si Pres kesa kay Dayne para sa akin? Tsss.
" Owwkayy then, lets go?" excited na sabi ko
" Alright " he said and tapped my head
Hayyyy kailangan ko toh! Pagkatapos ng lahat ng nangyari last week gusto kong huminga -.- Sobra akong naguguluhan at nasasaktan.. Hindi namin pinag-usapan ulit ni Pres ang about sa mga relationship status namin, di nya rin ino.open up..baka kasi maging mas awkward lang..
" Wala ka bang balak pumasok at mag-aral? Ang gulo mo talaga! " kyuryus kong sabi
Ngumiti lang sya..
" Hoy Preston Dale Parker! Di porket solong tagapagmana ka pwede ka nang hindi mag-aral! Sapakin kita jan eh!"
" HAHAHA! Miss mo na ako sa skul noh?" tss. Ang kapal ng lalaking eto.
" Oo! Ang bobo ko sa Math eh..wala akong makopyahan.."
" HAHAHA! Edi asdfghjkljkll" anoo daw?
"Ano? Ang hina naman ng boses mo"