Chapter 1

5 0 0
                                    

{Naomi's POV}

Naalimpungatan ako ng mapanaginipan ko na naman ang nangyari 6 years ago, nung umalis sila mama at papa.

It's been 6 years na..

Pero hanggang ngayon ay wala pa rin sila. Napaupo ako sa kama ko at tumingin sa orasan; 4:50 am.

Bumuntong hininga ako at pumunta sa banyo at ginawa na ang morning routine ko.

Pagkatapos kong magbihis at mag-ayos ay dumiretso na ako sa baba na ready na.

"Good morning manang Aliyah." Bati ko sa kasambahay namin. "Gising ka na pala iha. Ang aga mo naman." Nakangiting sabi niya.

Ngumiti na lang rin ako bilang sagot sa kanya. Matagal na siya sa amin nagtratrabaho dahil simula pagkabata ko ay siya na ang nag-aalaga sakin. Bumalik siya sa probinsya nila 6 years ago dahil namatay yung tatay niya kaya wala kaming kasama noon dito sa mansyon.

"Hindi pa po ba gising si Blake?" Tanong ko habang tinutulungan siyang mag-ayos ng hapagkainan.

"Ay hindi pa iha. Masyado pa kasing maaga. Maaga ka bang papasok?"

"Oo po sana eh. Pwede mo po ba siyang gisingin?"

"Sige ba." Nakangiting sabi niya at pumahit na papuntang itaas para gisingin ang kapatid ko.

Napabuntong hininga ako at nagsimula ng kumain ng mag-isa. Maya't maya pa ay bumalik na si manang at pinasabay ko na rin siya sa akin.

Nagkwekwentuhan kami ng biglang dumating ang kapatid ko, si Blake. "Good morning ate." Bati niya at hinalikan pa ang pisngi ko.

"Morning." Pilit ang sayang bati ko. Bigla siyang napatitig sa akin at sumide pa ang ulo na para bang pinag-aaralan ako.

"Wag mo nga akong tignan ng ganyan. Alam kong maganda ako okay?" Biro ko pero nanatili siyang nakatingin sa akin. Medyo nailang naman ako.

"Ay siya iho. Kumain ka na." Tawag ni manang sa kanya kaya nabaling ang atensyon niya kay manang at ngumiti pa saka umupo sa harap ko.

"Napaginipan mo na naman ba ate?" Bigla niyang tanong sa kalagitnaan ng pagkain namin. Napatigil ako at napatitig sa kapatid ko na tuloy pa rin sa pagkain.

Huminga ako ng malalim at tumingin sa plato ko na nanlulumo. Ramdam ko ang pag-angat ng tingin niya sa akin kaya tumingin din ako sa kanya at pilit na ngumiti.

"Just eat faster." Ngiti ko at tinapos na ang natitirang pagkain sa plato ko. Pagkatapos ay pumahit ako papuntang kwarto ko para magbrush ng teeth.

"Bye manang. Una na kami." Paalam ni Blake at pareho kaming sumakay sa sarili naming kotse. Nakita ko pang kumaway si manang bago kami tuluyan makaalis.

Habang nasa daan ay di ko mapigilang maisip kung nasan na ba sila mama at papa. Kamusta na kaya sila? Buhay pa ba sila?

At dahil sa maraming tanong sa utak ko ay di ko na namalayang nasa parking lot na pala ako nga school namin. Dali dali akong bumaba at sinalubong ang kapatid kong kakababa lang din.

"Let's go?" Yaya ko at tumango naman siya at nagsimula na kaming maglakad.

Kung yung mga bida sa mga napapanood niyo o kaya ay mga nababasa niyo ay mga may kaibigan, ibahin niyo kami. Wala kaming kaibigan sa school na to pero meron naman kaming kinakausap. Masyado kasing plastik ang nag-aaral dito kasi nga mayaman.

-.-

"Mauna na ako ate." Paalam ni Blake at saka naglakad na palayo habang dumiretso naman ako sa classroom ko.

Vampire's LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon