CHAPTER IV- Let The War Begin

97 9 1
                                    

Hindi ko akalaing magagawa saken ni Preston yun -.- I mean, yes, he's a little bit liberated, but I never thought magagawa niya sa akin yun :3 Akala ko..akala ko malaki ang respeto niya sa akin. Akala ko, kahit konti, kahit konti man lang may pagpapahalaga pa rin sya sa pagkakaibigan naming tatlo, na kahit papano, bigyan pa rin nya ng importansya ang kung ano mang meron kami noon bago pa nangyari lahat kasi importante sya saken at kahit di man sinasabi ni Dayne, ramdam ko na mahalaga rin sa kanya si Preston. Solid kami eh, ayokong maging Liquid kami, hanggang sa maging Gas at tuluyan ng maihip ng hangin ang pagkakaibigan naming tatlo. Kasalanan ko, kung sana hindi ako pumili, eh di sana, wala nalang nasaktan. Di ko sana nasaktan si Preston at nanatili nalang kaming magkakaibigan. Alam ko ang selfish ko, naging unfair ako, sarili ko lang ang iniisip ko, feelings ko lang ang kino.consider ko, ngayon ginawa ko tuloy kumplikado ang lahat. Ang hirap talaga...Tulooonggggggg >_<

~Note Locked~

Lunchbreak na.. Naglalakad ako papuntang cafeteria at napansin kong may nagkakagulo sa field. May pinapalibutan sila at nagsisisigaw.. Ako naman na chismosa, lumapit..

"Miss, anong nangyayari?" tanong ko sa isang babae na matangkad at kagagaling lang dun sa umpukan.

"Mga baliw sa pag-ibig" chill lang na sabi niya tas umalis na rin

"Sino ba kasi pinag-aagawan nila? Ang haba naman ng hair ng babaeng yun"

"Ako nalang sana yung babae"

"Sinabay yata ng babae"

narinig ko sa mga bulong-bulungan.

"AKIN SYAA!"

Teka... pamilyar ang boses na yun ah! Dayne?

Agad akong tumakbo sa umpukan at pinilit na makisingit..

"SA AKIN SANA SYA!! GAGO KA! MANG-AAGAW!"

si Preston yun....Ano bang nangyayari ????? :X

...Bumulaga sa harap ko si Dayne at Preston na pareho nang wasak ang mukha. Wala man lang umawat????! Diyos ko naman!!!!!!!

Agad akong lumapit sa dalawa .

"Tama naaa! Ano bang nangyayari sa inyo??? Dba sabi kong itigil nyo na yaaan!" sigaw ko..halos mapiyok ako.. pinipigil kong tumulo ang luha ko.

"Wag kang makialam dito Hera, away namin toh" galit na sabi ni Dayne na mahina akong tinulak palayo

"Hera, Hera " tawag ni Preston na nanghihina at tumitig lang saken. Balot na balot sya ng kalungkutan..

"Itigil nyo na yan!!"

Lumapit ulit ako sa kanila.

"UMALIS KA SABI DITO!!" galit na galit na sigaw ni Dayne at napalakas ang tulak nya saken at napaupo ako..

Ang sikip sikip na ng dibdib ko :'( Ang dami ng tumitingin sa amin, parang nag.shoshooting lang kami para sa isang pelikula. tssss!

"Gago ka! Wag mo syang saktan!" sabi ni Preston na akmang susuntukin na naman sana si Dayne

"TAMA NAAA!!! " at humagulgol ako ng iyak

"ITIGIL NYO NA YAN SABI EH! ANO BANG MAHIRAP INTINDIHIN DUN? WALA NA BA TALAGA KAYONG IBANG GAGAWIN KUNDI ANG IPAHIYA ANG MGA SARILI NYO DITO? HINDI BA KAYO NAHIHIYA? KASI AKO? KINAKAHIYA KO KAYOOOOO!" para akong bombang sumabog, ang sakit sa loob ko, hindi ko kinaya...

Natigil silang dalawa..

"Hera" medyo kalmadong tawag ni Dayne.

Yumuko lang ako at patuloy pa rin sa pag.agos ng luha ko. Wala pa naman akong dalang panyo :/

WAR OF THE HEARTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon