[~] UKFK 4

506 17 5
                                    

Flashback...(2005)

Nagising si Karylle ng marinig ang paulit ulit na  pag tunog ng kanyang Nokia 3210. Si JM pala, ang beki nyang bestfriend.

From: Beki Bessy 6:00 AM

*Hey bessy. Gising na!!! Maaga pasok natin. Kita nalang tayo sa Tully's.

From: Beki Bessy 6:30 AM

*Hoy ano ba naman yan. Gising na!!!

From: Beki Bessy 7:01 AM

*Kapag hindi ka pa bumangon babasagin ko yung salamin mong magkalaki laki ng frame at babaklasin ko yang brace mo.

From: Beki Bessy 7:02 AM

*Tapos buburahin ko yang freckles mo gamit ang papel de liha.

From: Beki Bessy 7:05AM

*"Bes! Nasan ka na ba? Kapag tayo na late mapupunta nanaman tayo sa Detention!!!"

"Anong oras na ba??" -K

Ng makita ni K ang oras ay agad na syang bumangon, kamalas malasan nga naman at pagbangon nya ay sumabit ang paa nya sa kumot nya. Hindi kasi sya naka salamin kaya pagapang syang nagpunta ng CR at naligo.

****

7:30 AM ; Tully's

Patakbo namang pumasok si K ng restaurant na nagsusuklay ng kulot nyang buhok at isinusukbit ang shoulder bag niya. Nang makita nya si JM ay pasalampak syang naupo sa tabi nito at inilapag kanyang bag at folder. Isang naka simangot at naka kunot na noo naman ang natagpuan nyang JM.

"Bes im sor---" -K

"Ana Karylle Padilla Tatlonghari, 7:30 na. Ang sabi ko diba 7:00 dapat?? Magba bonding nga tayo eh diba?? Antagal mo na ngang di nag paparamdam sakin eh." -Vice

"Ano ba naman yan Bes! Minsan na nga lang tayo magkita ganyan ka pa! Bahala ka na nga diyan!!!" -K

Agad namang kinuha ni K ang kanyang shoulder bag at folder saka iniwan si JM.

****

Gabi na ng makauwi si K sa kanyang Apartment. Laking gulat naman nya ng makita si JM sa kanyang sala at prenteng naka higa sa sofa.

"Anong ginagawa mo dito." -K

Agad namang nagising si Vice at pumungas pungas pa. Inilabas nya naman bigla ang isang paper bag na may lamang ice cream na paborito nilang dalawa.

"Bes gusto ko lang mag sorry..." -Vice

"Bago ka mag sorry alamin mo muna kung ano talaga yung ikinaiinis ko sayo." -K

"Huh? Hindi kita maintindihan Bes..." -Vice

"Ano ka ba talaga??" -K

"Anong ano ako?" -Vice

Napatayo naman si Vice upang mas makapag usap sila ni K ng maayos.

"Ikaw!!! Ano ka ba talaga?? Sabi mo sakin bakla ka... sabi mo bakla ka pero nagkakagusto ka kay Geogina!!! Ano ka ba talaga ha??" -K

Iyak na ng iyak si K habang pinapalo si ang tahimik na si Vice.

"Ano?? Bakit di ka makasagot!!!" -K

Napaupo naman na si K sa sofa habang patuloy parin sa pag iyak. Umupo din naman si JM sa tabi ni K saka hinubad ang salamin ni K para punasan ang mga luha nito pero hinawi ni K ang kamay nya.

"Mahal mo daw si Georgina. Sa iba ko pa nalaman." -K

"Hindi naman mahal agad..." -Vice

"Pero diba bakla ka? Bakit ganyan? Bakit ganito??" -K

"Teka nga bakit ba ganyan ka maka react??" -Vice

"Hindi ko alam kung pinanganak ka bang manhid oh sadyang nagbu bulag bulagan ka lang pero MAHAL KITA BES!!!" -K

Agad na pumasok si K sa kwarto niya at iniwan si JM na tila hindi pa na aabsorb ang nangyari.

Na hanggang sa kasalukuyan ay di nya parin matanggap. Na ang dating si JM na naging bestfriend ni K na ngayon ay si Vice ay hindi parin maka move on sa nangyari sa kanilang nakaraan.

****

VOTE.COMMENT.SPREAD

WALANG PROOF READ TO AH? ^_^

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 12, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Under Kay Fake Kumander (Vicerylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon