Kabanata 26

202 18 17
                                    




"Nico! Give it back to me!" Masama akong tumingin sa kaniya nang agawin niya ang cellphone ko. Lumapit ako para kunin ito pero tinapik niya ang kamay ko at itinago sa bulsa ng pantalon niya.

     "Hindi ko 'to ibabalik sa 'yo hangga't hindi ka kumakain." Nilapit niya ang styrofoam na may lamang kanin at ulam sa harapan ko.

     "Busog ako." Inusog ko ito at sumandal sa upuan.

     "Hay naku! Hayaan niyo na nga 'yang si Talitha kung ayaw kumain. Sarili lang naman n'ya ang pinapaharipan n'ya," pagalit na sabi ni Yanyan sabay inom ng Iced tea.

   "Kumain ka na kahit limang subo lang," pagpupumilit ni Steph.

Umiling ako. Itinaas ang paa sa upuan at niyuko ang ulo sa tuhod ko. Napaangat ako nang may malakas na pumalo sa lamesa, pagtingin ko kay Yanyan, masama siyang nakatingin sa akin. "Akala mo nakakatuwa kang panuoring gan'yan ka? Hindi! Nakakairita na! Patay na ba si Travis para mag-inarte ka nang gan'yan? Daig mo pang namatayan, eh!" sigaw niya habang nakapamewang sa harapan ko. Hinawakan siya ni Steph sa braso para paupuin ulit.

Napatulala ako, ngayon ko lang siya nakitang magalit nang ganito. Usually, lagi siyang nakangiti, nakatawa, o nagbibiro.

     "I... I just missed him."

Miss na miss ko na si Travis. Ang sabi niya one week lang siya mawawala, pero anong araw na ay hindi pa rin siya umuuwi. Nang unang araw, maayos pa naman kaming nakakapag-usap—nakapag-FaceTime pa nga. Pero habang tumatagal, bibihira na lang, minsan nga ay wala pa sa isang araw. Sinabi naman niya na mahina ang signal sa pinuntahan nila kaya late na niya nare-receive, o kaya nama'y busy siya. Naiintindihan ko naman iyon kaya lang kasi... two days straight na kaming walang communication, wala siyang paramdam. Sana man lang kahit hi o emoji, i-message niya ako kasi nag-aalala na ako.

Bumuntonghininga si Yanyan bago magsalita. "Gets naman namin 'yon. Hindi naman porke't nami-miss mo 'yong tao, magmumukmok ka na. Tingnan mo 'yang sarili mo... napapabayaan mo na."

     "Oo nga, Talitha. Nasa'n na ang kabogerang fashionista na unang nakilala namin no'ng first day?" Kinuha ni Steph ang salamin sa bag niya, iniharap ito sa mukha ko.

Hinawakan ko ang pisngi ko habang nakatitig sa reflection sa salamin. Ang gulo ng buhok ko, maputla, wala man lang kakulay-kulay ang mukha ko, ang mga mata ko na parang inaantok, nagkaroon na rin ako ng eyebags, at ang labi kong nagbibitak-bitak na.

Pinatayo ni Steph si Nico para tumabi sa akin, sumunod din si Yanyan na umupo sa kaliwa ko.

     "Ilang araw daw ba s'ya ro'nn at kailan kayo huling nagkausap?" tanong ni Yanyan.

     "Ang paalam n'ya... one week lang. Lagpas na s'ya ng dalawang araw tapos ang huling usap pa namin 'yong araw na dapat uuwi s'ya ... then until now hindi ko pa rin siya ma-contact. What... what if something had happened to them?" Binatukan ako ni Yanyan kaya masama akong tumingin sa kaniya.

     "Gaga! Kung ano-ano iniisip mo! Kung may nangyari nga"—kumatok siya sa lamesa—"siguro naman may mag-i-inform, 'di ba?"

     "Alam mo, hayaan mo muna 'yong boyfriend mo." Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi ni Steph. "Hindi ibig-sabihin nu'n, kalimutan mo s'ya. Ang akin lang naman... baka busy si Travis doon kaya bihira na lang kayo makapag-usap. O kaya nag-e-enjoy siya sa ginagawa niya," dagdag niyang paliwang.

     "Day, paalala ko lang sa 'yo. Magdo-doctor ang jowa mo, hindi 'to ang unang beses na aalis s'ya nang matagal. Dapat nga unti-unti mo na sinasanay ang sarili mong umaalis siya. Pa'no na lang kapag ganap na siyang doctor? May medical mission s'yang pupuntahan? Every time na kailangan niyang umalis... magkaka-gan'yan ka? Dapat ikaw ang unang makakaintindi sa ginagawa niya." Natahimik ako sa pangaral ni Yanyan.

PIS #1: My Almost Perfect GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon