Kabanata 5

219 24 10
                                    




It's ten minutes to twelve and I'm still lying on my couch inside my walk-in closet. Today is our Summer Night and I'm so excited! Tinitigan ko ang gown na naka-hanger, mas lalong gumanda ito kumpara sa una ko siyang nakita. Ilang beses ko itong sinukat dahil sa sobrang pagka-excite ko rito.

Kukunin ko na sana ito upang muling isukat nang may kumatok sa pinto. "Tali, kakain na," tawag sa akin ng kasambahay namin. Inayos ko muna ang buhok ko bago lumabas ng kwarto.

May nakahanda ng pagkain pagdating ko sa sa dining room. Umupo ako sa pwesto ko at naglagay ng kanin sa plato. "Happy eating." Isa-isa kong tiningnan ang blankong mga upuan at sinimulan kumain.

My family is not here because they are busy. Again. I'm used to it. Bihira kaming magsabay-sabay kumain dahil lagi naman silang gabi kung umuwi, at minsan pa'y hindi na sila rito kumakain. Bilang lang ang mga araw na nagkakasabay-sabay kami.

Nawawalan ako ng ganang kumain dahil sa mga pagkaing nasa harap ko. There are four dishes na nakahain: fish, beef, pork and vegetables. Masarap magluto ang cook namin, pero nakakasawa na rin ang mga pagkaing niluluto nila. Parang may hinahanap akong gusto kong kainin pero hindi ko alam kung ano iyon.

Bumalik na ako sa kwarto para mag-ready sa party. Nagbabad ako sa bath tub to smoothen my skin. Naglagay rin ng face mask at ng kung ano-ano pang skin care products. Paglabas ko, napatingin ako sa wall clock. Oh no! Hindi ko napansing ang tagal ko na pala sa CR. Gosh! I only have two hours to prepare.

Nagsuot muna ako ng bathrobe at binalot ang buhok ko sa towel. I prepare my makeup and I sit in front  of my vanity mirror. This is one of my favorite things to do—putting a makeup. I don't wear false eyelashes and contact lenses because I have a natural long eyelashes and black doll eyes.

Sinunod kong ayusin ang aking buhok na pinatuyo ko muna gamit ang blower. Idon't know kung anong hairstyle ang gagawin ko kaya tumingin ako sa internet. Nahihirapan akong mamili, lahat ng hairstyle na nakikita ko ay gusto kong gawin. I want my hair na naka-braid, but at the same time gusto ko rin siyang naka-curl.

It takes time bago ako makapili kaya nang makapag-decide, ginawa ko na agad ito. After kong ayusin ang buhok, isinuot ko ka ang aking gown.

Lumapit ako sa full length mirror at pinagmasdan ang kabuuan. Smokey eye makeup with burgundy lipstick, messy bun with diamond hairpins and some loose hair and silver pump shoes to match with my black halter plunging high neck ball gown.

Why so gorgeous, Talitha Korin?

Nagpahatid ako sa driver namin sa hotel kung saan gaganapin ang party. "Kuya, I will call or text you na lang po kung magpapasundo na ako," sabi ko sa kaniya. Ayoko namang  maghintay siya hanggang matapos ang party kaya papauwiin ko na lang muna siya.

Inalalayan ako ng driver namin pagbaba ng kotse. Inayos ko ang suot ko bago maglakad papasok ng hotel. Habang naglalakad, napapatingin sa akin ang mga tao at ang iba pa ay sadyang lumalapit sa akin para lang sabihin kung gaano ako kaganda.

Malapit na ako sa pintuan papasok sa mismong venue nang makita ko si Adam. He's waiting for me. Dapat ay susunduin niya ako sa bahay at sabay kaming pupunta rito pero tumanggi ako. Sabi ko, dito na lang kami magkita.

He is looking at me from head to toe. He is so handsome. Naka-wax ang kaniyang buhok. He is wearing white tuxedo with black necktie ribbon, black pants and black shoes.   Sinalubong ko ang seryoso niyang tingin sa akin na pinagtaka ko kung bakit ganiyan ang kaniyang expression.

     "Hi," nag-aalangang bati ko.

Sandali siyang tumitig sa akin bago magsalita. "You're such a goddess, my dear Korin." Napahinga ako nang maluwag dahil akala ko ay ayaw niya akong makita. "But.. Are you comfortable with your gown? It's too revealing." Pilit na nginitian ko siya.

PIS #1: My Almost Perfect GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon