Kabanata 2: "Just here to say hi"

8 0 0
                                    

Isabel's POV

"How's your part going? doing okay?"
"Its proceeding quite well ,so let's just be patient"

~•°•~
"Nasaan na ako?
Pagkamulat ko ng mga mata ko ay agad kong inilibot ang paningin ko at maraming bagay akong nakita na kakaiba at wala ding tao sa silid na ito.

Maliit lamang ang kwarto , siguro mga tatlong metro ang haba at Dalawang metro naman ang lapad. Para akong nasa ulap dahil walang kulay at blanko lamang ang mga pader kaya nakakasawang tingnan.

"Parang nasa ibang mundo na ako ah, totoong buhay na anime ang trip ko ah. Hindi kaya?......nabangga ba ako ng sasakyan?!"

"Malamang hindi, wala namang sasakyan sa gubat, o meron ba?"

(Narrator :At sa hindi malamang dahilan bigla na nalang dinugtong ang pagiging anime freak ni author)

"Bahala na nga! namatay man o sa wala kailangan kong makalabas dito"

Hinanap ng mga mata ko ang pinto pero hindi ko iyon makikita. Tumayo ako mula sa higaan at nagsimulang maglibot sa silid na iyon. Nanatili lang ako sa gilid ng pader habang kinakapakapa ang mga iyon ,umaasa na baka may sikretong pintuan.

"Bigla ko na lang naalala ang isang aklat noong bata pa ako, ano nga ba ang pamagat nun?"

"Barbi end da sikret dor ba yong pamagat? bigla ko nalang nalimutan

Alam ko ang mga ganitong bagay dahil maraming katulad nito sa palasyo at nabasa ko rin  ito sa mga aklat.Pero ang aklat na iyon ay isinulat ng isang sikat na tao kung kaya't bawal basahin. Pero dahil pasaway ako, na kayanan kong kunin iyon mula sa sikretong silid na hindi nakita.

Hind naman ako nagkamali pero bago ko yon nakita ay lumusot muna ako sa pader kaya tuluyan akong napadapa sa sahig.

"Aray naman! hindi naman ito sikretong pintuan ,hindi lang siya makikita."

Narrator: Pareho naman ang ibig mong sabihin eh!

"Hay basta intindihin niyo na lang!"

Inangat ko ang ulo ko at nakahinga naman ako ng maluwag ng wala akong makita na kahit sino. Agad naman akong tumayo at pinagpag ang damit ko. Nagsimula akong tumakbo sa kung saan ako dinadala ng aking mga paa.Habang tumatakbo ay iniikot ko din  ang ulo ko ,at may napansin akong kakaiba  sa lugar na to. Hindi tulad kanina kung saan ako nagising, para akong nasa palasyo ngayon dahil sa disenyo nito.

Maya maya pa ay may nakita akong malaking pinto sa unahan ko kaya pinabilis ko ang pagtakbo ko. Hindi  naman ako nagdalawang isip at agad ko namang tinulak pabukas ang malaking pinto. Masyadong mabigat ito kaya nilakasan ko pa ang pwersa ko hanggang sa nakita ko na ang sinag ng araw sa gitna ng mga pinto na bumubukas. Nang tuluyan ko na itong mabuksan ay namangha ako sa kagandahan ng tanawin pero sobrang nagulat ako ng naging pamilyar ang lugar na iyon.

"Parang Deja vu?"
"Muling pagkakatawang tao ba ako?!"( reincarnation)

Pero bago pa ako maka pag isip kung nasaan ako ay may tumusok na matilim na bagay sa likod ko. Hindi ko alam kung ano at kung sino ang tumusok nun sa likod ko pero bigla akong nanghina at biglang dumilim ang paningin ko at tuluyan ng nawalan ng malay.

The Two Parallel CitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon