Simula

1.6K 56 16
                                    



This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Note:

Hi! This is the first book of Perfectly Imperfect Series. I just want to inform you that you may encounter some spoilers from other stories. Thank you!

Perfectly Imperfect Series:
#1. My Almost Perfect Girl



* * *

Abala ako sa pagbabasa ng article sa computer nang may kumatok sa pinto. "Come in." Pagpasok, hindi ko na siya nilingon dahil base pa lang sa pabangong bumalot sa buong kwarto ay kilala ko na siya.

     "Good evening, Doc. Here are the charts that you needed." Linapag niya sa table ang mga folder.

     "Salamat, pwede ka na lumabas." Napahinto ako sa ginagawa ko nang mapansin kong nakatayo pa rin siya sa harapan ng aking lamesa. Paglingon ko ay masama siyang nakatingin sa akin.

Nagsalubong ang kilay ko nang bigla niyang itinukod ang dalawang kamay sa ibabaw ng lamesa, yumuko at hinila ang neck tie ko. "Ano'ng ginagawa mo?"

     "I've lost my energy... need to recharge." Bago pa dumampi ang labi niya sa akin ay pinitik ko siya sa noo.

Daing niya, "Ouch! Bakit ka nananakit? Puwede mo namang sabihing ayaw mo." Inirapan ako habang nakahawak sa kaniyang noo.

Hindi naman sa ayaw ko, nag-iingat lang dahil baka biglang may makakita at sigurado ako na wala pang bukas, pinag-uusapan na kami. Ayokong dumating ang araw na sabihin nilang kaya siya narito ay dahil sa akin. Saksi ako sa hirap at pagod niya para marating kung nasaan man siya ngayon.

     "Tapusin mo na nga 'yong dapat mong gawin," utos ko at itinuloy ang ginagawa. Nagulat ako nang bigla siyang nagpapapadyak na parang batang inagawan ng laruan at humiga sa sofa.

     "I'm tired! Ang sakit ng paa ko, ng tuhod, ng balikat, ng ulo... lahat na!" Tatawa-tawa akong tumayo, dinampot sa sahig ang mga throw pillow na pinagsisipa niya at pinatong sa center table.

     "I deserve a rest, I deserve a sleep, I deserve to eat and most important... I deserve a kiss!" Sinisipa niya ang armrest ng sofa kung saan siya nakahiga.

     "Masira mo 'yan wala akong pamalit, hindi pa ako sumusweldo." Huminto siya, pero masama namang tumingin sa akin.

Lumuhod ako sa gilid niya, inalis ang kaniyang brasong nakatakip sa mukha. Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi at dinampian siya ng halik sa labi. Lalong sumimangot ang ekspresyon ng mukha niya. "More." Pinahaba pa lalo ang kaniyang nguso.

Tinitigan ko muna siya bago simulang halikan. Napapikit ako nang ipulupot niya ang mga braso sa aking batok. Kinagat ko ang ibabang labi niya, nang magtagpo ang dila namin ay nalasahan ko ang huling kinain niya—fried chicken. Kusa na akong tumigil, baka kung saan pa ito mapunta.

     "More..."

     "Namihasa ka naman." Kinurot ko ang kaniyang pisngi saka tumayo.

      "Ang damot," sabi niya sabay irap.

Umupo ako kung nasaan siya, ipinatong ang mga paa niya sa hita ko. Habang nag-ku-kwento siya tungkol sa nangyari at reklamo niya ay minamasahe ko ang mga binti pati na rin ang paa.

     "Isa ka rin sa dahilan kung bakit ang sakit ng katawan ko. Ang dami mo laging inuutos." Natawa ako sa sinabi niya. Sinasadya ko talaga minsang damihan ang pinapagawa sa kaniya—lahat ng iyon ay para din sa ikabubuti niya, para may matutunan at maging handa sa puwede niya pang kaharapin.

Pagkabangon niya, lumapit siya sa akin at isinandal ang ulo sa dibdib ko. Awtomatikong pumulupot ang braso ko sa bewang niya saka hinaplos ang malambot niyang buhok.

     "Nahirapan ka rin ba nu'ng ikaw 'yung nasa posisyon ko?" Tumango ako nang magtagpo ang paningin namin.

     "Sorry." Hinigpitan ko ang yakap sa kaniya. Wala naman dapat siyang ihingi ng tawad dahil isa siya sa mga rason kung bakit unti-unti kong naabot ang aking pangarap.

Bumitaw siya sa pagkakayakap at umayos sa pagkakaupo. "Can we go home? They're waiting for us," nakangiting aniya.

Tiningnan ko ang relo sa palapulsuhan ko. "May gagawin pa ako. Mauna ka na," sagot ko. Gustong-gusto ko nang umuwi para makita na ang mga naghihintay sa amin sa bahay, pero marami pa talagang kailangan tapusin.

     "Okay, just let me stay here for twenty minutes." Mahihimigan ang lungkot sa kaniyang boses. Payakap na siya sa akin nang tumunog ang intercom. "Oh my ghad! No, no, no,..."

     "Code blue. Code blue, 2nd floor, room 212."

Tumayo ako para sagutin ang tumatawag sa cellphone ko. "Okay. Please, call the doctors in other departments... Ha?... Okay. Okay... thank you." Napapikit at napabuntong-hininga ako.

     "Why?"

     "In less than thirty minutes, may darating na sampung TA patients. May emergency sa ibang ward kaya kulang ang doctor..."

     "Oh no! Bakit naman sabay-sabay," nag-aalalang sambit niya habang napahilamos pa sa mukha. "Wait! 'Yung titig mo... don't tell me..."

Tumango ako.

     "Oh my God! Seriously? Alam mong—" hindi ko siya pinatapos magsalita.

     "Kailangan kita. Tutulungan mo ba ako?" Napapikit siya at yumuko.

     "Do you think I can do this?"

     "I trust you." Nilahad ko ang kamay sa kaniyang harapan. Napangiti at agad kong hinalikan ang likod ng palad niya nang tanggapin niya ito.

Sabay naming isinuot ang puting coat at magkasaklob ang aming mga kamay na lumabas sa opisina ko saka patakbong pumunta sa emergency room.



*  *  *  *  *

Interact with me:

Interact with me:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
PIS #1: My Almost Perfect GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon