Isabel's POV
"Ano kaya ang buhay sa kabilang siyudad?"
"Masaya ba doon?""Donya Isabel!" sigaw ng kung sino man dyan galing sa ibaba ng mataas na bundok na inuupuan ko ngayon." Siguro isa naman iyon sa mga katulong sa palasyo na naghahanap sa akin. hay naku! ayaw ko talgang maistorbo, pero hindi ko naman mapalayo ang mga yon."
Imbes na sasagot din ay nanahimik na lang ako at nagpatuloy sa pagmasid sa siyudad ng teknolohiya( City of technology) mula dito sa bundok. Kitang kita ang siyudad mula dito sapagkat mataas ito at malapit ito sa labasan ng "Siyudad ng Sinang-unang Maharlika"(City of Ancient Royalty) .
Ilang minuto na ang nakalipas pero hindi pa rin ako nahanap ng mga katulong. Tumayo na lamang ako at pinagpag ang damit ko at tuluyan ng tinahak muli ang kagubatan pabalik ng palasyo.
Hindi naman ganoon ka komplikado ang daan dito dahil mabilis kong maalala ang mga dinadaanan ko, kakayahan ko na iyon simula ng ma silang ako. Hindi ko nga alam kung bakit hindi pa nila ako mahahanap dahil may kakayahan naman sila tulad ko.
Habang naglalakad ako ay may narinig akong mga paa na tumatapak sa mga layang dahon maliban sa akin, at mga ilang metro lang ang layo nito. Huminto ako sa pag lalakad para pakinggan ko ang mga kaluskos na narinig ko kanina pero katahimikan ang namayani.
"Ano to? nakakatakot na pelikula?"
Na hindi lumilingon , nagpatuloy na ulit akong maglakad patungo sa palasyo.
Ilang minuto pa ay nakarating na ako sa harap ng palasyo pero madilim na ang kalangitan. Hindi naman ako takot sa dilim at wala namang taong hindi taga rito dahil mahigpit ang seguridad sa siyudad na ito.
tuluyan na akong pumasok sa palasyo at tulad ng nakaraang mga araw , pagkabalik ko ay halos patay na ang mga ilaw.
Hindi naman sa pinapababayaan ako ng mga katulong, talagang protektado lang ang lugar na to at alam nila na kaya ko naman ang sarili ko . Hinanap lang nila ako kanina dahil siguro hindi pa ako nakapag tanghalian pero wala akong ganang kumain kaya hindi ako nagpakita sa kanila. Hindi man sa matigas ang ulo ko pero ganoon talaga ang pagkatao ko.
umakyat ako sa hagdan para maka punta sa kwarto ko para agad namang matulog ng mahimbing. Binuksan ko ang kwarto ko at may nakita akong sobre sa kama ko ,at sa gilid nito ay may isang bestida na pilak ang kulay at may lasong ginto sa
harap at sa magkabilang braso. Abot iyon hanggang sahig dahil sa haba nito, hindi na nga siguro makikita ang mga paa mo.Binuksan ko ang sulat at ng matapos ko basahin ay hindi na ako nabigla pa sa mga nakasulat doon dahil halos araw araw ganito ang eksena sa palasyo at halos magkapareho lang ang nakasulat.
Mahal kong Isabela
Hindi ka naman daw umuwi ng maaga ngayon, hinanap ka ng ating mga katulong pero na bigo sila na mahanap ka. Alam kong wala kami dyan minsan para sayo dahil masyadong komplikado ang nangyayari sa sentral pero sana intindihin mo naman kami ng ama mo dahil para ito sa ikabubuti mo. Ang damit na ipinadala ko ay para iyan sa salo-salo bukas ng gabi . Pupunta kami ng ama mo kaya dapat nandoon ka rin. Papayagan pa rin kitang maglibot sa siyudad pero sana wag mo namang pahirapan ang mga katulong natin.
Ang iyong mapagmahal na ina,
Zarsuela
Itinabi ko ang bestida at ang sulat at pagkatapos ay hinayaan kong mahulog ang katawan ko sa kama.
BINABASA MO ANG
The Two Parallel Cities
RomanceIsang siyudad na nahati sa dalawa kung saan mag kaiba ang kanilang kultura .Ang "Siyudad ng Sinang-unang Maharlika"( "City of Ancient Royals")kung saan nakabilang ang mga dugong maharlika at may kulturang sinang una, kung saan nakabilang si Evangel...