Ang Aking Pag-Ibig

282 4 0
                                    

“Ang Aking Pag-Ibig”

Nang makilala kita’y di ko mawari

Buhay ko’y nagkakulay at sa aki’y napako ang ngiti

Pag-ibig para sayo’y umusbong sa panahong kay ikli

Heto’t puso ko’y nahulog sayo at di ko na maikubli

 

Tayo ma’y di magkapantay ng damdamin

Hindi magbabago ang aking pag-tingin

Matamis mong pag-ibig ay aking hihintayin

At dito sa puso ko’y ikaw lang ang mamahalin

 

Ang aking Pag-ibig, inaalay lamang para sayo

Sa tabi mo ako’y mananatili kahit tayo’y magkalayo

Iyo sanang damhin ang tinitibok ng puso ko

Walang bahid ng pagpapanggap, sadyang ito’y totoo

 

Ang aking pag-ibig, maari mang iluwa ng lipunan

Hindi ko ito pipigilan bagkus ito’y aking patutunayan

Na ito’y marapat lamang na ipagsigawan

Lalo sa iyong harapan.

TULAntadoWhere stories live. Discover now